Chapter 34
Down to five
RISEL
As soon as Oxene left us, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. I can't carry Serita all along the way dahil tumama ang siko ko sa pagbagsak ko. I wanted to do something para sabay kaming makaalis dito pero we're hopeless to do something that could spare our lives from death.
"I'm sorry baby..." haplos pa ni Serita sa pisngi ko. "I'm sorry..."
I shoved her tears, "you shouldn't baby..."
She looked me into my eyes, "rage of waters is coming, go on Risel..."
"I won't leave you baby." I hugged her tight. "Whatever it may come, hindi kita iiwanan."
But my heart broke when she push me away from her. Her tears were vivid than the water that surrounds us. Palakas na rin ng palakas ang pagragasa ng tubig.
"Serita, you don't have to do this, I can't leave you alone!"
"You can, Risel. Even without me, you have to survive..." hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin. "Go!" sigaw nito sa akin. Hindi ko inaasahan na itataboy na lang niya ako ng gano'n. "There's one thing you need to do for me, Risel... go see my daughter." She smiled.
"What?" napakunot noo na lang din ako sa sinabi niya.
"Risel! Go! Save your life!"
And with that, I run away from her. I heard her screams between the rages of the waves. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko sa katotohanang wala na si Serita. Binilisan ko na lamang ang pagtakbo ko hanggat sa naabutan ko sina Oxene na palabas na nang passageway.
"Wait!"
Nang saktong pagdating ko doon ay siyang pagragasa ng malakas na tubig. Nagtaka naman sila ng makita na hindi ko kasama si Serita. Hindi naman sila nakaimik dahil kung kailan magiging okay na ay doon pa kami nabawasan. Serita deserve to live.
"And we're out now." Ani Stefen.
Five kilometers away from the mansion, doon kami nilabas ng passageway. Gaya ng plano ay agad kaming pumunta sa tabing dagat para hintayin doon si Marco pero hindi naman namin siya nadatnan doon. Naglagi muna kami sa pwedeng mapagtaguan para sakaling kung may kalaban mang darating ay ligtas kami dito.
"Alam ko ligtas si Marco." Ani Gyllia.
"He will be." Stefen assured her.
Hindi ko alam kung mananatili kami sa bilang namin ngayon hanggang sa huli dahil mula sa labing pito ay lima na lamang kaming nakakasiguradong buhay. Mayamaya lamang ay may nagsisigaw sa tabing dagat, nang silipin namin iyon ay nandoon si Marco.
Lalabas na sana si Gyllia sa pinagtataguan namin ng may sinigaw muli si Marco.
"Guys! 'Wag muna kayong lalabas kung nasaan man kayo! Sa hudyat ko mamaya, doon tayo lilikas!" anito.
Pero hindi nakatiis si Gyllia kundi tinawag na si Marco. Napunta ang atensyon ni Marco sa amin at halata ang gulat ng lumabas si Gyllia. Mula sa pinagtataguan namin ay lumabas na rin kaming apat. Ngunit sa inakala naming magiging ligtas kami ay hindi pa pala.
Mula sa kakahuyan ay lumabas doon ang kaninang humahabol kay Marco.
"Shit! Sabi ko kasi 'wag muna kayong lumabas!" inis na sabi ni Marco.
Napatingin na lang din kami kay Gyllia pero mukhang wala naman itong pakelam sa sinabi nito. Nang biglang pinutok ng kalaban ang hawak na baril ay napayuko na lang din kami bigla. Tatakbo na sana kaming apat pero mabilis kami nitong naabutan.
Inaagaw naman ni Marco ang atensyo nito pero mistulang nasa amin ang kanyang pokus. Kanyang kinasa ang hawak na baril at tinutok sa isa sa bawat sa amin. Tila hindi kami gumagalaw, walang nagbabalak dahil isang pitik lamang sa hawak niyang baril ay tigok na agad kami.
Napapamura na lamang ako sa isipan ko habang iniisip ko kung paano kami makakatakas mula dito pero imposible dahil mabilis ang mga kilos niya. Baka nga sa pagtayo pa lang namin ay putukan kaagad kami nito. Wala kaming kawala, hindi namin alam kung anong gagawin namin.
Siguro, hanggang dito na lang kami.
"Hey!" pag-agaw ni Marco ng atensyon sa kalaban at sa pagharap naman nito ay mabilis na humarurot sa dibdib ng kalaban ang matulis na kawayan.
Natulala na lang kami doon at nang mabitawan ng kalaban ang kanyang baril ay nakahinga naman kami ng maluwag pero akala namin okay na ang lahat.
"Guys..."
Lahat kami ay napatingin kay Stefen, tumagos sa kanya ang kawayan na binato ni Marco. Tumulo na lamang ang mga luha ni Stefen. Nangilid ang mga luha nina Oxene ng makita ang sinapit ni Stefen. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari, hindi ko inaasahan na gano'n ang mangyayari.
Lumapit si Marco at hindi siya makapaniwala sa nangyari.
"Save yourself guys..." isang ngiti na binitiwan ni Stefen bago ito bumagsak kasabay ng lalaking iyon.
And just by that, we're down to five.
"We have to go." Ani Marco. "I saw the light!" nang sabihin iyon ni Marco ay napatingin naman kami sa direksyon ng itinuro niya.
Hindi naman kami makapaniwala na may kakaiba doon sa parteng iyon. Dali dali naman kaming nakakita ng abandonadong Bangka sa ibabaw ng puno. Pinagkasya namin ang sarili namin sa bangkang iyon. Nang sinasagwan na namin ang Bangka papunta doon sa parteng iyon ng dagat ay nakaramdaman naman kami ng kakaiba sa ilalim ng dagat.
"We're still not done..."
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Hanggang kailan ba matatapos ang lahat ng ito?
BINABASA MO ANG
Living Lies
Mystery / ThrillerAfter knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.