Hiro’s POV
Day 15 Sunday 6:14pm
Ilang lingo ko rin itong pinaghandaan. Nabingi na ang langit sa puso kong nagsusumigaw ng isang taimtim na panalangin.
Pumunta muli ako sa palasyo ng aking prinsesa. Handa na kong harapin ulit ang nakakatakot n’yang Daddy. Pero, katulad nga ng paminsang nangyayari noon, si Nay Mira na naman ang sumalubong sa akin. Wala na naman ang mag-ama. Nakain daw sa labas kasama pa si Miguel. Umuwi na naman akong bigo. Pero hindi sira ang pag-asa.
Day 19 Thursday
Hindi na naman ako makatulog. Naiisip ko kasi kung dapat pa bang inilalapit ko pa ang sarili ko sa kanya? Mukhang tama nga ang Daddy n’ya, magkakasakitan lang kami. Kung hindi ko na lang kasi ipinilit eh di sana, hindi kami ganito ka-attached na sa isa’t isa.
Ayokong maranasan kung ano mang naranasan ni Mommy noon. Ayokong matulad kay Mommy na sumabak sa isang sitwasyong hindi naman n’ya kailanman gugustuhin. Ayokong maranasan ang naranasan n’ya.
Nagkamali ba ako? Hindi ko rin naman nalaman na magkakaganito. Kung nagkamali man ako, wala akong babaguhin na kahit ano. Hindi ko alam kung selfishness ba ito, o sadyang minamahal ko lang talaga s’ya. Tama lang naman siguro na pinili kong makasama s’ya noon. Siguro ganito lang talaga ang nakasulat sa tadhana namin ngayon.
Day 21 Saturday
“Ihhhh… Magboyfriend sila ni Kuya Hiro!” Napatigil si Jam sa pagpa-piano nang bigla akong dumating sa koro.
“Naku, hindi no.” Kasabay nito ay ang gesture ng kamay n’ya para ipagduldulan sa mga bata na hindi talaga.
“Kayo talaga. Binibisita ko lang naman si Ate Jam e.” Malambing na pagkakasabi ko habang nakangiti. Natutuwa ako sa naririnig ko.
“Ang sweet!” Para pa rin silang kumakanta habang inaasar kami. Ang mga batang bumubuo ng children’s choir ay lahat nanggaling sa mga batang tinuturuan ko. “May pink na rose pa s’ya!” Sigaw naman ng isang bata.
“Bagay ba kami?” Ngiting-ngiti pa ko sa pagkakatanong ko sa kanila no’n. Hind ko maiwasang hindi ngumiti at matuwa. Ganito na talaga kami ka-close ng mga batang ito.
“Hiro!” Nakita kong namumula na si Jam.
“Opo naman po! Kiss!” Napatingin s’ya sa paligid na parang tarantang-taranta. Siguro iniisip n’ya na baka may makarinig, sabihin ganitong bagay ang tinuturo n’ya, o namin, sa kanila! Tumingin ako sa kanya na natatawa-tawa pa.
“The kids have spoken, Princess.”
“Uyyyyyyy!” Parang musika sa tainga ang maliliit na boses nila. Ang lalaki ng mga ngiti ng batang lalaki. At ang mga batang babae naman ay ‘di magkandamayaw sa pagtili.
“Magtigil.” Nakikita ko na ang nagsusungit n’yang mukha. Ang cute n’ya kapag naiinis.
“Tama na nga.” Tatawa-tawa pa rin ako. “Namumula na tuloy si Ate Jam o. Hindi pwede ‘yong kiss, kayo talaga, ang babata nyo pa ih. Pag-aaral muna at syempre, si Lord, okay?”
“Yes Kuya!” sabay-sabay nilang sagot.
“Sayang naman.” Napatawa ako ng mahina nang narinig ko ang isa sa kanila na nagsabi n’yan.
Natapos ang practice nila ng mga bandang alas-tres ng hapon. Kitang-kita ko kanina sa mga mata ni Jam ang saya habang nagtuturo ng kanta sa mga bata. Courage. ‘Yan ang wala s’ya eh. Isa pa. Confidence. At masayang-masaya naman ako na ngayon, mukhang nakuha n’ya na ang mga ‘yon.
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011