Jam’s POV
Kainis! Muntik na kong mapa-‘I love you too’! Mabuti na lang napatay ko agad ‘yong linya. Nakakainis, buti na lang talaga! Kinabahan tuloy ako bigla, akala ko buking na ko. Ang lakas ng kabog ng ‘dibdib ko. Parang nanginig tuloy ako tapos parang nanghina ako. Naku naman. Nadadala ata ako masyado sa usapan namin. Si Hiro naman kasi, sobrang lungkot ng boses, nadadala tuloy ako. Nakakainis talaga.
Biglang nag-ring ‘yong cellphone ko. Tumawatawag ulit si Hiro. Nahihiya tuloy ako. Sana naman ‘di n’ya maisip na ‘yon ‘yon. Naku naman talaga.
“H-hiro.”
“Sorry nagloko ‘yong linya eh. Ano na nga ‘yong sinasabi mo? ‘Ay’ ano?”
“W-wala. H-hayaan mo na ‘yon. Basta Hiro, ‘wag ka ng matakot ha. Pray and believe. You’ll make it.” Parang nanginginig ba boses ko no’n habang sinasabi ko ‘yan. Kinakabahan pa rin ako gawa ng nangyari.Kaya nilihis ko na agad ‘yong usapan.
“I believe in you Princess. I’ll make it. Salamat ha.”
Bago pa ko makasagot narinig ko na si Dad na pumasok pala sa kwarto ko.
“Jam, still up? Sleep now.”
"Yes, Dad."
“Hiro, narinig mo ‘yon? Tulog na daw ako sabi ni Daddy. Pano, good night. You’ll pass, okay?”
“Ang aga pa a. Yes, princess I'll pass. Good night din. Miss na kita Princess.”
Hindi na ko sumagot.
“I love you”, sabi n’ya.
I ended the call.
I love you too, Hiro.
Napabuntong-hininga na lang ako. Then I composed a message for him. Ayoko pag hindi s’ya okay. Nalulungkot din tuloy ako.
Quote:
Whatever you’re going throughh at this moment, remember that there is always Someone in Heaven waiting for you to call upon Him. Smile now God’s child, He loves you.
Smile now, Hiro. You’ll be fine. Good night.
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011