Chapter 1

978 16 0
                                    


"Umayos ka ha, nako pag nabuking tayo ni Lolo patay tayo dun.. Di ko naman talaga balak sumali dyan sa mga ganan o kunin ka, emergency lang."

Tumigil siya sa pag lalakad at tumingin sakin."Eh, bakit mo pa ako kinuha? Edi sana walang nag bubunganga saken, tss."

"aba.." sabagay Naomi may point siya, pero grabe yung nagbubunganga ha..

Gusto niyo ba talaga malaman ang buong storya???

*Flashback*

"Sige papunta na ako." Dali dali akong pumunta kung saan naka-admit ang Lolo ko sa Hospital.

"Lo.. wag ngayon, iniwan na ako ni Mommy.. iiwan niyo na rin ba ako?" Luluha-luha kong sambit sa lolo ko kung saan naka-higa siya at maraming naka-kabit sa katawan niya. Tumayo ako sa pagkakaluhod at pumunta kay Manang Fe.

"Manang.. Ano po ba ang nangyari?"

"Iha, bigla nalang inatake sa puso ang Lolo mo.. buti na lang at naabutan ko siya agad.. malamang wala na siya kung di naagapan, at di ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun." Nag umpisa nang umiyak si Manang Fe.

"Manang wala po kayong kasalanan, di niyo po yun kasalanan." kino-comfortko lang si manang hanggang sa magpaalam si Manang para bisitahin ang bahay.

Magdamag kong hawak ang kamay ni Lolo at iniintay kong magising siya...

"N-Naomi.."

Taranta akong lumapit kay Lolo. "Lo.. buti po nagising na kayo, kamusta po kayo? may masakit po ba sainyo? sabihin niyo po lolo tatawag ako ng nurse"

"H-hindi na kailangan, mabuti naman ang pakiramdam ko. K-kaya lang may gusto sana akong hilingin."

"Sige po, ano po yon?" May pag aalinlangan kong tanong.

bigla akong kinabahan.

"Gusto ko sana na maging masaya ka.. patawarin mo ako apo pero kailangan kitang maipakasal sa iba bago pa man ako mawala, w-walang mag mamana ng mga maiiwan kong kompanya, di mo makakaya ang mga maiiwan kong kompanya, gusto ko rin sana na makita kang masaya apo..."

"Lo, ibig niyo po bang sabihin ipapa- fix marriage niyo po ako?"

"Pasensya kana.. Naomi yun lang ang magagawa ko" Bakas sa boses ni lolo ang panghihina.

"Lo? ipapamigay niyo na ba ako? paano po kung hindi siya magiging mabuting asawa, ayoko po lolo ayoko pong maiwan.."

"Naomi.."

"Lo ayoko po! ayoko sa arriange marriage diko naman po yun mahal e, kaya bakit ko papakasalan? tska..tska may boyfriend po ako! mahal na mahal ko po siya diko po siya kayang iwan."

"May boyfriend ka? A-apo bakit hindi mo sinabi saken? Simula ng maghiwalay kayo ni-"

"Lo, meron po akong boyfriend pasensya na po kayo diko po agad s-sinabi.. tsaka pwede po bang wag niyong banggitin ang pangalan ng lalaking yon?"

"Bakit hindi mo agad sinabi saken? Kailangan kong makilala siya Naomi, baka kung sino sino lang yan ha.."

"ahh, lolo magpahinga na po muna kayo bukas na po tayo mag-usap."
Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

shocks Naomi.. ano nanamamang katangahan yung sinabi mo? saan ka naman kukuha ng boyfriend?! bobo mo Naomi Aishhhh!

*kinabukasan*

"Naomi ano? Shopping tayo tara?"

"Sige, tutal depress ako ngayon e"

"ha? bakit naman?" Wala ako sa mood kausapin si Trish kaya diko nalang pinansin.

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now