Hiro's POV
The days went so fast. Nairaos ko na rin ang board. Malapit na ring malaman ‘yong resulta. Kinakabahan na ko. Parang gabi-gabi hindi na ko makatulog kakaisip ng tungkol dun.
Naisipan kong itext si Jam. Gagaan ang loob ko sigurado pag nakausap ko s’ya.
Quote:
Hi Princess. :(
Wala pang isang minuto nakapag-reply agad s’ya.
“Hey, Hiro, what’s wrong?”
Hindi agad ako nakareply. Hindi ko alam pano ko sisimulang sabihin sa kanya tong dinaramdam ko na to.
“Hiro, why?”
Nagtext pa s’ya ulit. Nakakatuwang isiping concerned talaga s’ya sa’kin.
“I think I can’t pass the board.”
“What? Why? Of course you can! Ano ka ba?”
I dialled her number. Mas gusto ko s’yang kausapin na naririnig ko boses n’ya.
“Hello, Hiro. Ano ka ba, ‘wag ka ngang mag-isip ng ganyan.” Kahit ‘di ko s’ya nakikita, nararamdaman ko ang pag-aalala n’ya. Halata sa boses n’ya. Kung kasama ko siguro s’ya, nayakap ko na lang s’ya ulit. Para kong nasa braso ng isang anghel pag nagkataon. Umaapaw ang comfort mula sa puso n’ya papunta sa puso ko.
“Hindi ko mapigilan ih. But don’t worry, I’m okay now. May next time pa naman.” Ang makausap ko lang naman si Jam, pakiramdam ko talaga okay na ang lahat. Parang wala talagang dapat ipag-alala pa. Isa kong maswerteng nilalang sa piling n’ya.
“Hiro naman...” Napakalungkot ng boses n’ya. Alam n’ya kasing pangarap ko talaga to. “Prayer works. Basta magpe-pray tayo, okay? Maniwala ka lang.”
She’s really sweet. Napapikit na lang ako habang iniisip na kasama ko na lang sana s’ya ngayon, hawak n’ya ang kamay ko habang sinasabi n’ya ‘yon, tapos ako, patuloy na gumagaan ang loob. Wala na kong ibang masabi sa kanya kundi…
“I love you Princess.” I said with all my heart out.
“I ---“
Then the call was cut. Wala kong narinig sa sinabi n’ya kundi “Ay”. “Ay” ano? Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
Two Hours More
RomancePara sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong sumisigaw ng kalayaan para magmahal. © All Rights Reserved June 2011