Letter C

103 5 6
                                    

Charles,

Gaano ba karaming Cherifer ang ininom mo nung bata ka? Ba't sobrang tangkad mo? Sabagay hindi na ako magtataka kung bakit ka naging basketball player. 

Alam mo pa-fall ka. Varsity ka sa school natin, alam mong famous ka at alam mo na di mo tipo yung babaeng kagaya ko na simple lang sa lahat ng bagay. 

Kilala ko ang kagaya mo, hilig sa mga babaeng labas ang hita. 

Sarap mo kayang sapakin sa totoo lang. Bakit? Ang yabang-yabang mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon lahat ng babae magugustuhan ka. Isa pa para sa pagkakaalam mo hindi ka gwapo. Ang tunay na gwapo kasi may respeto sa babae. 

Humahalakhak ako sa tuwa ngayon, kahit sa totoo lang nabilog mo ang ulo ko pati ang puso ko na umasa na mahal mo rin ako.

Nakakainis. Nakakainis ka talaga! 

Nagkita tayo sa Canteen. Sabi sa akin ni Tricia na kaibigan ko sa room pinagtatawanan niyo raw ako. Malalakas kasi ang tama niyo sa ulo. Puro kayo yabang pero wala naman kayong alam. 

Ang kapal mo din sabihin sa akin na may gusto ako sayo 'no? Para sa kaalaman mo, hindi kita nagustuhan kung hindi ka nagparamdam. Ni hindi nga kita kilala kahit na Varsity ka sa school natin.  Isa pa, wala akong idea sa pangalan mo non. 

Oo siguro lahat ng babae gusto ka. Pero isa kang malaking duwag! Duwag ka kasi ang kaya mo lang labanan ang mga taong di ka kayang labanan.

Ang alam mo lang lahat ng bagay, lahat ng sitwasyon at lahat ng gusto mo makukuha mo. Pwes, nagkakamali ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon aayon sayo 

Isang araw nakita kita sa may likod ng building namin. May kinakausap ka na babae, pero kakaiba yung pag-uusap niyo. Ang lapit ng mukha mo sa mukha niya. Sa sobrang inis ko, ako yung bumato sayo ng bato. Pasensya na, kung natamaan ka at namaga ang paa mo. Naiinis kasi ako sa mga lalaking kagaya mo na pa-fall. 

No'ng nagkita tayo ulit sa Canteen, nagkatinginan tayo, wala akong pakialam kasi wala pa akong feelings sayo 'non. Nagulat na lang ako nung tumabi ka sa upuan namin ni Tricia at hiningi mo ang aking cellphone number. Lahat ng nakarinig ng sinabi mo nagtinginan sa atin. Para silang naiinis na nagagalit na naiinggit.

No'ng hindi ko naman ibinigay sayo yung number ko, wala sa akin ang cellphone ko. Hiniram ng Nanay ko dahil kailangan niya raw sa trabaho. Ayaw niya namang bumili dahil wala naman kaming pambili. 

Ngumiti ka sa akin at sabay sabing "ayos lang". Sabay alis at bumalik sa kinauupuan mo, nagtatawanan kayo ng mga kaibigan mo sa di ko malamang dahilan.

Si Tricia, todo ngiti sa akin. Akala niya nagkatotoo na yung binabasa niya sa pocket book na di man lang binanggit kung anong pamagat. 

Nakakatawa ka rin sa totoo lang. Hindi talaga ako magtataka kung bakit marami ang nahumaling sayo sa galing mo ba namang mambola? Sabagay basketball player  ka nga pala. 

Sa tuwing uwian sasamahan mo ako pauwi. Nagulantang ang nanay ko bakit may nag text sa akin ng "hi" na ikaw naman pala iyon. Kanino mo ba nakuha number ko? Astig ka talaga. Idol kita sa pagka ninja-moves mo.

Yung flowers na binigay mo sa akin sa room na siyang ikinilig ng lahat na ikinalaki ng mga mata ko. Wala akong masabi 'don. Sino bang hindi kikiligin pag binigyan ka ng flowers di ba? 

Gwapo. Matangkad. Halos lahat na ata ng physical aspect na sa iyo na. Artistahin ang dating mo kaya lahat ng panty nahuhulog sayo. 

Tinanong mo ko ng mismong araw na 'yon kung pwede mo ba akong ligawan. Wala akong maisagot kasi ayaw ko na. Parang malas ako sa pag-ibig. 

Lahat sila sinasabi na "sige na! minsan lang yan" 

"gwapo yan!"

"Yes naaaa! Hooo!"

Lahat sila "Yes" ang gustong marinig pero isa lang talaga ang nasa isip ko. "pag-iisipan ko"

Sana pala hindi ko na tinuloy yung pagtext ko sayo kinagabihan na pumapayag na ako. Na-brain-wash lang talaga ni Tricia ang utak ko. Nakakainis!

Lumipas ang isang buwan na wala kang text man lang o kahit ano. Sa kakaisip ko sayo, bigla na lang nag-appear yung name mo sa cellphone ko. 

Gusto mo kong kausapin bukas sa may fountain ng tayong dalawa lang. 

Dapat talaga hahayaan na kita kasi alam kong di ka seryoso na sa totoo naman talagang di ka seryoso. Ikaw pa? Ayaw ko sana mag-reply sayo 'non kaso naisip ko, bakit hindi ko subukang magmahal muli. Kaya napagdesisyunan ko na bukas sasagutin na kita. Hindi ko alam bakit ganon yung sinabi ko sayo sa isip ko. 

Naghihintay ka sa may fountain kinabukasan, ngumiti ka sa akin nung nakita mo ko sabay bigay ng tatlong rosas. Ngumiti lang din ako sayo. Ang gwapo mo pala talaga sa malapitan. 

Walang may gustong umimik sa ating dalawa. Magsasalita na sana ako ng bigla kang humingi ng "sorry" kasi naging-busy ka dahil may laban kayo sa Thailand. Ngumiti ka muli ng sinabi kong ayos lang. Naramdaman kong muli yung sabik ng aking puso. Siguro, hanggang ngayon naaalala mo 'yon. 

Yung mga oras na sinabi ko sayo na sasagutin na kita ngayon, na tumawa ka lang ng palihim at bigla ka na lang tumawa nang tumawa ng malakas. Nagtataka ako kung bakit ganon. Ano bang nangyari sayo?

Yun pala ang lakas lang nang trip mo! Bumigat muli yung puso ko ng sabihin mong nagbibiro ka lang at nagpustahan lang kayo ng mga kaibigan mo na kapag napasagot mo ko may sampung-libo ka. Naglabasan na rin pala yung mga kaibigan mo 'non ng tawa nang tawa.

Nadudurog muli ang puso ko. Habang pinipigil ko ang pag-iyak nilalayo ko yung kamay mo sa balikat ko. Gustong-gusto kitang sapakin pero 'di ko magawa. Naiinis ako sayo ng sobra.

Mas lalo na nung harap-harapan kayong nagbigayan ng pera. Isa pa sa nakakainis nang bigyan mo ako ng dalawang libo.

Nakakainis ka, kaya hindi mo ko masisisi kung bakit kita sinabihan ng masasakit na salita. 

Dapat nga hindi na kita susulatan kaso naisip ko, isa ka dapat sa importanteng mabigyan ko nito. 

Patawarin mo na lang ako kung sinabihan kita ng masasakit na salita. Alam kong hindi tama, pero galit ang nanguna sa akin. May mali rin naman ako, una ang hindi ko alamin ang tunay mong nararamdaman. Nadala lang ako sa mga "sweet words" mo na peke lang pala. 

Alam ko naaalala mo yung sinabihan kita na wala kang bayag ibig ko lang sabihin sayo na duwag ka talaga. Yung pagsabi ko na sana may babaeng titiis sa mga peke mong salita sinabi ko lang din 'yon dahil sana nga makahanap ka ng babaeng magtya-tyagang alagaan ka kahit pa kumaliwa ka sa kanya. Ang pagsabi ko sayo na sana maging panget ka para hindi ka na makasakit ng kapwa, ibig ko lang din sabihin sayo 'non na sana matuto ka na. At alam kong nagulat ka sa huli kong sinabi sayo pero ikinatuwa lang ng kaibigan mo,

Sana hindi na lang kita minahal, dahil sinayang mo lang yung pagkakataon na may magmamahal sayo ng tunay. 

Hindi ka umimik, pinakita ko talaga sayo yung mga mata kong punong-puno ng galit. At alam kong dama mo 'yon. 

Naglakad ako papalayo ng bigla mong tinawag ang pangalan ko at sinabi ng isa mong kaibigan na "wag mong sabihing nagui-guilty ka?". Kung sabagay, bakit mo pa ako tatawagin di ba?

Pero agad-agad kang humarap sa akin at sabay sabing "sorry". Wala akong ibang iniisip non kung hindi wala akong pakialam dahil manloloko ka. 

So, ngayon kung binabasa mo 'to pasensya ka na lang din. Pero lubos akong natutuwa nung isang araw nagsabi ka sa akin na dahil sayo natuto akong magseryoso. 

Sana ako na lang yung sineryoso mo, pero ayos lang ang mahalaga masaya ka na. 

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon