Hiro’s POV
Medyo kinakabahan na ko. Ilang linggo na lang kasi board exam na rin. Buong buhay ko pinangarap ko na talagang maging isang nurse, kaya sana matupad ko to.
Araw-araw, hindi ko maiwasang matakot. But as Jam tells me, I should just pray continuously. I’m going to make this. She’s one of my driving forces, really. Every night, I know she’s praying for me. Don’t just guys know it? Lucky is a guy who finds a girl who prays for him. Jam for sure is praying with me.
Sa ilang buwan na naming magkakilala. Naging mas malapit na talaga kami sa isa’t isa. At sa ngayon, parang best girl friend ko na nga rin s’ya. Pag may dinaramdam ako, inaalala o pinoproblema, nasasabi ko sa kanya at nakikinig naman s’ya.
At this moment, I only took a break from studying. Kahit kasi wala na ko sa review center, tuloy pa rin ako sa pag-aaral. Nag-“recess” lang ako, ika nga ng aking child-like princess.
Nandito lang ako sa aking study table. Mas gusto kong maging abala kaiisip kay Jam. Sa mesa ko, matatagpuang nakahilera ang mga pictures namin. Pictures from church activities, my school visits, and wait, one of the most important events of my life, my graduation day.
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011