6:21pm
Nakabalik na kami at kahit nakakalungkot man, it’s time to bid him goodbye. Sigurado akong gising na sila Daddy at kailangan ko ng bumalik sa room namin.
“Hiro, thank you talaga ha. Ang layo-layo nito pero pumun---“
“You’re welcome Princess. I’m always dying to be with you, alam mo ‘yan.”
Napayuko na lang ako sa sinabi n’ya. Pakiramdam ko kasi nag-blush ako sa sinabi n’yang ‘yon. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napalingon ako sa kaliwa.
“Si Dad!” Nanlaki ang mga mata ko. Magkakasama silang apat. Napatingin na lang ako kay Hiro at dali-daling nagpaalam. “Hiro, thank you talaga ha. Bye!” Diretso takbo na agad ako palayo. Sinubukan n’ya pa kong hawakan sa kamay. Buti na lang at naiiiwas ko ‘yong mga kamay ko, dahil hindi n’ya ko pwedeng pigilan. Lagot na kami lalo pag nakita kami ni Dad!
Maluwalhati naman akong nakabalik ng kwarto namin. Saktong upo ko sa couch, mga sampung minuto pa ay dumating na rin sila Dad. Medyo hinihingal-hingal pa talaga ko. Inaabangan ko kung magtatanong ba s’ya ng kung anu-ano, pero hindi naman, kaya ibig sabihin, hindi n’ya kami nakita. Mabuti naman.
Quote:
Hindi mo na naman ako hinayaang magpaalam. The last time, ganyan din ang ginawa mo.
“Hiro, I’m sorry. Sorry talaga.”
“I’ll call. If you’re really sorry, answer it.”
“I’m beside Dad.”
Pero nag-ring na ang phone ko. Ang kulit talaga nitong si Hiro.
“What?” Ito na lang nasabi ko nang makapunta ko sa labas para sagutin ‘yong tawag n’ya.
“Akala ko ba you’re sorry.”
Hindi na ko sumagot. Para maramdaman n’ya na kailangan n’ya ng ibaba tong telepono.
“Please, see me tonight, baby. At the same place where I saw you this afternoon. I’ll be waiting. Text mo ko please. I love you.”
Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Ano kayang meron mamayang gabi? Pupunta ba ko? Bakit parang ayoko?
10:47pm
Wala ako sa lugar na napag-usapan namin ni Hiro. Nasa isang cottage ako na malayo sa room namin, malapit sa sea shore, at higit sa lahat malayo sa kung saan kami nagkita kanina. Hindi ko rin s’ya tinext ng kahit na ano tungkol sa pagkikita sana namin. Parang hindi kasi maganda ang nararamdaman ko sa sinabi n’yang magkita kami. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari, parang hindi ako ready.
Nakakainis ‘yong pakiramdam na ‘yong ibang tao, ang saya-saya kasama ang mga mahal nila, nag-a-‘i love you’-han pa, samantalang ako, kasama ko nga, hindi ko naman masabi ‘yong ‘mahal kita’.
Lumalalim na ang gabi. Pero ayoko pang bumalik sa kwarto namin. dito kasi, tahimik ang isip ko. Nakakapag-isip ako ng maayos. Mom, sana kasi nandito na lang kayo. And Dad, pumayag na kasi kayo.
Naiiyak na 'ko sa lungkot.
“Oh my God!”
“Princess, ako 'to.”
Napapikit na lang ako nang marinig ko ang boses n’ya. Hiro was hugging me from the back. And I wish we could just stay like this forever. I wish I could always be just in his arms. Pero hindi pwede. Kaya kunwari’y inalis ko ang mga kamay n’ya.
“Hiro, baka may makakita sa’tin.”
Pero lalo n’ya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa’kin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit parang dinudurog naman no’n ang puso ko. Pinikit ko muli ang mga mata ko only to let my tears fall. Naiiyak ako kasi gustong gusto ko s’ya, pero hindi naman pwede.
“Hanggang kelan ba natin iisipin ang ibang tao? Pa’no naman tayo?”
Tumulo na lang ulit ang mga luha ko. Tapos napahikbi na rin ako. Noon lang naging aware si Hiro na umiiyak pala ‘ko.
“What’s wrong?” Sinabi n’ya ‘yon habang sinusubukan n’ya kong iharap sa kanya. Pero bago pa ko makaharap sa kanya ay pinilit kong tumakbo palayo. Nahawakan n’ya naman ang mga kamay ko kaya hindi ako nakaalis. Hinila n’ya agad ako palapit sa kanya pagkatapos ay yinakap habang ako ay patuloy pa rin ang pagluha. Hinaplos n’ya ng marahan ang buhok ko. Sinubukan n’ya ring halikan ang noo ko.
“Jam, hindi pa rin ba talaga pwede?” Pabulong ang pagkakatanong n’ya. Nakasubsob na nang mga oras na ‘yon ang mukha ko sa ‘dibdib n’ya, at s’ya, haplos pa rin ang buhok ko.
“Hiro, gusto mo bang magkagalit kami ni Daddy?” sagot ko habang umiiyak pa rin.
“Baby, hindi. Ang gusto ko, maayos ‘yong sa’tin. Tayo.” This time, lalo n’ya pang hinigpitan ang yakap n’ya sa’kin. Napapikit na lang ako, habang walang tigil na bumubuhos ang mga luha ko.
All my life, laging considered si Dad sa mga decisions ko. At ngayon na gusto kong mag-decide para paligayahin ang sarili ko, palalampasin ko pa ba ang pagkakataon kong ito? Mahal ko si Hiro. Mahal n’ya rin naman ako. Gusto kong sabihin pero hindi ko pa kaya. Gusto kong maging kami pero hindi pa pwede, at isa pa ayokong sirain ang tiwala sa’kin ni Daddy.
Naramdaman kong may tumulong luha sa balikat ko. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman n’ya. At ang nakakainis do’n, kasalanan ko ang lahat ng ‘yon.
It took me a lot of courage para sabihin sa kanya ‘yong gusto ko. Inangat ko ang ulo ko to look at him, and I knew my eyes were pleading at that time. “Hiro, please,” and then my tears fell endlessly once again. “Hintayin mo ko, please.” Pagkatapos no’n ay niyakap ko rin s’ya pabalik. Mahigpit. Punong-puno ng pagmamahal. Nagsusumigaw na ang puso’t isip ko ng ‘Hiro, mahal na mahal na mahal kita’ pero patuloy na nauutal ang bibig ko kaya tanging hikbi lang ang naririnig ko mula sa sarli ko. Pero sana sa nagawa kong ‘to, nasabi ko sa kanya kung ano ba kami. Hindi kami, mahal lang namin ang isa’t isa. At sa palagay ko, ‘yon naman ang pinaka-importante.
He kissed me again on my forehead.
“Yes princess, I’ll wait for you. I promise.” He was looking straight to my eyes.
Mas lalo n’yang hinigpitan ang pagkakayakap n’ya sa’kin kasabay ng paglakas ng hikbi n’ya at pagtulo muli ng mga luha n’ya.
“Mahal din kita, Jam. Mahal na mahal na mahal.”
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011