Two Hours More - Eight

32.6K 167 21
                                    

Eight

 

Hiro’s POV

Two hours. Sapat na sapat na sa’kin ang mga sandaling ito para tuparin ang sarili kong hiling na makasama si Jam sa birthday n’ya. Six months ago sinabi ko na sa kanya na gusto ko s’yang makasama sa araw na ‘yon, at sobrang saya ko dahil pinagbigyan naman ako --- kami, ng pagkakataon para dito. Kung nagkataong hindi --- hindi pwede! Gagawa ako ng paraan makasama lang s’ya. Dahil sayang kung hindi. Dahil ayoko kung hindi.

Kaugnay nang huli naming napag-usapan ni Niko, pinlano kong tanungin s’ya tungkol sa nararamdaman n’ya para sa’kin. Kahit na alam kong hindi naman magiging kami --- na gustong gusto ko na, ‘oo’ man o ‘hindi’ ang sagot n’ya. ‘Yong malaman ko na lang kung mahal n’ya ba ko o hindi. Kahit ‘yon na lang. At iyon ang dahilan bakit sinabi ko sa kanya na magkita kami nang gabing ‘yon. Pero hindi man lang s’ya nagparamdam tungkol dun.

Sa totoo lang, nag-alala ako nang hindi man lang ako tinext ni Jam sa usapan naming mag-meet kami do’n sa lugar na nakita ko s’ya nang hapon na ‘yon. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ‘di man lang s’ya nagre-reply sa’kin pagkatapos ng tawag ko na sinabi ko ‘yong tungkol do’n. Hindi rin sinasagot ang mga sumunod pang tawag ko. Pakiramdam ko tuloy  ayaw n’ya kong makita. Pero hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. So I went from cottage to cottage only to find her standing alone in the moonlit dark.

Hindi ko s’ya kaagad nalapitan. Parang napako sandali ang mga mata ko sa figura ng isang prinsesang binago ang pananaw at paniniwala ko tungkol sa mga mapanakit na babae at malupit na pag-ibig. Ang prinsesang hindi man lang namalayan na sa mga panahong nakakasama ko s’ya, natuturuan n’ya na pala kong maniwala na hindi lahat ng babae ay magkakatulad, at ang pag-ibig ay kahit kailan ay hindi malupit, kundi makapangyarihan.

Inuutusan ng utak ko ang mga paa ko na ‘wag s’yang puntahan at gambalain. Pero inuutusan rin naman ito ng puso ko na s’ya ay lapitan, yakapin at kausapin. At sa huli, nanalo ang puso ko.

Nang gabing ‘yon, inaasahan ko talaga na pwedeng masaktan ako sa pwedeng maging sagot n’ya sa pinagplanuhan ko ng itanong sa kanya. Iniisip ko baka sabihin n’ya, “I’m sorry,” or ang mas masakit marinig, “No.” Pero hindi. Iba ang narinig ko mula sa kanya. Iba ang nakita ko sa mga mata n’ya. At iba ang naramdaman ko sa mga yakap n’ya.

Ang sabi n’ya, hintayin ko raw s’ya. Ang nakita ko, ay ang mga mata n’yang nakikiusap. At ang naramdaman ko, ay mahal n’ya rin ako. Sapat na ang mga luha at hikbi, at hindi na kailangan ng kahit ano pang salita. Mahal n’ya ako.

Pagkatapos ng sandaling ‘yon, hindi ko na alam ang pwedeng maramdaman ko. Ang alam ko lang masaya ko. Gusto kong tumalon at sumigaw sa saya; pero ang lumuha, yakapin at hagkan s’ya ang tangi ko na lang nagawa. Ang sabihin n’ya na hintayin ko s’ya ay para naring pagsasabi ng isang bagay na noon ko pa hinihintay. Ang malamang minamahal ka rin ng taong minamahal mo ay isa na sa mga pinakamagandang regalo na maaari mong matanggap. Parang ako pa ang niregaluhan n’ya sa mismong araw n’ya. And I really want to be stuck forever in this kind of moment. In this magical moment with my princess.

Sabi ni Niko, ‘wag daw akong umasa sa ganitong kalabong sitwasyon kasi wala naman daw sinasabi si Jam na kahit ano. Pero, no. Kung ito lang ang tanging paraan para makasama s’ya, kahit gano pa kalabo, walang problema sa’kin to. At saka sino ba naman kasi ang nagsabing malabo ang lahat sa’min? Mahal ko s’ya. Mahal n’ya ko, sigurado ako ron. Kaya ano pa bang malabo do’n? Wala.

At isa pa, wala akong balak mag-aksaya ng oras, panahon at pagkakataon. Simula ngayon, para na rin akong nagbibilang ng araw na makakasama ko s’ya knowing na mahal n’ya rin ako. Katulad nga ng sinabi ko noon, wala akong oras na sasayangin. Bawat pagkakataon ay mahalaga. And I feel like counting every moment with her and making those moments count forever.

The counting begins. I wish I could have more. 

The counting begins. And I know why it makes my heart numb and sore.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon