Nang gabing ‘yon, umiiyak lang ako sa kama ko. Ala-una na pala pero gising pa rin ako --- umiiyak. Mugtong mugto na ang mata ko. Hindi ko alam pero kahit anong pigil ko, iyak pa rin ako ng iyak. Ano bang nakakaiyak sa “Jam, mahal kita?” Nakakainis. Iyak pa rin talaga ‘ko ng iyak. Naiisip ko kung totoo ba lahat ‘yon? Baka naman akala n’ya lang ‘yon.
Aaminin kong naniniwala ako sa lahat ng sinabi n’ya sa’kin kanina. Sa ‘di malamang dahilan, nararamdaman ko, na buo ang tiwala ko sa kanya at sa mga sinabi n’ya. Hindi lang siguro ako nagging handa para don. Or maybe, punong puno lang ako ng takot ngayon.
Takot na baka hindi pala totoo lahat.
Takot na baka nagkakamali lang pala s’ya.
Takot na baka naguguluhan lang pala s’ya.
Takot na baka mauwi lahat ‘to sa wala.
Takot sa pwedeng mangyari sa susunod na araw.
Takot sa Daddy ko.
Takot na baka hindi s’ya makapaghintay.
Takot na mawala s’ya sa’kin.
Takot na masaktan lang.
Ng first love ko.
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011