Letter E

55 5 0
                                    

Earl,

Bilib ako sayo! Ikaw talaga ang tinaguriang Harana Boy ng "21st Century".

Gabing-gabi na 'non. Tulog na kami pati mga kapitbahay namin akala ko dati may nag-gi-gitara lang sa baba pero 'nong tinawag mo pangalan ko. Napatayo agad ako. Sino ba naman hindi tatayo diba? Pati sina Nanay nagtataka kung ano ang nangyayari sa baba. 

Inunahan ako agad ng kapatid kong babae na akala niya siguro siya yung hinaharanahan. Nakakabilib ka dahil hindi pinakita mo yung sinseridad mong manligaw. Yun nga lang kabilang ka na ngayon sa sinulatan ko. 

Sinulatan kita kasi naging mag kaibigan tayo may closure kahit na nagtapos na yung istorya nating dalawa. 

Malakas ang loob mo na humarap sa Nanay at Tatay ko kahit na parehas silang nakasimangot sa'yo. Kinakabahan ako sa mga oras na 'yon, para bang may pumipisil ng puso ko para hindi makahinga ng todo. 

Noong pumayag na sina Tatay at Nanay na mag-date tayo bakas sa mga labi mo ang ngiti.
Hindi rin naman maipinta ang saya ko nang sabihin ng Nanay ko 'yon. 

First date natin, first holding hands nating dalawa. Ginusto natin na pumunta sa Star City  kaso hindi natin namalayan na nanakawan ka na pala. Kahit hindi mo pinahalata sa akin 'yon nakita ko na sa mga mata mo ang pagkataranta. First date pa naman natin mawawalan ka ng pera.

Pinilit mong hindi na matuloy ang pagpunta natin sa Star City, buti na lang napansin mo kaagad na nainis ako sayo. Nainis talaga ako sayo 'non. Ikaw ba naman kasi, kahit na wala pa tayo sa Star City pwede naman tayong mamasyal kahit walang pera di ba? Kahit saan okay na. Tatanggihan mo pa ako na wag akong magbayad, sa susunod na lang. Nandoon na tayo kasama na kita tapos uuwi rin tayo. Bakit ganyan kayong mga lalaki? Ang tataas ng "PRIDE" niyo. Illibre ka lang ayaw mo na, porket babae gagastos panget na tingnan. Sabagay, hindi kita masisisi first date natin nanliligaw ka pa lang ganyan pa mangyayari pero hindi rin kita masisisi kung papayag ka sa gusto kong sa luneta na lang tayo pumunta at sagot ko na ang pamasahe

Miss ko na 'yon Earl. Miss ko na yung pagmamahal mo. Miss ko na yung tayong kahit nag-aasaran lang magkukunwari lang akong pikon lalambingin mo na ako. 

Mahal kita, Mahal kita hanggang ngayon. Yung pagsabi mong Mahal kita kasi gusto mo kung sino ako, akala ko ikaw na yung lalaking tatagal sa akin ng totoo dahil akala ko rin matatanggap mo ako sa kung ano ang pagkukulang ko.

Ilang dates ang naganap sa atin bago kita sagutin ng matamis kong "oo". Kahit na tayo na, kinilala natin ang isa't isa. May mga pagkakataong nag-aaway tayo ng sobra na naayos din naman kaagad. Kaya nga bilib ako sa'yo ramdam ko yung patuloy mong pagmamahal sa akin kahit na mabilis akong magalit, natatarayan kita, natutulugan at marami pang iabng senaryo na paulit-ulit kong ginagawa. 

Sinabi mo 'non na ramdam mo sa akin yung pagiging malambing na hindi ko akalain na sasabihin mo habang hawak mo yung kamay ko. 

Hinding-hindi ko makakalimutan sa sinabi mo sa akin na "even my last breath was come, I still love you. And even the moon go around, i still be here for you" 

Kaso alam ko at alam mong malabo na 'yong mangyari pa. Pinipigil ko ang pagluha ko ngayon Earl. Ayaw ko ng balikan ang bangungot na ginawa mo sa akin. Isang napakasayang bangungot na alam ko dadalhin kong palagi sa aking pagtulog. 

Yung araw na sinabi mo sa akin na aalis ka at pupunta ka sa Malaysia para doon na mag-aral inintindi ko 'yon kasi para sayo 'yon. Kung baga, alam ko na kailangan mo 'yon para sa hinaharap.

Ramdam ko sa mga yakap mo 'non ang pagkadismaya at lungkot ng pag-iwan mo sa akin. Kaya ko sinabi sa'yong ituloy mo 'yon para hindi rin madisappoint ang mga magulang mo sayo.

Akala ko 'non ayos lang ang lahat hanggang may nagbalita sa akin na ikakasal ka na sa Malaysia. Parang dinikdik na paminta ang puso ko, hindi ko alam kung hahabulin ba kita kung tatawagan ba kita o hahayaan na lang, iiyak ba ako o tatawa. Nagkabuhol-buhol yung utak ko sa mga oras na 'yon. 

Habang pataas ako ng bahay, akala ng kapatid ko inaway mo ako na sa totoo lang higit pa don ang ginawa mo. Hindi ko na napigilan kaya inilabas ko lahat ng galit lahat ng inis sa pamamagitan na lang nang pag-iyak.

Habang tumatawag ka 'non, inisip ko na wag ko nang sagutin pa. Ano pa bang dahilan para sagutin ko. Magpapaliwanag ka pa ba ng mga kasalanan mo? Pero hindi kita matiis, kaya sinagot ko. Gusto mong pumunta ng bahay kaya ako umayaw kasi ayaw kong pagalitan ka pa ni Nanay. Alam na kasi ni Nanay yung balak mo sa Malaysia.

Masakit man sa sarili ko na makipagkita, ginawa ko pa rin. Ayaw ko kasi mag-isip at ayaw ko rin mahirapan ng sobra. 

Para talaga akong manhid noong niyakap mo ko ng magkita tayo muli sa Luneta. Umiiyak ka rin sa akin parehas tayong umiiyak pero hindi ako makatingin sayo wala akong lakas ng loob na tingnan ka. 

Galit ang namumuo sa akin. Sobrang pagkapaglit.

Noong sinabi mong makinig muna ako sayo, nakinig talaga ako. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan at maniwala ka man sa hindi. Narinig ko yung pagkasabi mong hindi mo gusto 'to at masakit para sayo, ano pa bang magagawa ko? Namili ka na. May priority  ka na. 

Sa paghalik mo sa aking noo alam ko na iyon ang tanda ng huli mong pamamaalam. Pasensya ka na masakit sa ating pareho na kailangan na nating tapusin ang pagmamahal na siyang maligaya sa ating pareho.

Minsan nga sasbihan ko sina Nanay na bigyan ako ng mapapangasawa para parehas tayo ng ganap.

Malungkot at ngayong nababasa mo 'to Congratulation! 

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon