Chapter 7

339 11 12
                                    

Dedicated to: HannahVillapando
Ito na yung kinukulit mo sakin hannah xD
Hope you like it :)

Naomi's POV

Simula nung araw na iyon ay hindi na ako nag paramdam sa kanya, pero eto siya ngayon tawag ng tawag, text ng text tinatanong kung galit ba ako kung busy ba ako, o kung abo man. Ang kulit niya kaya in-off ko nalang yung phone ko bahala siya sa buhay niya pagkatapos niya ako sabihan ng masasakit na salita. tsk. Manigas siya!

*tok- tok*

"Ma'am may tawag po kayo.."
Tawag? ahh.. baka si Kashmir yung friend ko.

bumaba ako ng hagdan para sagutin yung tawag.

'Hello?'

'Faith..' What the.. ibababa ko na sana yung telepono ng magsalita siya na wag ko itong ibaba.

'Ano ba ang kulit mo! bakit mo ba ako kinukulit? diba isa akong babaeng easy to get, pabebe at kung ano pa!?'

'I-I'm sorry..'

'Tss. Okay.'

'Faith please wag kana mag tampo, nabigla lang naman ako kaya ko nasabi sayo yun... please'

'Okay pag iisipan ko.'

'Okay, mag papakamatay na lang ako.'

'Haha, seriously?! para yun lang papakamatay kana!? sira ka pala e.'

'I'm dead serious Faith. At pag sinabi ko gagawin ko.'

'Omg! takot ko lang haha.'

'Okay fine.. I guess ito na ang huli mokong makakausap, hindi mo na ako makikita. Goodbye Faith. '

'No. you must be joking right? right Kyle?!'

'Tss. I'm dead serious Faith. Kaya kung gusto mo pa ako makita meet me at my bar nandito ako ngayon sa Bar.'

'Wait! wag kang aalis dyan papunta na ako!'

WHAT THE F!

*Bar*

Nasang lupalop naba siya???

"Ah excuse me, waiter!" tawag ko dun sa waiter.

"Yes po ma'am??"

"Asan ang boss niyo??" tanong ko sa waiter.

"Nasa VIP room po ma'am."

"Talaga, pwede mo ba akong samahan dun?" paki-usap ko dun sa waiter, malay ko ba kung asan yung VIP room na yun.

Pumunta kami sa Taas, kung saan andun ang VIP rooms.

"Kanina pa pong nag lalasing si Sir, di naman po namin mapigilan. Ma'am kayo na po ang bahala kay Sir." Paalam sakin ng waiter, marami pa ata siyang gagawin.

"Sige salamat."

Linapitan ko si Kyle. Tsk mukang lasing na to may tama na e. hay nakoo!!!

"Uy Kyle! buti naabutan kita. Akala ko magpapakamatay kana.."

"Di moko matiis haha!!" pang aasar niya saken. Ang baho niya amoy alak pweee.

"Kapal!! konsenya ko po kasi na baka ako yung sisihin sa pagkamatay mo! tss. Aalis na ako niloloko mo lang ako e!" akmang aalis na ako ng hawakan niya yung kamay ko.

"No. please stay.." yung titig niya nakaka hypnotize. Sa simpleng titig niya palang pwede nang mainlove sa kanya ang lahat ng mga babae, pero di ako kasali ibahin niya ako.

"Fine."

ilang oras na katahimikan bago siya magsalita.

"Galit ka *hik* pa saken? "*hik*

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now