Chapter 27
Nanatili
KATHALEEN
And when the lights came back, para kaming bato na nakatayo lang. Nothing happened, namatay lang siguro ang mga ilaw. Kumpleto pa naman kami. Tinanong ko kung nasaan si Erense at ang sabi nila ay nagpa-iwan daw ito sa kabilang parte ng mansion. Hindi na naman ako nagtanong pa pero mabuti ay nakasama ulit namin si Risel.
Nahalata ko rin ang mga suot naming damit. We divided by our clothes, we are white habang dark blue naman ang suot nila.
Napag-usapan naman namin kung anong gagawin namin pero ni isa sa amin wala namang kasiguraduhan kung magiging ligtas kami sa plano nila. Wala rin naman akong maibigay na plano dahil masyadong okupado ang pag-iisip ko. Gusto ko ng makalabas sa mansion na ito.
"Guys, if there's a voting out again. Vote for me." ani Marco.
Lahat naman kami nagtaka sa sinabi niya. Napansin ko naman ang tinginan ni Serita at Marco. If I'm not mistaken ay may alam si Marco kung paano kami makakaalis dito.
"What's with the look, Marco?" tanong ko.
Agad naman nabaling sa akin ang atensyon ni Marco at umiling ito.
Napangisi naman ako, "'Wag nga ako, Marco. Serita told us na may alam ka kung paano tayo makakatakas dito. Spill it out to us, magkakasama naman tayong lahat dito eh."
Napahinga naman ng malalim si Marco, "this isn't final. Ni hindi ko nga sigurado kung makakaligtas tayo dito sa plano but the thing is, I can sure everyone by it. 'Wag niyo nang iboto ang mga kasama niyo. Vote for me, alam ko naman ang gagawin ko."
"Marco," tawag ni Gyllia. "You can't survive a day outside! Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo doon! Marco, mag-isip isip ka nga! Hindi naman pambatang laro 'to eh!"
Umigting naman ang panga ni Marco, "I know Gyllia, and you can't talk to me like that dahil wala namang tayo. Gagawin ko ang gusto ko dahil iyon naman ang makakabuti sa ating lahat!"
"I didn't even say that, Marco! Nag-aalala lang ako sayo!"
"Care for me when we were out of here."
Natatawa na lang ako sa sagutan ng dalawa. Kung magiging successful nga ang plano ni Marco ay posible ngang makatakas kami dito. Kung hindi man palarin ay ewan ko na lang. Wala akong pakelam sa sinasabi ng game master na kailangan ng savior. Who fucking want to be a savior?!
Hindi ko na babalikin pa! All I have to do is to get out of this place! Hindi ko naman ginusto maging savior!
Naghanda naman si Gyllia at Vantell ng hapunan naming lahat. Hindi namin kayang maging komportable hanggat nandito kami sa loob ng bahay. Hindi namin alam kung aabutin pa ba kami ng apat na buwan dito dahil unti unti rin naman kaming nababawasan.
Nang mahanda ang hapunan ay nagsikain naman kaming siyam. Tahimik at walang imik sa bawat isa. Sa mga oras na ito ay hindi na importante sa amin kung may tinatago ka man o wala basta ang main goal namin ngayon ay ang makalabas ng mansion. Kapag nagawa namin 'yon, bahala na sa sariling buhay.
"Guys, mukhang may tao sa sala..." ani Serita.
"Tss, guni guni mo lang 'yon." sagot naman ni Risel sa kanya.
"Teka lang, parang meron nga." Usal ko.
Natahimik naman ang dalawa at pinakinggan namin kung anong meron doon sa sala. Nang masigurado naming may nagsasalita nga doon ay napatayo kaming lahat at napapunta sa sala. Mula sa inaasahan naming mga tao ay hindi pala iyon ang makikita namin. Napatingin kaming lahat sa tv screen kung saan pinapakita ang kabilang parte ng mansion.
"Sabi niyo diba, iniwan niyo si Erense sa kabila?" tanong naman ni Oxene.
"Oo," sagot naman ni Gyllia. "Wait, sino 'yong gumagalaw doon?" turo naman ni Gyllia sa screen.
Nang tingnan naman namin kung sino nga iyon ay nagulat kami ng makita namin doon si Erense at Cobert.
"Buhay si Cobert!" ani Marco. "Pero mukhang sugatan siya ngayon..." aniya.
Tutok na tutok kami sa tv screen.
"Saan sila pupunta?" tanong ni Risel.
Walang sumagot sa kanya dahil wala namang may idea kung anong ginagawa nila doon. Sinusundan ng camera ang bawat lugar na pinupuntahan nila. Inaalalayan ni Erense si Cobert, patungo sila sa second floor. Mabilis na lumipat ang focus ng camera na nasa second floor na.
"Ano bang ginagawa nila?" tanong ni Serita.
Pumasok ang dalawa sa isang kwarto. Nagkatinginan sila Marco at ilan nitong kasama dahil hindi nila alam kung bakit sila papasok doon. May bigla naman akong naalala sa lugar na iyon. Kaya nang lumipat ang camera sa loob ng kwarto ay doon namin nakita ang nakabitin na katawan ni Vinea. Sa gulat ko ay hindi ko naiwasang mag-react kaagad dahil ako ang naging kasama ni Vinea no'ng mga oras na 'yon.
Niyakap naman ako ni Oxene para pagaanin ang pakiramdam ko. Hindi naman makapaniwala ang kasamahan nila Marco na iyon ang nangyari sa kanya. Vinea killed by the gamer dahil sumaway ito sa violation kuno.
Iniwasan naman nila Erense at Cobert iyon kundi tumungo sila sa isang wall cabinet, na tanging gamit sa loob ng silid. Nang buksan iyon ni Erense ay bumungad sa kanila ang isang mini kuno elevator na ginagamitan ng tali para makaakyat. Walang idea sina Marco, Gyllia at Stefen sa kung anong meron doon pero nang pumasok si Cobert sa loob ng wall cabinet ay ilang saglit lamang ay si Erense na ang pumasok doon.
"Teka, saan sila nagpunta?" tanong ni Risel.
"Wala kaming alam 'don." Ani Stefen. "Hindi namin alam na may gano'n palang secret lift sa wall cabinet na iyon."
Mayamaya lamang ay sunod na ipinakita ay ang paglabas nina Erense at Cobert sa roof deck. May isang mahabang pole doon na ginamit nila para makababa sila at tuluyan silang nakalabas ng mansion.
"Seryoso ba 'yon?" tanong ko sa kanila.
Wala namang sumagot kundi nagtakbuhan ang mga kalalakihan sa passageway. Pero kahit anong bukas nila doon ay hindi na ito bumubukas. Maging ang pinto malapit sa hagdanan ay hindi nabubuksan.
"Kung alam lang namin na may daan pala doon, sana pala nanatili na tayo doon."
ani Marco.Hindi rin naman namin sila masisisi pero mapanganib din ang ginawa nila Erense at Cobert. Kaya ngayon, hindi namin alam kung anong sunod na gagawin namin. Hihintayin na lang ba namin na maubos kami? Wala naman isa sa amin ang gusto sa tinatawag nilang savior.
We have to do something against them. We should.

BINABASA MO ANG
Living Lies
Mystery / ThrillerAfter knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.