Chapter 25

115 7 0
                                    

Chapter 25

Still


OXENE

Running away from the traps could save my life and until to found a red button at the end. And when I push it with all my strength, a robotic voice said, "You are save and moving on to the next round..." and when that happens, I blacked out.

Nagising na lamang ako sa girls room. Una akong bumangon at nang makita ko sina Kathaleen at Serita na mahimbing na natutulog ay nakahinga naman ako ng maluwag. It's just like a dream—no, it's a nightmare for all of us. Hindi ko alam kung paano ako nadala ito sa kwarto namin. After I pushed the button and saving my life from the goons, I can finally say that I can do anything without someone who I can lean on.

I wish that Kage could see that.

Nang magising naman ang dalawa kong kasama ay natulala na lang din sila. Nakatingin lamang sa kisame si Kathaleen habang si Serita naman ay humihikbi. Nilapitan ko naman si Serita at ito'y pinatahan. Kanya rin naman akong niyakap pero hindi niya mapigilan ang paghagulgol.

"Oxene, muntik na!" aniya na patuloy sa paghagulgol. "Muntik na akong mamatay!"

"Atleast nandito ka Serita, buhay na buhay!" kahit alam kong hindi magandang sabihin 'yon, ayun ang lumabas sa bibig ko para mapagaan ang pakiramdam niya pero hindi naman siya umepek sa kanya.

"Kung hindi dumating si Marco, wala sana ako ngayon dito..." aniya.

"Ano bang nangyari sa inyo? At nasaan kayo?"

"Nasa isa sa mga private room iyon..."

"Anong meron 'don?"

Napailing naman ito sa akin, "hindi ko alam pero may pinapagawa sila sa akin, hindi ko magawa iyon ng maayos kaya naman isinangbahala ko na lang ang lahat. Wala na akong pakelam kung mamatay man ako no'ng mga oras na 'yon. Pero dumating si Marco, siya ang tumapos no'n pero akala namin hanggang doon na lang hindi pa pala..."

"Anong nangyari?"

"May kung anong tunog ng baril ang umalingawngaw sa paligid hanggat sa nawalan na lamang ng malay si Marco..."

Napabagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya, "namatay si Marco?"

Napakibit balikat naman ito, "hindi ko alam, pagkatapos no'n ay nawalan na ako ng malay..." tiningnan naman ako sa mata ni Serita. "May alam si Marco kung paano tayo makakatakas dito."

Nang sabihin niya 'yon ay parang nagdiwang ako pero hindi ko naman alam kung anong ilalabas kong reaksyon dahil ayon sa kwento niya sa akin. Hindi maganda ang lagay ni Marco. He could save us. Ayokong sa ganito na lang magtatapos ang buhay namin.

We lost too much lives, can't keep it.

"Can I die now... please, tell me..." napatintingin naman kaming dalawa ni Serita kay Kathaleen. "Please..." she sobs.

Agad naman namin siyang nilapitan at niyakap. Humagulgol si Kathaleen. Hindi ako sigurado kung bakit ganyan ang kanyang emosyon pero mukhang alam ko na kung bakit.

"Vinea is gone..."

"The other group also?" Serita asked.

Kathaleen nodded, "she's gone!"

Hindi na namin binalak pang magtanong sa kanya dahil kung gano'n ba naman ang naging reaksyon ni Kathaleen ay tiyak na sobrang lubha no'n. Pinatahan na lang din namin siya. Pinahupa namin ang kanyang emosyon. Lahat kami nagdaan sa ganitong pagsubok. Lahat ay kailangang tanggapin na may mawawala at maliligtas. Sa mga oras na ito, kami ang mga nakaligtas... kami ang binigyan ng tsansang mabuhay pa.

"Guys?" and then we saw Vantell.

Pumasok siya ng kwarto namin, bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Our clothes, bakit ganito?" tanong ni Vantell sa amin.

After the challenge, hindi ganito ang mga damit namin. They change our clothes to this all white shirt and loose pants. Hindi namin alam kung bakit pero mukhang nalalapit na nga ang huling dibisyon ng larong ito.

"Hindi namin alam Van, ganito na ang lahat pagkagising namin." Sagot ko naman sa kanya.

Napailing na lamang ito, "nakita niyo ba sina Ehrett at Risel?"

Nagkatinginan naman kaming tatlo, "hindi mo kasama sa boys room?" tanong naman ni Serita.

"Wala..." napa-angat naman ang tingin nito ng may mapagtanto. "Hindi pwede! Hindi pwedeng pati sila mawala!"

Napabuntong hininga na lamang kaming apat sa loob ng kwarto. Wala kaming idea kung anong sunod na mangyayari. Kung mababawasan pa ba kami o manatatali sa ganito ang bilang namin. Ayokong may mawala pa sa amin. Kahit hindi ko kilala ang mga taong ito, ayoko pa ring makita na may namamatay sa amin.

That's a truth; I can't even say a lie kapag buhay na ang nakataya.

Napagpasyahan naman naming apat na pumunta sa sala and to find out that there's a numerous of people were still alive.

And we're glad they still do.

Living LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon