Letter H

92 3 1
                                    


Harry,

Harry Potter. Kung babasehan sa pagka-Nerd mo magiging kamukha muna talaga si Harry Potter. Hindi mo lang kapangalan kamukha mo pa.

Kamusta ka na Pot? Miss mo na ba ang pagtawag ko sayo ng Potpot? O hindi kaya namimiss mo na yung pagtawag ko sayo ng Harry ko. Korny ano? Lakas maka-korny. Pero anyway, ganoon naman talaga kapag nasa isang relasyon tayo. Kahit anong tawag pwede. Yoon kasi ang nickname na sinasabi ng puso. Kung baga that's the name of love. 

Lintek na pag-ibig na 'yan nakakasira ng ganda. Nakakasira ng buhay. Nakakasira ng pag-asa.

Wala akong maisulat sayo pero gusto kong magbigay ng mga opinyon ko. Isa ka sa mga lalaking pinatawad ko sa mga kasalanan na karaniwan nang nagaganap. Kung baga, love moves in mysterious ways. 

Lolokohin. Magsisinungaling. At marami pang iba.

Kung mayroong pagkakapareho sa ating dalawa? Yun ang maging isang dakilang tanga. Pwede na tayo magpatayo ng rebulto katabi ni Rizal sa Luneta Park.  

Ayaw ko sayangin ang pagkakaibigan nating dalawa noong una. Hindi rin ikaw yung tipo ng lalaking aantig sa puso ko. Matalino ka, mabait, simple lang pumorma pero hindi ka talaga yung tipong titilian ng sandamakmak na kababaihan. Iba kasi yung awra mo, para bang lagi kang nagtatago sa palda ng nanay mo. Oops! Sandali lang, hindi porket sinasabi ko to sa iyo para husgahan ka. Baka kasi paghinaan ka ng loob. Ang akin lang gawin mo 'tong motibasyon para maging matatag ka sa buhay. 

Kagaya ng pang-iwan mo at pagtapat mo sa akin kamakailan lang. At sa lahat ng lalaking iba-iba ang pamamaraan para iwan lang ako. Iba't ibang sakit ang binigay niyo para lang matuto ako sa mundong ito. Ayon nga kay John Dewey sa kanyang theory na Progressivism 'Learning by experience' 'ika nga. Mas natututo ang bata kapag nagawa niya ang isang sitwasyon gusto man niya o hindi.

Wag mong isipin na ganon kita tingnan kahit noong "akala" ko tayo talaga. Yun bang nagseryoso ka man lang kahit isang minuto. Para sa akin matapang kang lalaki. Hindi mo hinahayaan na makitang may nasasaktan dahil ikaw mismo nararamdaman mo kung paano masaktan ng sobra. 

Sa lahat ng mga sasabihin ko sa'yo ituring mo itong COMPLIMENTs. Wag mong akalain na ang mga sinasabi ko ay batay lang sa nakikita ko sa'yo kung hindi ito ang nararamdaman at ang pagkakakilala ko sayo.

Kapag nagkukwento ka sa akin ng mga panlalait ng mga kaibigan mo, kapitbahay o kahit sino damang-dama ko yung galit sa puso mo. Yung hatred na dapat hindi nararamdaman ng isang tao na kagaya mo lumalabas ng kusa. Natatawa nga ako sayo noon nang sinabi mong nagkagusto ka sa akin dahil tanggap kita. Bakit? Hindi ka ba pwedeng tanggapin? Tao ka kaya kailangan kang mahalin.

Wag mo kasing isipin ang ibang tao. Wag mong isipin yung sasabihin ng ibang tao sayo. Sino ba sila? Kilala ka ba nila? Kahit anong husga ang gawin nila, hinding hindi ka nila kilala.

Ngayon sasagutin ko yung tanong mo na "ano yung rason ko para magustuhan ka kung hindi naman ikaw yung tipo ng lalaki ko?" Simple lang. Once you felt inlove hindi mo mapapansin lahat sa taong minahal mo. Kaya nga minsan may mga taong "martir" na dahil kahit alam nilang wala na pinipili pa rin na meron pa. Yung negative and positive sa taong mahal mo, lahat 'yon kailangan mong tanggapin.

Kagaya nang pagtanggap ko sayo. Ilang lalaki na ang nagsabi sa akin na "mahal kita". May iilang nagpatunay kaso, hindi lahat umaabot sa happy ending na istorya. Hindi ko nga alam bakit ko ito sinasabi sayo. Sabagay, parehas tayo nang nararamdaman. Parehas tayong minsan sumubok sa relasyong aakalain natin maayos na. 

Alam mo madami na akong karanasan. Hindi lang karanasan pagdating masaktan. Ilang taon na ako, alam ko kung ano ang magpapasaya sa akin at alam ko ang dapat na para sa akin.

Wag na wag mong kalilimutan yung sinasabi ko sayo na taas noo. Maging proud ka sa sarili mo dahil IKAW yan. Ikaw na walang kapareha, may mithiin at may adhikain.

Habang nakatingin ako sa kawalan iniisip ko yung mga sandaling nagkakausap pa tayo ng mga pangarap natin sa buhay. Ang mga sandali na hindi natin napapansin ang oras kakasagot lang ng Takdang Aralin ni Gng. Perez.

Hindi ko alam rason mo bakit mo bigla na lang sinabi sa akin na "tapusin na natin 'to". Ikaw nagsimula at ikaw rin ang tumapos. Ngunit ilang araw ng pighati alam ko na kung bakit natapos ang isang kwento ng pag-ibig.

Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang maging isang 'panakip butas'. Nakita ko kasi yung picture mo kasama yung bestfriend mo na si Ally. Nabasa ko rin yung sulat sa likod ng larawan na kanyang ibinigay sayo. Hindi ko sinasadyang basahin, pero nandoon na ako sa kamalayaan na alamin ang katotohanan.

Habang binabasa ko ang liham niya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Nararamdaman ko ang paghingi niya ng tawad sayo. Kagaya ng pagluha mo sa akin nang sabihin mong wala na tayo.

Damang-dama ko ang bawat salitang binitawan at isinulat niya. Nakita ko nga pala ang larawan na iyon sa librong ipinahiram mo sa akin. Humahanap ako nang pagkakataon na sabihin sayo na nauunawaan ko ang lahat. Pero hanggang sa sulat na lang na ito ko maisasabi ang mga nais kong sabihin.

Alam natin na di natin maibabalik lahat nang magandang pagkakataon sa ating buhay. Darating at darating sa puntong iiyak, tatawa, sisimangot o kahit anong emosyon ang mararamdaman natin. Kasi nga nagmamahal tayo.

We need to move, so we need to accept everything in this world.

Ito ang tula na alay ko sayo.

Humalili ka sa mundong ginagalawan
Tingnan ang sandali ng kamalayan
Wag mong sambitin ang kaalaman
Patuloy kang umagos sa karangalan

Matuto ka na Harry. Wag mo nang iyakan ang babaeng di ka na kayang mahalin. Move forward. Let go.

Ako tingnan mo ko. Maghihintay muli akong mahalin kung may magmamahal pang muli.





Nagustuhan mo ba? Maaari ko bang malaman kung itutuloy ko pa?
- Katalina

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon