Letter L

72 3 1
                                    

Leone,

Kilalang-kilala mo kami ni Tricia sa lahat ng bagay. Kung ano ang hilig namin, kung ano ang gusto namin bilhin o ano yung kadalasan namin pagkasunduan at di pagkakaunawaan.

Kaya lang hindi ko malaman ang dahilan ng lahat.

Transferee ka. May kasalanan ka kaya kahit sa ayaw o sa gusto mo lilipat at lilipat ka ng paaralan para lang makaiwas sa gulo. Kaya ngayon, naging kaklase mo kami ni Tricia.

Puppy Love daw maituturing ang magmahal sa murang edad. Labing-pitong taon?  Puppy na puppy talaga ang pagmamahal.

Syempre, mga bata pa tayo at para sa akin kung ano ang yung nararamdaman natin yun ang laging nasusunod.

Isa ka sa mga kaklase namin na palabiro, kwela, mahilig mam-bully at... Basta, alam mo na 'yon.

Alam mo bang alam ni Tricia na gusto kita? Five days kong sinabi sa sarili ko na wag akong assuming dahil alam ko di mo ako magugustuhan. Lagi kong tinatanim sa utak ko 'yan. Hindi pwede! Hindi talaga pwede.

Kaso, mapaglaro talaga ang tadhana. Nagkaroon tayo ng isang "game" sa isa sa mga subject natin. 

Alam kong tanda mo pa 'yon

Vice versa ang laro, tatanungin mo yung nasa kanan mo at tatanungin ka naman ng nasa kaliwa mo. Yung nasa unahan magtatanong sa dulo.

Wala lang talaga sa akin 'yon. Kasi sabi ko si Tricia lang nakakaalam ng kalokohan ko. Kaso, tinanong ako ni Joana. Akala ko kung ano lang. Pero, walang hiya..

 "Crush mo si Leone?". 

Kung napansin mo, namula talaga ako ng todo, nakatayo ako ng mga oras na 'yon. Iniisip ko, badtrip sino nagkwento sa hinayupak na 'to? Tiningnan ko si Tricia, humingi siya ng sorry sa akin. Wala akong magawa kung hindi umamin. Kaya nang sinabi kong "Oo" lahat nag-tilian pati na si Tricia, ikaw ngumiti ka lang sabay alis ng tingin sa akin. Kaya badtrip na badtrip ako ng araw na 'yon para bang pinagkaitan ako ng lakas ng loob. Bakit sa ganoong sitwasyon ko pa sinabi 'yon.

Hindi ko nakasabay si Tricia umuwi. Baka iniisip niya galit ako at sobrang naiinis sa ginawa niya. Pero wala akong naramdamang galit. Wala akong naramdamang inis sa kanya. Sa totoo nga lang gusto ko magpasalamat. Siguro 'yon ang pagkakataon para makaamin ako na may gusto ako sa taong mahal ko.



Kaso lahat nagbago.


Isang buwan ang lumipas binigyan mo ako ng sulat. Ang panget pa nga ng pagkakasulat mo, halatang minadali at ang papel na gamit mo parang gusot-gusot na. Para bang kinahig na ng manok. Sa kadahilanang gusto kong basahin agad binasa ko ng paulit-ulit. Tatlong beses hanggang sa natauhan akong gusto mong sabihin ang nararamdaman mo.

Kinabukasan 'non lumapit ka sa akin at talagang nahulog na naman ang puso ko na para bang nahulog sa sahig.

Kagaya ng pag-amin mo sa nararamdaman mo ganoon din kasakit ang lahat ng malaman kong ipagpapalit mo ko sa kaibigan ko.

Ilang buwan rin tayo naging malambing sa isa't isa. Akala ko nga noong una, hindi ka mapili pagdating sa babae pero nagkamali ako.

Hindi ko gustong mag-away tayo noong English subject natin. Nagkataon lang na di kita makausap dahil marami akong ginagawa. Akala ko naiintindihan mo ako, hindi pala.

Kinausap kita. Pero sinabi mo lang na sino ako para kausapin mo pa? Kung alam mo lang ang pakiramdam ko ng mga oras na 'yon. Kung alam mo lang na gusto kitang sapakin dahil sa sinabi mo.

Lagi kong iniisip kung bakit sa simpleng di pagkakaunawaan tayo di magkakaayos. Sobra ang saya ko 'non ng kahit papaano na bumalik tayo sa dating "tayo" kaya lang, may lamat na ang lahat.

Minsan nakikita ko kayo ni Tricia nag-uusap tawa nang tawa pero hindi ko pinapansin 'yon dahil alam kong magkaibigan kayo. Pero nang tinawag kita upang magtanong kung hindi ka pa uuwi bigla kayong sumimangot. 


Nakakaabala na pala ako sa "moment" niyo. 


Nang sinabi mong may gagawin pa kayo ni Tricia at hindi mo ko masasamahan, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Simula nang aminin kong may gusto ako sayo madalang na kaming magkausap ni Tricia.
Napansin ko pa nga na ako lagi ang nauunang makipag-usap. Hindi na rin kami sabay umuuwi dahil kayong dalawa na ang laging magkasabay.

Siguro naman alam mo na sinasabihan ako ng mga kaklase natin na gumising na sa katotohanan. 


Gising na gising ako sa katotohanan na niloloko niyo na akong dalawa. Pero sabi ng puso ko, maniwala ako sayo na ako ang babaeng lubos mong minahal.

Gabi-gabi akong umiiyak sa kwarto ko. Iniisip ko na bakit sa kaibigan ko pa. 

Bakit kay Tricia pa?

Ayaw ko rin masira ang aming pagkakaibigan. At ayaw ko rin naman masira kung ano ang relasyon natin.

Hindi pa tapos ang relasyon nating dalawa pero nakikita ko na may namamagitan na sa inyo. Na para bang hinihintay niyo na lang na ako, ako na ang susuko.

Pero hindi ako sumuko kahit na tatlong beses ka na nakipaghiwalay. Kahit sa text, personal at sa pagtawag mo sa telepono. Hindi ako pumayag. Pinanghahawakan ko ang sinabi mo na "kapag aayaw ka na wag na wag akong bibitiw". 

Ngunit alam kong mali na ang ginagawa ko.

Mayroon tayong group work. Kagrupo ko kayo. Kinakausap mo naman ako pero parang kaibigan lang ang lahat. Walang kasintahan na naganap. Mas madalas mo pa ngang kausap si Tricia kaysa sa akin. Pinipilit kong hindi umiyak pero hindi ko mapigilan. Kaya nang nag-Lunch break nagtanong si Joana sa akin kung ayos lang ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Niyakap ko si Joana. Humihingi siya ng tawad sa akin dahil alam niya ang lahat sa inyo. Sa kanya sinasabi ni Tricia lahat ng mga kalokohan niyo.

Ayaw kong pakinggan ang sasabihin ni Joana kaya minabuti kong kausapin siya pag-uwi natin sa group work.

Wala akong gustong sabihin habang sinasabi ni Joana ang lahat. Kagaya ng iniisip ko, tama nga ako na gusto mo ako ang tumapos ng lahat. 

Magiging kayo lang pag wala na tayo.

Hindi pa ba kayo? Sa pinapakita niyo pa lang halatang kayo na.

Nang kinausap mo ako kinaumagahan, alam mong mugto ang mata ko ngayon itatanong mo pa kung anong dahilan? Hindi ka rin tanga ano?

Hinahanap ko yung bago mong girlfriend. Kaya nagtaka ka, namutla. Hindi pa ba sapat na maging gising na ako? Na akala kong magkaibigan lang kayo, yun pala'y may mas hihigit pa 'don.

Paakyat na lahat sa klase natin ngunit ng makita nilang para akong lumalaban sayo ramdam kong sobra kang nahihiya.

May magagawa ba ako? Sobra-sobra ang inis ko sayo. Sa inyo.

Dumating si Tricia at may pagkagulat sa kanyang mga mata. Nang sinasabi niyang tama na, wag na ako mag-eskandalo? Eskandalo ba matatawag mo kung pinaprangka ko lang kayo?

Hindi mo ko masisisi kung inamin kong malalandi kayo. Lahat pa nga ng kaklase natin natawa sa inyo.

Totoo naman, malalandi kayo. Sa sobrang kalandian wala ng kapantay.

Sorry, pero hindi kita mapapatawad mas lalo na nang lokohin mo ang kaibigan ko dahil sa kalandian mong walang kapantay.

Isa rin pala yan sa kadahilan kaya ka umalis ng dati mong paaralan.


Isa kang malanding higad.



Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon