Dear, Mr. Diary - CHAPTER 23

1.4K 14 0
                                    

wala akong magawa ee kaya yan nagtype na ulit akong ng bagong chapter hehehe

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->>

Chapter 23 

(Jake's POV)

nasa isang bar ako ngayon, di muna ako umuwi wala naman din kasi akong gagawin kundi ang tumunganga sa bahay..

*sigh

"isa pa nga!"

sabi ko dun sa bartender. kanina pa ako dito eh..

"sir, yun ulit po ba?"

tanong nung bartender

"oo!"

sigaw ko sa kanya

tapos nun binigyan niya ako ng masamang titig at pinrepare ang order ko...

pagkabigay niya sakin nung drink ko may naupong lalaki sa tabi ko..

di naman ako nagkamali

si Benedict yun

"oh tol bat andito ka?"

tanung ko sa kanya

"sa family ko tong bar na toh eh.. kaya ikaw nga dapat kong tanungin eh.. bakit ka nandito sa bar?"

"wala.. masama ba?"

"oo masama dahil ang bata-bata mo pa umiinom ka na!"

"bakit ba! di naman masamang uminom nito ahh!"

"masamang uminom para sa mga bata kagaya natin! akin na nga yan!"

hinablot niya sa kamay ko yung iniinom ko

"oh ano?!"

singhal ko sa kanya

"gatas...?" =_=

"masamang uminom niyan?!"

singal ko pa ulit sa kanya at binalik an niya ulit sakin ang inumin ko

"para kang tanga Jake!"

sabi niya sakin

"lagi naman eh.."

sagot ko..

"tol kung mahal mo siya di ka susuko. hahanap at hahanap ka ng paraan para magkabati kayo"

"eh ano ngang gagawin ko?! ayaw niya akong makita! galit na galit siya sakin! sige sabihin mo nga kung anong gagawin ko!"

sigaw ko sa kanya

"tsk! tigilan mo na nga yang gatas mo! masyado kang nalalasing eh!"

"hmp.."

"think of a way.. mahal mo siya ikaw na din ang nagsabi.. "

tapos nun umalis na si Benedict

think of a way..

think of a way..

think of a way..

"HAY! leshe!"

binayaran ko na ang lahat ng nainom ko at umalis na para umuwi..

pagdating ko ng bahay tulog na ang lahat kaya ako na lang din ang nagbukas ng pinto ng bahay para sa sarili ko..

pagpasok ko ng bahay dumeretso agad ako ng kwarto ko at nahiga sa kama ko

"hmmm.. think of a way? ano naman kaya?"

pinikit ko ang mga mata ko at nagflaflash back sa utak ko ang mga sinabi nila Donna sakin na di daw kami bagay dahil nerd at pangit si Khylie..

Dear, Mr. Diary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon