Chapter 26
Players
RISEL
I've woke up in silence, like there's something wrong happen. And I'm right, I'm in the unfamiliar room. Nang makilala ko nama kung sino ang mga natutulog sa mga katabi kong kama ay doon ko lang na-realize na nasa kabilang parte ako ng mansion. I'm with Marco, Cobert and Stefen.
We're alive.
Nang may umalingawngaw na isang matinis na tunog ay napatakip na lang din ako ng tenga ko sa sobrang sakit. Nagising din ang ilan kong mga kasamahan at nagtaka ako ng mapansin ko ang kakaiba nilang suot kumpara sa puti kong kausotan.
Nang humupa naman ang ingay ay natahimik naman ang lahat. Mabilis namang kumaripas ng takbo si Stefen palabas ng kwarto. Napatingin naman ako kila Marco at Cobert na walang imik. Pero nang mapansin ko ang benda sa balikat ni Marco ay nagtaka na ako doon.
"Anong nangyari diyan Marco?" tanong ko sa kanya.
"May binaril sa akin, hindi ko alam kung ano pero nakakapanghina iyon. Sobra!" aniya.
"Sa'n mo nakuha 'yan?"
"Sa private room, hindi ko alam na kasama ko pala doon si Serita—"
"Teka, anong nangyari kay Serita?"
Tumango naman si Marco, "she's alive, I saved her. She's puzzling some blocks that could give her the key pero hindi niya magawa 'yon. Nang magising lang ako ay doon ko siya natulungan until we get the key, something shoot my shoulder and I black out."
"What happened to Serita?"
He shrugged, "I don't know but I can assure you she's safe..."
Nang may marinig kaming sigawan mula sa kabilang kwarto ay dali dali na kaming lumabas at pumunta sa girls room. To see the two girls safe are a relief for me. Nilapitan ni Marco si Gyllia at niyakap niya ito.
"She's gone, Stefen! Moved on!" bulyaw ni Erense kay Stefen. "She deserved it!"
Hindi napigilan ni Stefen ang kanyang sarili kundi ang itulak si Erense kaya naman napaupo na lang ito sa sahig. Hindi naman nawala kay Erense ang pag-ngisi nito. Tila natuwa pa ito ng wala na ang kambal ni Stefen. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ng mga taong ito pero masyadong mabigat sa kanila na may mawala sa kanilang grupo.
Tahimik kaming anim sa loob ng kwarto. Palaisipan pa rin sa amin kung anong sunod na mangyayari pero tiyak na hindi maganda iyon. Simula ng dumating kami dito ay wala namang magagandang bagay ang nangyari dito sa amin. Sinabi nilang bakasyon ito pero nakatago sa mga salitang iyon ang mga kasuklamang ito. It's a lie after all.
Tumungo naman kami sa sala, nang mapansin namin ang nasa tv screen ay hindi kami makapaniwala dahil iyon ay naging basehan para sa kumpirmasyong buhay pa ba o hindi sila. Mula doon ay wala na sina Vinea, Steph at si Ehrett. Hindi ako makapaniwala na sa isang araw na hindi kami nagkasama sama ay sa pagkagising na lang namin ay bawas na kami.
"Guys!" tawag ko sa kanilang atensyon. "Kailangan nating pumunta sa kabilang parte ng mansion, mas maganda kung sama sama tayong lahat."
"Wow, Risel." Ani Erense kaya naman napakunot ako sa kanya. "Kung sinabi mo na lang sana na ayaw mo kaming makasama kaya babalik ka na sa kabilang part ng mansion. Well, it's your choice naman. Saka see, hindi ka talaga belong sa grupo namin." Aniya.
BINABASA MO ANG
Living Lies
Mystery / ThrillerAfter knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.
