Two Hours More - Eight - Day 14

32.1K 167 18
                                    

Jam’s POV

Day 14 Saturday

“Na-rerelax ka ba?”

“Hmm…” sagot ko kasabay ng marahan kong pagtango.

Hinihintay ko na lang na matawag ang pangalan ko at ako na ang magpe-present ng pyesa ko. Sa totoo lang, ‘yon ang ginamit ko kasi paborito namin ‘yon ni Hiro. It’s Pachelbel’s Canon by Johann Pachelbel in C Major. Paborito ko na ito mula bata pa lang ako tapos nalaman ko na lang na paborito n’ya rin pala ‘to.

Mula nang nakarating na kami sa venue ng contest, dinaldal n’ya na ko ng dinaldal sa backstage, siguro para makalimutan ko ‘yong kaba. Kasabay no’n ay minamasahe n’ya ang mga kamay ko. Para daw ma-relax ako. Sobrang effective. Pero ‘yong nandito s’ya, ‘yon talaga ‘yong mismong gamot sa kaba ko.

Hindi ko na namalayan kung ilan na ba ‘yong nakakapag-perform. Basta ang alam ko pang number eight ako.

Kinekwento n’ya lang ako ng kinekwento. Tawa rito, tawa doon. Parang ‘di ko na nga napapansin kung ano-ano bang pyesa ang ginagamit ng mga kalaban ko.

“Ako ang pinakamalakas na taga-palakpak mo don mamaya.”

“Talaga? Thank you… oh!” Nagulat ako habang napapikit kasi hinalikan n’ya ang noo ko.

“Kaya mo ‘yan Princess!” Ngiting-ngiti pa s’ya habang nakaposisyon ang kanan n’yang kamay na parang nagsasabing ‘Fight!’

“Syempre, sabi mo e!” We shared a gentle laughter.

“Ikaw na ‘yong tinatawag.”

“Ha?!” Biglang kumabog ang dibdib ko. Ddi ko man lang namalayan na ako na pala ang kasunod? Ang galing ni Hiro do’n a!

“Galingan mo. Punta na ko do’n.”

Naglakad na ko palayo. Pero naisipan kong tumigil at tingnan ulit s’ya. Kabang-kaba. Ngiting-ngiti. “Para sa’yo ‘to!”

Hiro’s POV

Tamaba ba ‘yong narinig ko? Ginawa n’ya to para sa’kin? Hindi ko naiwasan ang mapangiti. Ang ganda sa pakiramdam.

Habang mabilis akong naglalakad papunta sa seat ng mga audience, ‘di ko mapigilan ang mapangiti habang nag-e-echo ang boses ni Jam sa isip ko. ‘Para sa’yo to!’

Pagdating ko roon ay saktong papunta na si Jam sa grand piano. Bago pa s’ya tulyang magsimula ay para s’yang may hinahanap mula sa audience. Nang nagtagpo ang mga mata namin, nakita ko ang pagngiti ng mga mata at labi n’ya.

“Go Princess!” I whispered in the air. And then I saw her smile again.

The way she was playing with the piano keys was magestic. I’ve never seen her this confident before. And I’m happy for her. My applause was the loudest applause that was ever heard in the venue.

Jam’s POV

“And our Young Pianist of the Year is contestant number…”

Please Lord, para kay Hiro. Please. Para kay Hiro. Please. Para kay Hiro. Please!

“Pianist number 8!”

“YES!” Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkatuwa nang banggitin ang lucky number namin ni Hiro. Nakita ko rin na ang saya-saya ni Hiro nang banggitin ang number ko. Wow, thank You po!

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon