Chapter 31

114 7 0
                                    

Chapter 31

Liwanag


MARCO

In the middle of the night, someone took me off the bed. Hindi kaagad ako nakagalaw no'n dahil mabilis nilang hinawakan ang mga kamay at paa ko para hindi ako makapalag. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin noong mga oras na 'yon. Akala ko sasaktan na nila ako o kaya mas malala pa ang gagawin nila 'don pero no'ng ilabas nila ako sa mansion. Doon ko lang din nalaman na nagkaroon ng tie votes sa voting out.

Hindi ko alam na pwede palang mangyari 'yon. Pero ito na 'yong chance ko para masiguradong makakauwi kami ng ligtas. Hindi namin ginusto na mapabilang sa ganitong laro—na tagurian bilang isang savior dahil in the first place, walang may gusto no'n.

We've been played and the only thing we can do is to stop them.

I need to see Vantell first bago ako tumuloy sa dalampasigan. Siguro naman ay hindi pa iyon nakakalayo dito, makikita ko rin 'yon dito.

Medyo naninibago lang ako sa paligid ngayon. There's something na hindi normal, just like the weather. Hindi siya gano'n kainit o kalamig, katamtaman lang. Hindi gano'n kasikat ang araw, siguro dahil sa mga puno kaya natatabunan ng sinag ang paligid ko. Pakiramdam ko rin ay walang mga halimaw na balak pumatay sa akin.

Hindi ko mapaliwanag 'yong pakiramdam ko pero kailangan ko pa rin maging handa. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin dito. Baka sa pagkakataong ito ay buhay ko na ang maging kapalit. Hindi ko bibiguin ang mga taong umaasa sa akin sa mansion. I don't know them well pero ito lang din ang paraan para matulungan ko sila.

While I was searching for some traces where could Vantell go but there is no mark of him. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. So I lead my way to the sea shore. Alam kong dito nanggagaling iyong ilaw na nakita ko noong nakaraang gabi. Hindi ako pwedeng magkamali na merong kakaiba doon.

Naghanap naman ako sa paligid ng pwede kong magamit para mapuntahan ang parte ng dagat kung saan iyon nagmumula. The sea were too big pero half mile from here ay nandoon ang ilaw na nanggagaling. I wonder if Erense survive here? Matapos kasing ipakita sa screen 'yong pagkatakas nilang dalawa ni Cobert ay wala na kaming alam tungkol sa kanya.

Nang unti unti kong nilulusong ang mga paa ko sa tubig ay may kakaiba naman akong naramdaman. Nang sundan ko ang ingay ng tubig ay doon ko lang nakita ang mabilis na paglusong ng mga piranha sa akin. Mabilis akong lumayo doon matapos tumalon ang mga iyon palapit sa akin.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sa talas ng kanilang ng mga ngipin ay tiyak na walang ititira sayo. Lumayo ako sa tubigan dahil delikado kung susubukan ko pang lumapit doon. Naupo ako sa tabi ng puno at nag-isip kung paano ako makakagawa ng paraan maratin ang gitna ng dagat.

"Help!"

Namintig naman ang tenga ko ng may marinig akong sigaw. Kinilala ko naman ang boses no'n. Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko ng makilala koi yon.

"Vantell!" sigaw ko pa.

"Marco! Tulong!"

Agad kong hinahanap kung saan nanggagaling ang boses niya. At nang lumabas siya sa mula sa kakahuyan ay lalapitan ko na sana ito pero agad niya rin akong tinataboy palayo. Humahangos ito sa takbo at nang makita ko naman kung anong humahabol sa kanya ay napahinto na lang din ako.

"Marco!"

"Vantell!" sigaw ko pa dito.

Hindi siya tumigil sa pagtakbo dahil tiyak kung hihinto man siya ay hahabulin siya ng halimaw na iyon. Nang dumiretsyo si Vantell sa pagtakbo sa dagat ay sinigawan ko itong huwag pumunta doon. Nang tumapak siya sa tubig at makalayo sa halimaw ay nagsaya naman si Vantell dahil takot sa tubig ang halimaw na iyon.

Mabilis naman akong nagtago sa itaas ng puno dahil baka ako naman ang puntiryahin nito.

"Marco! Bumaba ka na diyan!"

"Umalis ka diyan, Vantell!" sigaw ko naman dito pero hindi niya ako pinakinggan.

Hindi man lang nagtagal ng limang minuto ay pinagpyestahan na si Vantell ng mga piranha. Gusto ko siyang hatakin at tulungan paalis doon pero hindi ko naman magawa. Hindi ko magawang tumingin sa kanya habang nangingibabaw ang sigaw niya. Kung may magagawa lang ako Vantell. Nang mabalot ng dugo ni Vantell ang tabing dagat ay doon naman nagsialisan ang mga piranha. Doon din naman umalis ang halimaw.

Bumaba naman ako sa sanga ng puno at lumapit doon. Napailing na lamang ako ng makita ko 'yon.

Lumipas ang oras na nanatili ako doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nakakasigurado akong nasa tamang lugar ako. Nang balingan ko ang direksyon kung nasaan ang mansion ay patay na rin ang mga ilaw doon. Tulog na siguro sila.

Siguro maghihintay na lang ulit ako bukas.

Sa kahimbingan ng tulog ko ay nagising ako sa may kumagat sa binti ko. Napatayo kaagad ako at pinagpag ang damit ko. Muntik pa akong pakyawin ng langgam dito. Mayamaya lamang ay napansin ko ang kakaibang sinag na nagbibigay liwanag sa mga ulap sa itaas.

"Damn!"

Hindi nga ako nagkakamali na dito nanggagaling 'yong liwanag! Tinitigan ko kung saan iyon nagmumula at may nakausling bagay doon sa ibabaw ng dagat. Hindi ko makuha kung ano iyon pero mukhang iyon ang magliligtas sa amin. Sinubaybayan ko iyon hanggat sa sumikat muli ang araw at nagtaka na lamang ako ng lumubog iyon sa ilalim ng dagat.

Dali dali naman akong tumakbo pabalik sa mansion.

I know this way, we could save our lives... we can.

Living LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon