Naomi's POV
Kanina pa akong gising anong oras na?! Gising parin ako.
Kaya napagdesisyunan kong kumuha ng maiinom sa baba.
Tiningnan ko yung sofa, ngunit wala si Kyle roon tss. pakielam ko naman dun. Pumunta na ako sa baba, nuuhaw na din ako pati hindi na rin makatulog. Pagdating ko sa baba walang tao kaya sinamantala ko na ang pag kuha ng makakain. Kinuha ko yung gatas at cookies at inumpisahan nang kainin.
"Ang takaw mo talaga." nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may nagsalita.
"KALABAW! Ay ano ba, ginulat mo naman ako Kyle!" singhal ko rito. Ngunit hindi niya ako pinansin bagkus dumiretso siya sa refrigerator upang kumuha ng beer.
"Bakit ginulat mo din naman ako a? tie lang." sabi niya sabay inom ng beer.
Ewan ko ba dito hindi ko talaga maintindihan ang ugali netoo
"Okay sorry na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya
"Eh ikaw bakit hindi ka pa natutulog??" tanong niya saken pabalik.
"Ahh, kasi hindi ako makatulog?"
"Same as you." walang gana niyang sabi.
"Ah, ganun ba? Kwentuhan nalang tayo!" naka-isip ako ng ideya, baka sakaling antukin kami.
"Pshh. Ikaw nalang." walang gana niyang sagot.
"Ay, Kj! bilis na hindi ako makatulog tapos hindi ka din makatulog kaya sa ayaw at sa gusto mo mag kwekwentuhan tayo." mabilis kong tugon sa kanya.
"Wala akong ikkwento." patuloy parin ang pag-ayaw niya mag kwento, pero sa huli napilitko rin.
"So, ilan kayo mag kakapatid?" seryoso akong nakikinig sa kanya, medyo dumadaldal na siya at mabuti na yon madami na kasi siyang nainom matapang siguro yung alak na iniinom niya.
"Tatlo kaming magkakapatid, Ako si Kuya at si bunso, Ang pangalan ni kuya, ay Akhiro Alexis De Vera at ang pangalan naman ng bunso ay si Kristalyn Abigail De Vera."
"Tatlo pala kayo, ipakilala mo naman ako sa Kuya mo. Siguro mas mabait yun sayo no?" sobra tuloy akong na cucurious dun sa pangalan at kung sino ang may-ari ng pangalan nun? Gwapo din kaya siya katulad ni Kyle?
"At bakit naman kita ipapakila sa kumag na yun?" nakataas kilay niyang sabi.
"Bakit? may masama ba kung i-meet ko yung family mo? tsaka may magseselos ba?"
Nakita kong natigilan siya nung sinabi ko yun sa kanya, see? tama naman ako.
"Kahit na ayoko parin. Malilintikan lang ako pag nalaman nilang may kalokohan nanaman akong ginawa."
On cue, biglang pumasok sa isip ko kung bakit ba siya pumasok sa mundo ng boyfriend for hire?
"Teka nga.. bakit ka ba nag t-trabaho bilang isang fake boyfriend ko, marami ka namang pera? Maliban sa trip niyo lang magkakaibigan.
A. pinalayas ng magulang
B. sawa na sa buhay
C. may pinagdadaanan Or
D. All of the above????""None of the above, you will know it soon but not now okay." Kita ko kung gaano ka seryoso ang mata niyang nakatingin sakin, makikita mo sa mga mata niya yung lungkot at..
"Okay sige, ako naman ang tanungin mo."
"Hindi ka pa ba inaantok??" bored na tanong niya saken.
"Hindi pa mamaya na, tanungin mo na ako bilis."
"Fine. Bakit ka hiniwalayan ng ex mo?"
"Alam mo pansin ko talaga lagi mo sakin kinukulit yung Ex ko!"
"Sige aakyat na ako ayaw mo namang sagutin yung tanong ko." aba, at siya pa talaga yung may gana magtampo?!
"Hindiiii sige naa ik-kwento ko na.. ito na wag kana magtampo bati tayo.. chill ka lang. Ehem. Ayoko talaga na binabalikan yung nakaraan pero kung gusto mo talaga ikwento ko, sige pag bibigyan kita. Dati isa lang akong simpleng mag aaral, gusto ko nang katahimikan ayoko ng may pumapansin sakin, pero nabago lahat yun nang manligaw siya saken, nung una—
"Anong pangalan niya??" curious niyang tanong.
"Pwede bang kahit pangalan i-secret ko na yun?" tumango lang siya bilang sagot, itinuloy ko na yung kwento.
"Nung una syempre binaliwala ko lang yun Sino ba naman ako para magkagusto siya saken, simple lang naman ako kung tutu-usin, hindi ako naniwala sakanya pero tinuloy niya yung panliligaw niya saken kahit hindi ko siya pinapansin. Dumaan yung buwan nanliligaw parin siya sakin nakikita ko naman sa kanya yung pagiging pursigido sa panliligaw niya saken, hiniling ko muna na kaibigan nalang muna, pumayag siya kahit labag sa kanya yun.. tapos habang tumatagal ayan na nga yung kinakatakot ko ang mahulog sa kanya. Lumipas ang ilang taon naging kami, nag bago ako para sakanya inayos ko yung sarili ko para sakanya. Naging masaya kami, pero iyon na pala ang huli ko siyang makikita.. biruin mo ilang taon ko siya bago ko siya sagutin Then.. BOOM! It was just a bet. pinagpustahan lang nila ako pinaglaruan niya ako yung feelings ko. Tumagal kami mga 5 months nakipaghiwalay ako nung mismong birthday ko. Kaya eto ako ngayon still.. kinakaya parin yung sakit na pinadama nita saken. About naman sayo, my Lolo is Dying gusto niya na sumaya ako sa iba kaya ipapa-arrange marriage niya ako , kaya naman gumawa ako ng paraan wag lang matuloy ang arrange marriage na yan, that's why I hire you as my Fake Boyfriend.
"Binago mo yung sarili mo para sakanya?" tanong niya saken.
"Ah, huh.."
"Alam mo, kung mahal ka talaga niya wala siyang pakialam kung ano man ang itsura mo, hindi mo kailangang baguhin yung itsura mo para mas lalo ka niyang mapansin, dahil kung ako sa kanya mamahalin parin kita kahit ano man yung itsura mo, dahil hindi kita minahal dahil lang sa itsura mo minahal kita kung ano ka man dahil nasa panloob na anyo nakikita kung ano ang kagandahan ng isang tao."
nakatulala lang ako habang sinasabi niya ang mga salitang yan. Si Kyle ba talaga ito? or naka-inom lang talaga siya kaya siya ganto?
"Kilig ka naman" *smirk*
"H-huh? ako n-nako at bakit naman ako kikiligin sayo a-aber?!"
"Alam mo, ang gago talaga ng Ex mo. Ikaw pinagpustahan kalang? Dapat niloko ka na lang e para mas intense!"
biro niya saken."Alam mo sa halip na kalimutan ko yung hinayupak na Ex ko na-alala ko lang siya e gawa mo! pina-alala mo pa kasi! nakakatulong ka talaga sa problema ko ee!!"
"Bakit tinutulungan ba kita?" pang-aasar niya pa lalo saken.
"Ewan ko sayo!" singhal ko rito.
"Ah, about you said earlier hindi ka mag-sisisi na ako ang nabunot mo as your Fake Boyfriend, I'm here to help you to ease your pain and to forget your Ex. Good night Faith." At muli na siyang naglaho sa paningin ko.
"Ang bipolar mo talaga Kyle.. Aishh!"
Imbis na isipin pa si Kyle Natulog na lang ako dahil inaantok na ako! Umaatake lang siguro ang pagiging bipolar nito.
****
Vote and comment
Advance Happy New year!!!

YOU ARE READING
My Boyfriend for Rent
Novela JuvenilSiya si Naomi isang babaeng.. Sawa na maging single, Lagi na lang siya napapaligiran ng mga sweet couple kasama ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay taken at in a relationship na, paano nga ba siya magkakaroon ng lalaki sa buha...