Letter K

51 3 6
                                    

Kurt,

Isang kang lalaking walang hinangad kung hindi ang sumikat. Nagkatotoo naman ang mga pangarap mo, sumikat ang banda niyong OMC.

Napakahusay mong umawit. Hindi lang sa pagtugtog pati na ang boses mong nakakaantig.

Tumutugtog kayo sa isang Resto sa may QC. Pinilit ako ni May (ang aking officemate) na pumunta dahil nagkayayaan ang lahat. Ayaw ko sana pumunta 'non pero yun pala ang araw na dadalhin muli ako sa magulo ngunit nakakabighaning pag-ibig.

Habang tumutugtog ka ng gitara, sabi mo "maraming pagkakataon ang nasasayang. Hindi naaamin ng iilan ang kanilang nararamdaman". Mas lalo akong bumilib sayo dahil sa sinabi mo.

Bago ka magsimulang kumanta humirit ka muna ulit, namimiss mo na muling magmahal. Lahat ng tao, nakatingin sayo. Lahat sila sobrang galak na galak na para bang dadamhin nila lahat ng sasabihin mo.

Alam mo bumulong sa akin si May sabi niya "Siya si Kurt, ang gwapo niya di ba? Kaso, lagi na siyang ganyan 'nong namatay ang girlfriend niya" Pagkatapos sabihin ni May lahat ng iyon tumahimik lang ako at tiningnan ka.

Dama ng bawat isa ang pighati na nararamdaman mo. Sabi ko sa sarili ko, pareho tayo. Pero kung matututo tayong maunawaan ang lahat ng nangyayari sa mundo malalaman natin na hindi lahat ng kwento ganoon na lang natatapos.

Sinimulan mo ang pagkanta. Pinilit mong hindi umiyak. Lahat ng tao sa lugar na iyon nakatingin lamang sa inyo. Walang may gustong bumasag ng katahimikan.

Pagkatapos mong kumanta lahat ng tao nagsitayuan. Napansin mo agad ako kung bakit ako hindi tumayo. Kaya tumayo agad ako at pumalakpak rin.

Nag-ingay muli ang lahat, tawanan, kwentuhan at marami pang iba.

Hanggang sa dumating na kailangan na naming umuwi. Napansin kita sa may parking area. Napansin agad ni Kuya James na may tinitingnan ako, buti na lang di ka niya napansin. Kaya wag kang mag-alala kasi hindi ko sinabi na naghahalikan kayo ng babae sa loob ng sasakyan.

Pero nakita ko kayo.. 
Klarong-klaro...

Habang nasa VAN kami ni Kuya James lahat sila nagtatawanan pero ako tahimik lang. Ang lalim ng iniisip. Iniisip kita sa mga oras na 'yon. Sabi ko sa sarili ko, may mga tao pa lang hindi na kayang hawakan ang kanilang nararamdaman.

Lahat ng tao nasasaktan pero iniisip ko bakit kailangan gumawa pa ng kamalian kung pwede naman palipasin na lang ang nakaraan.

Madaling sabihin pero kung gustong gawin, mangyayari.



Noong sinabi ko sayo 'yan. Galit na galit ka. Ikaw ang nagsabi sa akin na tulungan kitang bumangon sa buhay. Nakita mo sa akin yung dati mong minahal. Pero hindi ako 'yon. May pagkakaiba kaming dalawa at 'yan ang gusto kong ipunto sayo palagi.

Hindi ako mahilig pumorma. Hindi pang-model ang katawan ko. Pero pinagsisiksikan mo na dapat ganun ako.

Hindi kita binalak sagutin noong sinasabi mo na nakamove-on ka na talaga sa ex-girlfriend mo na namatay na. Alam ko ang pakiramdam na masaktan. Isa pa, lalaki ka. Ramdam na ramdam ko sayo na hindi mo pa siya nakakalimutan. At hindi na naman ako nagkamali.

Wala akong intensyon na sabihin sayo na pumapayag na ako. Wala akong alam na pupunta ka ng opisina at sasabihin mo na nag-text na ako sayo at pumapayag na.

Doon ko napagtanto na si May ang may gawa ng lahat. Hiniram niya ang cellphone ko at tinext ka niya.

Galit na galit ako 'non kay May. Personal kong buhay pinakekealaman. Ilang linggo ko siya hindi kinausap 'non. Kaya ng sinabi niya sayo, ikaw ang kumausap sa akin na patawarin ko na siya at kung gusto ko tapusin na lahat, tatapusin mo na. Pero hindi ako makaimik. Siguro, nasanay na naman ako na maramdam na pahahalagahan kaya hindi ko na naman magawa.

Sa tuwing pupunta ka ng opisina, nandoon ka para ipaalala sa akin na wala akong dapat ipag-alala.

Oo wala nga, pero sa tuwing nag-kikita tayo. Lagi mo kong sinasabihan na maging ganto maging ganyan.

Kaya nga minsan, sinadya kong iwan ka sa may cafeteria. Naiinis ako ng sobra sayo. Wala kahit isa ang nagkumpara sa akin sa ibang babae.
Oo maganda yung dati mong kasintahan. Wala akong panama, pero kung tanggap mo ko. Umpisa pa lang, tanggap muna ako.

May mga oras na tinetext kita at kinakamusta pero wala kang reply. Tinatawagam kita kaso di mo naman sinasagot. Sabi ko na nga ba, ako na naman magiging TANGA sa huli.

Napansin ako ni May na parang wala sa sarili. Kinausap niya ako, humingi siya ng patawad dahil sabi mo yun ang gawin niya. Alam mo natarayan ko siya. Sino ka ba para mag-utos na kailangang gawin ng isang tao?

Buti na lang naintindihan niya na mainit lang ang ulo ko kaya ganoon ako. Humingi rin ako ng tawad sa kanya, dahil ginusto ko rin naman ang lahat. Sana una pa lang pumayag na ako na itigil na.

Ninais ko lang naman na kausapin ka. Pero, hindi ko inaakalang may balak ka pala.

Hindi ako naiiyak dahil alam kong wala na tayo. Pero masakit sa puso ko ang lahat. Gusto kong ibalik yung dating Kurt na nakilala ng kasintahan mo at ng ibang tao. Yung Kurt na masiyahin at hindi umiiyak sa kahit anong sitwasyon.

Lumipas ang mga oras  at araw na di tayo nagkikita, nagkakamustahan. Minsan ka ng naitanong ng mga katrabaho ko. Pero sinabi ko na lang na "may mga bagay na kahit pilitin, hinding hindi magiging tugma sa paningin". Nagtaka sila, sobra silang nagtaka. Bakit parang kagaya na kita magsalita ngunit ngumiti na lang ako.

Kinausap ako ni May ng mga oras na 'yon. Alam ko hihingi ulit siya ng tawad. Kaya inunahan ko na siya. Sabi ko "ayos lang" Ano pa bang magagawa ko?.

Pero nakakatuwa ng sinabi niyang may aaminin siya sa akin..




Nagkita tayo bigla sa may Cafeteria malapit sa Building namin sa opisina.

Hindi ka makatingin sa akin, pero nilabanan ko ang aking sarili. Pinilit kong sabihin na "lahat ay may katapusan at ang pagmamahal niya kailanman ay di nagsimula"

Sa bawat tanong mo ang tangi ko lang magagawa ang sumagot at hindi na muling magtanong pa.

Naunawaan ko naman ang lahat. Lahat naman nawawala di ba?

May lumapit sa ating babae. Umupo sa tabi mo at nagpakilala. Siya raw si Angela.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni May. Nagpanggap lang palang patay ang kasintahan mo dahil sa wala na kayong oras sa isa't isa. Siya ang nagpaliwanah sa akin ng lahat. Hindi ka pa rin tumingin sa akin. Sa totoo lang, natawa talaga ako ng sobra sa kwento niya pero sa wakas tumingin ka rin sa akin. Ang dami niyong kalokohan. Ang dami niyong alam na pakulo sa buhay.

Wala akong masabi sa mga oras na 'yon. Para akong artista na ang galing magdrama sa lahat ng oras. Gusto sana kitang kausapin ng masinsinan kaya lang naisip ko nandyan na yung babaeng gusto mong gayahin ko, baka hanapan mo pa ako ng dahilan para gayahin ko siya ng buong-buo.

Nagpasalamat na lang ako sa inyo, maraming bagay na naman kasi akong naintindihan. Marami na naman akong natutuhan ngunit di ko maipagkakaila.. Gusto ko na lang matulog hanggang sa mawala ang lahat.

Dito ko na lang sasabihin ang lahat.
Wag mo na akong alalahanin.
Malakas ako. Hindi kita kagaya na magiging bago dahil nasaktan. Sana alam mo na lahat ng maaaring mangyari sa mundo.

Wag ka mag-alala. Minahal kita. Kaso tama na. Nakakapagod nang maging kagaya niya.

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon