Letter Q

17 0 0
                                    

Quito

Hirap na hirap pa rin akong basahin ang pangalan mo, akala ko ang basa d'yan eh, "ku-to" pero klinaro mo agad na ang tunay na basa dyan ay ki-tow. 

Jusko naman, bakit kasi ganyan pangalan mo, ang hirap-hirap basahin.

Huwag mo sanang masamain ang pagbibigay ko sa'yo ng liham na 'to. Isa ka sa mga taong gusto kong bigyan dahil bigla ka na lang nawala sa Pilipinas at bigla-bigla ka namang babalik na para bang itinago mo lang ako, pagkatapos kukunin mo ulit kapag okay na.

Alam ko namang may pangarap ka. Alam ko din na gusto mong matapos ang pag-aaral mo. Alam ko rin na mas nauuna kong makamit ang pangarap ko kaysa sa'yo na nag-aaral pa lamang. Wala namang masama d'on eh, pero minsan napapatanong ako. Nabigyan ba kita ng takot sa sarili mo na baka di ka magtagumpay sa buhay?


Haaaaays. Di kita minamaliit kaya ako sumulat, gusto ko lang sabihin na natutuwa ako na natutupad mo na ang mga pangarap mo sa buhay kahit wala ako sa tabi mo.

Naalala ko noon, sinabi mo na, hindi mo matutupad ang kahit anumang pangarap mo kung wala ako sa tabi mo. Pero tingnan mo naman ang buhay mo isa ka na sa mga sikat na businessman sa Pilipinas.







Kung sakaling mabasa mo 'to, (sana mabasa mo) gusto kong itanong yung mga bumabagabag sa isip ko. Sobra. Sobrang dami kong gustong itanong sa'yo ngunit di ko alam paano simulan ang lahat ng ito.


Bakit di ka nagpaalam na aalis ka pala?


Bakit ka umamin sa akin na mahal mo ko at pagkatapos n'on lalayo ka na?


Bakit sinabi mo na isasama mo ko sa Japan? Ililibre mo lang ba ako don?


Bakit....






Bakit pagbalik mo may kasama ka ng iba?



Bakit....



Bakit pagbalik mo sasabihin mong natupad mo na lahat ng pangarap mo?



Bakit....



Bakit hindi mo man lang sinabing iiwan mo na ako at hanggang doon na lang ang meron tayo?


Gusto ko lang sanang ipaalala sa'yo bago yung araw na umalis ka papuntang Japan. Araw ng lunes, pinapunta mo ako sa tapat ng 7/11 malapit sa bahay namin. Kinausap mo ako at nilibre. Alam ko na alam mong gusto kita kahit di ko aminin sa'yo...



Pero klaro sa akin ang mga sinabi mong salita...

Letter A-ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon