Letter O

19 0 0
                                    

Oscar,

Kamusta ka na sa Pangasinan? Hindi ko akalain na isa ka sa mga susulatan ko. Hindi ko rin akalain na isa ka sa mga hindi ko makakasama habang-buhay. 

Kamusta ka na?

Huwag mo sana masamain ang pagsulat ko sa'yo, gusto ko lamang ipakita na kahit anong pagkakamali ang nagawa natin no'on, tinanggap kita sa kung anong kaya at mayroon ka sa buhay mo.

Naalala mo ba ang pagpasyal natin sa Luneta? Kahit tirik na tirik ang araw mamamasyal at mamamasyal tayo sa lugar na 'yon.

Eh, naalala mo rin ba ang pagkain mo ng paborito mong sorbetes? Sabay sabing "dati sorbetes lang ang gusto ko pero ikaw na ngayon". Hindi sana ako tatawa pero 'di ko mapigilang hindi tumawa.


Ang sarap balikan ng mga alaala na sana alaala pa rin nating dalawa.


Huwag mong isipin na sumulat ako para makipagbalikan sa'yo. Naalala mo rin ba ang sinabi ko sayo na kapag naghiwalay tayo, kahit mahal kita 'di na ko babalik sa'yo. Hindi dahil sa mataas ang pride ko, ayaw ko lang talaga na ipagpatuloy yung bagay na dapat hindi tinatapos.


Sumulat ako sayo dahil gusto kong ipaalala na naging mabuti ka sa akin. Naging mabuti kang kaibigan, naging mabuti ka ring kasintahan.


Ngunit mali na minahal kita.


Sa dami ng mga kasalanan na ginawa natin, paano ako mapapatawad ng taong nasaktan ko? Paano niya ko muli pagkakatiwalaan kung ang tiwala niya ang siyang sinira ko, 

hindi, sinira natin.


Napakalaking desisyon ang ginawa ko.


Aminin man natin o hindi, nagustuhan ko ang tanong pagmamay-ari ng iba.

Pagmamay-ari ng taong mahal ko rin.

Pagmamay-ari ng tinuturing kong kapatid.


Sa simpleng pag-uusap natin sa library, sa simpleng kwentuhan tuwing lalabas kayo na ako ang palaging third wheel. Hindi ko lubos maisip na mahuhulog ang damdamin ko sayo. 


Mali, sobrang mali.

Ngunit di ko maintindihan bakit ganoon na rin ang nararamdaman mo para sa akin.

Imbis na kayong dalawa ang nagkikita, tayong dalawa ang nag-uusap at naglalambingan sa daan.


Akala ko noong una, ako lang ang nakakaramdam ng lahat ng imahinasyon kong 'yon, ngunit hindi, - ikaw rin pala.


Noong nagkuwento ka sa akin ng relasyon mo, pilit mong inihahayag na wala ng patutunguhan ang relasyon niyo dahil hindi mo na maintindihan ang kaibigan ko.


Hindi mo pa rin masabi sa akin kung sino yung babaeng nagugustuhan mo na para bang araw-araw mong gustong lambingin, yakapin o kung pwede mo nang mahalin.




Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ng mga oras na 'yon? Sana ako.

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon