Two Hours More - Eleven - Day 75

27.4K 129 24
                                    

Day 75 Wednesday

Alas-sinco na siguro ng hapon ng puntahan ko s’ya sa school n’ya. Sigurado akong pauwi na s’ya ngayon. Hindi ko alam kung tama ba na kausapin ko s’ya na ganitong galit na galit ako, ako pero ‘di ko na talaga kaya. Sasabog na ata ako kung patatagalin ko pa ‘to.

Sakto lang pala ang dating ko, nakita ko s’yang palabas na ng library. Sabi ko na nga ba, dito ko s’ya makikita. Inaasikaso n’ya pa rin kasi hanggang ngayon ang thesis n’ya. Sinalubong n’ya ko ng napagandang ngiti kahit na halatang-halata na ang pagod sa mga mata n’ya. Nakasimangot pa rin ako habang palapit sa kanya na  labis n’ya namang ipinagtaka. Ngayong hapon na to, lilinawin ko lang sa kanya kung ano ba ko sa buhay n’ya.

“Himala, ‘di mo ata kasama si Miguel ngayon?” Nagulat s’ya sa sinabi ko. Siguro’y hindi s’ya sanay na hindi man lang ako nag-“hi” muna o “hello”. Nakita kong napabuntong hininga s’ya. Siguro ay nakikita n’ya sa mga mata ko ang galit at inis.

“Hiro, mag-ice cream naman tayo o. Iti-treat kita! Babawi ako kasi naging busy ako nitong nakaraang araw.” Kitang-kita ko kung pano n’ya ipinipilit na gumuhit ng isang ngiti kahit halata naman sa kanya na alam n’ya na ang kahihinatnan ng usapan na to. Away.

“Hindi ako si Miguel.”

“Ha?”

“Sabi ko, hindi ako si Miguel. Baka kasi nagkakamali ka lang ng inaakit. S’ya naman kasi ‘yong mas gusto mong kasama ‘di ba? Tsaka makausap? So ‘yon, hindi ako si Miguel. Si Hiro ako.” Napalingon ako sa likuran ko, sa bandang kaliwa.

“Ano bang sinasabi mo,” ang narinig kong sagot n’ya. ‘Di ko alam kung bakit ako napalingon, tadhana siguro ang tawag do’n. Lalo namang nag-init ang ulo ko nang nakita ko si Miguel na nakatayo sa ‘di kalayuan. Pagbalik ko ng tingin sa kanya, wala na ang ngiting pilit n’yang iginuhit kanina. “Hiro, hindi totoo ‘yon.”

“Ayan na pala sundo mo e. Well syempre, sa’ming dalawa, alam ko naman kung sinong pipiliin mo ‘di ba? Alam ko na kasunod nito e, syempre sa kanya na naman ‘yong oras ng mahal na prinsesa tama ba?” Hindi ko alam bakit hindi ko pinansin ang huli n’yang sinabi.

 “Teka lang, may problema ka ba?” Nakikita ko ng namumuo ang luha n’ya. Pinipigilan ko ang sarili ko na magalit na dahil ayoko s’yang makitang umiiyak, pero…

“Ikaw! Ikaw ang problema ko, pati ‘yong nakakainis na lalaking ‘yon!”

“Nagagalit ka ba kasi hindi ako nakapagpaalam kahapon? Wala talaga e. Nasa byahe pa lang kami ng umaga, patay na ‘yong phone ko. Tinext naman kita no’ng gabi ‘di ba?”

“Tapos?”

“Anong tapos?” Halatang naiinis na naguguluhan s’ya sa reaksyon ko.

Blankong tingin lang ang isinagot ko sa kanya.

“Ayoko naman na itext ka gamit ang number n’ya. K-kasi… magagalit ka.”

“Talaga. Dahil umiinit talaga dugo ko sa bwisit na ‘yon!”

“Hiro naman kung pumunta ka lang dito para awayin ako, o s’ya, tama na! Pagod na talaga ‘ko.” Nagtaas na rin ng konti ang boses n’ya which is so unlike her. Nasan ang pang-unawa mo Hiro, bakit hindi nagana?

“Bakit, anong akala mo, ikaw lang ang napapagod? Ako rin naman a. Pagod na pagod na rin ako.”

Sa puntong ‘yon, dun na s’ya umiyak. Nakatingin s’ya ng ‘diretso sa mga mata ko. Gulat na gulat siguro sa narinig n’ya.

“I’m sorry kung napapagod ka dahil sa’kin.. Sorry Hiro.” Kitang-kita ko ang pag-agos ng mga luha n’ya.

Hindi ako makapaniwalang umiiyak s’ya ngayon, kaharap ko, dahil sa kung ano mang nangyayari sa’kin ngayon. Stressed. Depressed. Ano ba ‘to? Dapat ‘di ko s’ya dinamay e. Dapat ‘di ko s’ya kinausap gayong ganito ang nararamdaman ko. Dapat pinalipas ko muna.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon