Letter A

228 7 4
                                    

SANDALI LANG! Bago ninyo ito basahin sana naman wag niyong isipin na malandi yung babae dito dahil ang dami niyang ex-boyfriends. Ito po ay nagpapakita nang iba't ibang klaseng pagmamahal na nauwi sa isang malungkot na katapusan. Isa pa, ito po ay teoryang feminismo. Masyadong nakatuon ito sa mga kababaihan na minsan nang nasaktan. Kaya, sa lahat nang babasa maraming salamat! Pagpalain. 





Andrew,

Noong araw na iniwan mo ko, sobra sobra yung iniyak ko. Nagsinungaling ako kay Mama na di ako umiiyak, napuwing lang ako kasi dumaan sa harap ko yung sobrang pagkalaki-laki na truck na naging dahilan bat ako umiyak lalo. Para kasing ang malas-malas ko no'n, iniwan mo na nga ako tapos ganoon pa mangyayari sa akin.

Siguro iniisip mo namimiss na kita. Oo namimiss na nga kita. 

Pero wala naman akong magagawa kung hindi manahimik na lang. Naaalala mo pa ba yung araw na lagi mo kong inihahatid at sinusundo sa school? Yung ikaw na yung tinaguriang "school bus" ni Mama dahil raw ang sipag mo kung ihatid sundo. 

Sabay tayo kakain ng kwek-kwek sa daan, magtatawanan at pilit mong isisingit na sabihan kita ng "mahal kita".

Yung una mong pakikipag-asaran sa akin na sa sobrang badtrip ko nung una ay nasungitan kita. 

Nakaka-miss rin pala.  

Eh naalala mo pa ba yung mga oras na magkatext tayo araw-araw, yung lagi tayong may load kasi lagi mo kong gustong kausap. 

Kaso bigla na lang naglaho yung saya natin nung sinabi mong nagbalik muli yung "matagal mo ng mahal" bakit? Sa loob ba ng apat na buwan nating pagsasama, yung kulitan, yung asaran at yung lagi kong pagsabi sayo ng "mahal kita" ay di ba sapat para kalimutan siya?

Hindi ako umiiyak ngayon para sa pagkakaalam mo, ngunit galit yung nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko yung sinabi mo na "sorry, di na kita mahal kasi mahal ko pa rin siya".

Minahal mo ba talaga ako? Yung apat na buwan nating pagsasama ay isa lamang bang lokohan? Yung nakikitawa ka lang kapag kinukwento ko sayo lahat ng masasayang araw ko? Lahat ba ng sinabi mo dapat sa kanya mo sasabihin at hindi sa akin?

Noong araw na iniwan mo ko, hindi mo man lang akong pinayagang magpaliwanag. Ni hindi man lang kita nahagkan kahit sa huling pagkakataon. Dahilan mo tama na, simula pa lang wala na akong panama sa taong minahal mo ng lubusan. 

Masakit nung iniwan mo ko pero mas masakit no'ng mga panahong tayo pero iniisip mo SIYA pala ay AKO. 

Nung nakita kita sa sakayan ng jeep kasama siya, pinigilan ko yung sarili ko na wag akong sasakay sa jeep na 'yon kasi nandon kayo. Baka pagtawanan niyo lang ako. Pero may bumulong sa akin sabi niya sumakay ka don, wag kang papaapekto, ipakita mo ang sinayang niya. Kaya walang patumpik-tumpik sumakay ako sa jeep na 'yon. Nung una hindi ka makatingin pero yung babae na "mahal mo dahil sabi mo" todo tingin sa akin? Ganon ba siya kainggit sa pagmumukha ko kaya kung makatingin siya ay parang wala ng bukas? 

Nagulat lang ako nung kinausap mo ko, sa sobrang gulat ko ngumiti yung babae mo. Pinigil ko yung luha ko kasi alam kong nakakapikon pero lahat ata ng sinabi ko kinain ko. 

Kaya pala di mo siya makalimutan kasi siya yung "PINAKA" sa buong campus natin. Siya yung matalino at kung ano pa. Kung baga "almost perfect na ang lahat sa kanya".

Nung bumaba ako sa jeep, umiyak ako ng todo-todo. I make my self so selfless again.

Ikaw yung UNA sa lahat. 

Ikaw rin yung UNA sa alpabeto ng buhay ko.

Pero salamat! Mas masaya na ako sa piling ni Bobby. 

Kahit sobrang taba niya, siya yung nagsabing I almost perfect inside and out.



Hi Readers, 

Thank you for reading this Chapter! So much appreciated. Sana mag-leave kayo ng comments and votes! 

Continue reading Chapter LETTER B! :) 

*hugs&kisses*

- KATALINA

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon