Two Hours More - Five

35.3K 174 42
                                    

This part is dedicated to Kuya Migs a.k.a. miguelito53, the number one and only critic of this book. I hope he knows why. Haha. Kung hindi, hmm, basta. Haha. Lukaret lang ako? :D Dahil hindi ako 'fan' ni Kuya (sya ang kuya ng lahat, dejoke :D), at lalo namang di nya ko ipa-'fan', waha, ganito na lang ang dedication ko na to para sa kanya. Salamats Kuya.


Jam’s POV

Kinabahan ako nang narinig ko si Dad na nagsalita habang kinakatok ang pinto ko. Dali-dali kong pinatay ‘yong tawag without even telling Hiro goodbye. Inilagay ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nagtalukbong ng kumot bago pa s’ya makapasok.

“Naiwan lang palang buhay ang ilaw”, narinig ko si Dad na nagsalita ng mahina. Hindi ako sanay mag-lock ng pinto kapag gabi. Para kasi hindi na s’ya mahirapan sa paghahanap ng duplicate ng susi para lang silipin ako pag natutulog. Ganyan ka-sweet si Daddy, every night he never fails to come to my room and kiss me goodnight.

Naramdaman kong palapit s’ya sa’kin. Umupo s’ya sa tabi ko at inayos ‘yong kumot ko. Inalis n’ya ‘yong nakatakip na sa mukha ko. Tumawa s’ya ng mahina.

“Hanggang ngayon, ganyan pa rin s’ya kung matulog.”

Hinawi n’ya rin ‘yong buhok ko na sumabog na pala sa mukha ko. Tsaka n’ya ko hinalikan sa pisngi.

“Ang laki na ng baby natin. Inlove na nga rin o.” Sinong kausap ni Dad? May narinig pa kong ibang boses na tumatawa ng mahina na kasabay n’ya. Si Migs ba ‘yon? Nandito pala s’ya? Kanina pa kasi ako nandito sa kwarto pagkatapos pa lang namin magdinner ni Dad kaya hindi ko alam. Oo, si Migs ‘yon. Si Migs lang naman ang pwedeng makasama ni Dad ngayon. Siguro nagpo-poker na naman sila. Hobby nila ‘yon eh.

“Oo nga Papa. Payagan n’yo na kasi.”

“Magkakasakitan lang sila Migs. Bata pa s’ya masyado.”

“Jam’s not a child anymore. She can handle everything. Magna-nineteen na nga po s’ya o.”

“I know. Pero sa’yo ko lang kayang ipagkatiwala ang baby ko.”

Nagulat ako sa narinig ko. Hindi naman pwede ‘yon. Mag-bestfriends lang kami ni Migs.

“P-papa naman. Mag-bestfriends lang kami.”

“Magkaka-inlove-an rin kayo.” Tawa ng tawa si Dad, pero mahina lang. Si Daddy talaga ang kulit. At mahal na mahal ko pa.

“Papa talaga, mamaya magising ‘yan sa tawa nyo.”

“Hindi mo ba s’ya gusto?”

“Dad, stop,” sabi ng isip ko.

“Pa! Ano ba kayo?”

“Wag kang maingay Migs, baka magising si Madison.” Tapos narinig ko na naman ang tawa n’ya at nagsalita ulit. “Namimiss ko na ‘tong anak ko.”

“P-po?”

“Aba e, lagi na lang kasing nakakulong sa kwarto o kaya nakaung-ung sa cellphone n’ya. Hindi ko na masyadong nakakausap katulad ng dati. ‘Yan pa ‘yong isang kinakatakot ko pag pinayagan ko na e. Kaya ayoko. Ayoko talaga s’yang payagan. Sa akin lang muna s’ya. Baka kasi mawala s’ya sa’kin.”

Gusto ko ng maiyak dahil sa sinasabi ni Daddy. Mas marami pa rin naman ‘yong time na nagba-bonding kami. Hindi naman ako inaagaw ni Hiro sa kanya. Siguro, nanibago lang s’ya. Dati kasi hindi ko naman laging hawak ‘yong cellphone ko. Pero never naman ako nawalan ng time sa kanya. Never.

Kasunod no’n, nagkasabay pang nagsalita si Dad at si Migs.

“Pati sa’yo.” Narinig ko na naman s’yang tumawa. Kadugtong ‘yan ng sinasabi n’ya kanina.

 “Pa, hindi naman mangya---.”

“Pa, ang kulit nyo talaga, tara na nga po!” Tinawanan na naman s’ya ni Daddy. Si Daddy talaga.

“Hinahayaan ko na nga lang na lumalabas sila minsan kahit walang paalam. Para lang ‘wag s’yang masyadong maging malungkot. Pero ‘yong iba pa bukod do’n, e hindi ko na kaya pang pagbigyan.”

Tama ba ang pagkakarinig ko? Alam ni Dad? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Bakit hindi man lang n’ya pinaramdam? Alam ni Dad, pero hindi n’ya sinasabi sa’kin. Ibig sabihin naiintindihan n’ya pa rin naman ‘tong nararamdaman ko? Ang bait talaga ni Dad. Siguro ayaw n’ya lang talaga na magka-boyfriend na ‘ko. Kaya hinahayaan n’ya na lang akong maging masaya kahit sa ganon na lang.

“S-so Pa, alam nyo?”

“Oo naman. Alam ko na minsan lumalabas sila kapag wala ako. Isang beses ko pa lang naman silang nakikita pero sigurado akong hindi lang isang beses nangyari ‘yon.”

Saan n’ya kaya kami nakita? Itinanong ‘yon ni Migs para sa’kin, sumagot naman si Daddy.

“I think I saw them on my friend’s restaurant. Nobody can drive her to our friend’s despidida that night so they asked me if I could fetch her. no’ng gabing ‘yon, kitang-kita ko sa mga mata n’ya ‘yong kinang ng mga mata ng Mommy n’ya noon sa tuwing magkasama kami. Hindi ko na mai-de-deny, mahal n’ya si Hiro.”

Dads know best too, just like Moms. Naiiyak na talaga ko, pero hindi ako pwedeng gumalaw dito. Naisip ko lang, bakit n’ya kaya alam ang pangalan ni Hiro?

“Pa, bakit nyo s’ya kilala sa pangalan?” Parang magkakambal na talaga ang mga utak namin ni Migs.

“Paano ‘ko makakalimutan? Sa tuwing nagkekwento s’ya  noon tungkol sa kaibigan n’yang suki ng Madison’s, at kapag tinuturo n’ya sa mga pictures n’ya ‘yong kaibigan n’yang ‘yon e, kumikislap ang mga mata n’ya. Kasing kislap ng mga mata ni Carmen. Miguel, alam ko na ‘yang mga ganyan, nanggaling na rin ako d’yan.”

Hinalikan ulit ako ni Dad sa pisngi. “Goodnight baby. I love you,” bulong n’ya kasabay ng paghaplos n’ya sa buhok ko. Nang makalabas na ng kwarto si Dad, napangiti na lang ako. Tapos tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. I love you too Dad.

11:59:11pm

Quote:

I guess that’s your Dad.

I’ll always be the happiest man alive with you in my life, Princess. Mahal na mahal kita. Ito ang pinakamasayang birthday ko, sana alam mo ‘yon. Kasi ito ang unang birthday ko na kasama na kita. Totoo ‘yon. Masayang masaya ko tonight. Pinasaya mo ko. I’ll see you in my dreams. I love you so much baby.

I love you too Hiro.

But I love you more Daddy.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon