Jam's POV
Kinakabahan na ako. Bakit wala pa rin si Hiro? Dapat kanina pa s’ya nandito. Wala si Daddy. Wala si Miguel. Wala ‘yong best girl friends ko. Nagkataon na lahat sila, hindi makakapunta. Si Hiro na lang talaga ang inaasahan ko. At dapat lang na nandito s’ya. Manalo o matalo dapat nandito s’ya, kasi kaya ako nandito ay dahil sa kanya.
Naluluha na ‘ko. Parang bibigay na ‘ko sa sobrang kaba tapos wala man lang kung sinong pwedeng humawak ng kamay ko para maalis tong nararamdaman ko. Hiro, nasan ka na ba?
“Hiro please…” Napapabulong na ko. Napapabuntong-hininga. Kabadong kabado na ‘ko habang nasa backstage dahil nagsimula na ‘yong contestant na susundan ko. Sa loob ng ilang minuto, ako na ang susunod.
“Ikaw na ba ‘yong susunod?” Pamilyar ang boses na ‘yon. Dali-dali akong lumingon sa likod.
“Hiro!” Umaapaw ang saya ko. no’ng nakita ko s’ya, pakiramdam ko nanalo na ‘ko sa contest na ‘to. Parang s’ya pa lang, sapat na.
“O, bakit ka naiyak? Kinakabahan ka ba?” Pinawi n’ya nag mga luha ko. Tapos hinawakan n’ya ang mga kamay ko.
“Relax...” Cool na cool lang ang pagkakasabi n’ya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakatitig, actually.
“Inhale. Exhale. Gawin mo. Inhale. Exhale. Ganito lang ang gagawin mo pag kinakabahan ka. Relax…”
Nare-relax nga ako. Pero sa totoo lang, hindi naman itong inhale-exhale na tinuro n’ya ang nakatulong talaga sa’kin. Kundi itong paghawak n’ya ng mahigpit sa mga kamay ko.
“Hiro, thank you.” Nakatingin pa rin ako sa mga mata n’ya. Ngumiti lang s’ya.
“Wag na ulit magsasayang ng luha ha?”
And then suddenly he kissed me on the forehead. Nagulat ako. First time ‘to. Sobrang lakas ng kabog ng ‘dibdib ko.
“Kaya mo ‘yan Princess, ikaw pa. O, tinatawag ka na. Galingan mo ha! Punta na ko dun.”
Ang tinutukoy n’ya ay ‘yong upuan sa tapat ng stage. Ako na pala ‘yong susunod.
Napatango lang ako sa sinabi n’ya. Panatag ang loob. Kaya ko ‘to!
Priceless. Walang kasing halaga ang araw na to para sa’kin. Walang kasing halaga ‘yong pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo na parang anghel. ‘Yong tunay na napaka-special mo sa isang tao. Na napaka-importante mo. Priceless. Priceless ‘yong pakiramdam kapag minamahal ka ng tunay, ikaw lang at wala ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/842010-288-k482051.jpg)
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011