Chapter 4
Basement
COBERT
It was a big shock for me to know that my ex—Tyda was here. We don't know if it was legit or not, si Tyda na ang pinag-uusapan dito. I look at Vinea—the cousin of Tyda. Nalinis na dugo nito sa damit at mga braso. Parang wala lang din sa kanya ang nangyari sa pinsan niya. Nanatili kami sa loob ng kwarto hanggat sa hudyat na nag-umaga na. Tila wala isa sa amin ang naisipang matulog dahil sa oras na iyon, mapanganib kung gagawin namin iyon.
Naghintay naman ako ng abiso na pu-pwede na kaming makalabas ng kwarto pero kung hihintayin namin na may magbubukas no'n para sa amin ay para na kaming tanga. Naglakas loob naman akong tumungo sa pinto at buksan iyon. Hindi ko alam pero iba ang kabang namumutawi sa dibdib ko ngayon.
Hindi namin nasisigurado kung si Tyda nga ba ang babaeng tinutukoy ni Vinea.
"Cobert, magpalipas muna tayo ng isang oras." Ani Marco.
Umiling naman ako sa desisyon niya, "umaga na Marco, hindi na delikado." Usal ko naman sa kanya.
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto. Ang mga tao sa likuran ko ay nagyayakapan at mahigpit ang pagkakahawak sa isa't isa, tinitiyak nilang sama sama sila sa anumang posibilidad na mangyari.
Nang masigurado ko namang ligtas na ay tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Sumunod naman ang ilan sa kanila. Hinayaan ko sila dahil ang kailangan kong malaman ay kung totoo ang sinasabi ni Vinea na nandito si Tyda.
When I reach the living room, bloods are everywhere. Kinutuban na kaagad ako doon dahil kakaibang kaba ang bumalot sa akin. When I slowly looking out for her, I stand stoned when I saw her lying on the floor covered with her own blood.
Mabilis ko itong dinaluhan, trying to make her alive again pero wala nang silbi iyon!
"Tyda!" I shouted, shooking her head and body for a sign of being alive. "Don't leave us!"
"She's gone." Vinea said.
Shit.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya, "paano mo nagawang iwan ang pinsan mo? You're selfish!" panduduro ko pa dito.
She laughed at me, "and so? I don't care if I'm a hella selfish. That's me, hindi kasi marunong sumunod 'yang babaeng 'yan and so she deserve that."
Aambahan ko pa sana itong si Vinea nang dumating ang ilan naming kasama at piniglan ako. Ako pa ang naging masama sa tingin nila ha? Muli kong tiningnan ang katawan ni Tyda. Hindi ko maatim ang makita si Tyda sa kalagayang iyon.
Mayamaya lamang ay may lumabas na announcement mula sa television screen.
'Clean up the mess and put the body on the basement.'
Napangisi na lang din naman ako sa nabasa ko. Agad namang kumilos ang mga kasama ko. Sila Gyllia at Erense ay kumuha ng mop at timba para linisan ang nagkalat na dugo sa sahig. Habang sina Marco at Stefen ay binabalot ang katawan sa putting kumot. Napailing na lang ako at napiling pumirma sa kusina.
Kumuha ako ng pagkain sa ref at pumirmi sa lamesa. Kung ano anong lumilipad sa isipan ko, kung paano kami makakalabas sa lugar na ito at paano ako nakarating dito in the first place. Nagtataka rin ako dahil pagkagising ko ay dito sa mismong kusina ako nila unang nakita. Sa pagkakatanda ko, bago mangyari 'to ay kakatapos lang namin magbasketball ng mga kabarkada ko. Nahiwalay ako sa barkada nang maihi ako kaya naman ng tumungo ako sa isang pader doon ay umihi. Matapos no'n ay isang pangyayari ang nasaksihan ko.

BINABASA MO ANG
Living Lies
Misteri / ThrillerAfter knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.