Chapter 9

250 5 0
                                    

Naomi's POV

"Kyle ano ba? sasama ka ba o hindi?" tanong ko kay Kyle.

"Next time na lang Naomi.. marami pa akong gagawin, sabihin mo nalang sa lolo mo na may gagawin pa ako.."

"Edi wag kung wag!"

NAKAKAINIS TALAGA SIYA! TO THE HIGHEST LEVELLLL! Ano? uunahin niya yung sa Bar niya kesa sa girlfriend niya? Este sa fake gf niya??? Ang unfair! wala akong kasama.. Hindi naman kami close ng mga pinsan ko actually meron naman kaya lang mga busy din so it means ako lang ang solo don!!

Yung Tita ko kasi ikakasal na, beach wedding ang ganap kaya naman excited na akoo pero nung nalaman ko na hindi pupunta ang mga close kong pinsan nawalan na ako ng gana, then naisip ko si Kyle! actually di naman pinipilit ni lolo si Kyle kasi alam ni lolo na busy siya ako lang talaga ang nag pupumilit. Then yun nga sinabi ko kay Kyle na may gantong ganap chuu chuu chuu... at sobrang naiinis ako ngayon dahil ayaw niya at hindi siya pwede dahil sa pesteng BAR NA YAN!

***
"Naomi aalis na yung van bumaba kana diyan!" Tawag sakin ni Auntie. Kapatid ni Daddy.

Ayoko naaa.. wala naman akong kasama. Mag dahilan nalang kaya ako na may sakit ako? OR may LBM akoo??? Aishh! nakakahiya sa kapatid ni Mommy! favorite na pamangkin pa naman niya ako. Hayss no choice na.

"Naomi!"

"Andyan na po tita!!.."

"Ano handa na ba lahat? Asan yung gown mo?" Tanong sakin ni auntie.

"Ah, Auntie dadalhin nalang po ng mananahi yon kasi hindi pa siya tapos e.." Paliwanag ko kay Auntie.

"Ah, hala pumasok kana sa Van, nako kahit kelan talaga oo.. late ka parin lagi Faith.."

"Hehe, sorry na po Auntie"  * peace*

"Hala sige iiwan na tayo pumunta kana sa Van may kukunin lang ako.."

*Van*

Chineck ko kung may text message, kung may call, may chat, viber... twitter.. insta?? Pero WALA

*Phone ringing*

"Hello Tita!"
"Ah Yes tita, ready na kami.. on the way na kami diyan.. yeahh see you in a bit bye."

"Sino yung kausap mo? Si Kyle ba??"
Tanong sakin ni Auntie. TSS. Sana nga tita si Kyle yon!

"Ahh, hindi Auntie si Tita Celine yun."

Minutes pass eto boring na boring sa biyahe.

*1 Notification (Twitter)*

KyleDLV: Having fun with my friends.

NAKAKAINIS! akala ko ba busy siya? PINILI niya ang barkada niya kesa sakin????? ARGH!

*Resort*

"Naomi.. Andito na tayo gumising kana diyan.."

Dumiretso ako sa room ko, nakakainis!! hanggang ngayon naiinis parin ako!

"Naomi, hindi ka ba mag lalangoy?? Mag bihis kana.."

Hayy.. pampqsira talaga ng araw yang si Kyle! idadaan ko nalang sa paglalangoy tch.

Nag bihis na ako ng swimsuit.. hindi naman siya gaanong revealing kasi one piece siya na swimsuit na kulay black kaya litaw na litaw ang kulay ko masyadong pumuti ako dito. Nag dala na rin ako ng sungglasses ko, ipinusod ko ang buhok ko dahil mainit.

Lumabas na ako ng room ko nag paiwan ako kay Auntie kasi napaka mainipin niya AS IN kaya pinauna ko na siya. Kaya eto ako ngayon MAG-ISA

Pumunta na lang ako sa Pool area.. very relaxing nawala ang problema ko At nawala rin sa isip ko si Kyle pampatanggal talaga ng stress ang pag sswimming..

Napag desisyunan kobg umorder dahil medyo nagugutom na ako, mahaba mahaba ding oras ang ginugol ko sa pag sswimming.

"Waiter one milkshake please.."

Habang nag iintay ako ng order biglang may lumapit sa akin na Lalaki. Oo gwapo siya matangkad, Maputi, may abs, PERO MUKANG MAYABANG. Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat mayabang!

"Hi Miss, Are you alone?"

"May nakikita ka ba na kasama ko?"

" *chuckles* You know your cute.."

"Sorry diko alam na aso na pala ako."

"Ah, Sorry.. gusto mo sumama sakin? tutal wala ka namang kasama rin."

"No thanks.. I can manage."

"Sure ka—

"Ano ba sinabing okay lang ako! okay lang talaga na mag isa ako! okay lang na hindi siya pumunta! Okay lang na mas inuna niya yung BAR NIYA KESA SAKIN! OKAY lang talaga.. okay lang."

"Wala palang kwenta yung boyfriend mo e pinagpalit ka sa trabaho, alam mo kung ako sayo hihiwalayan ko na yun at hahanap ng mas mag aalaga at ituturing kang prinsesa."

"Talaga? Sino ka naman para sabihin mo sakin yan? close ba tayo?"

"Wala.. nag aadvice lang baka makatulong ako..."

"Pwes! dika nakakatu—

"Baby.. Nawala lang ako kung sino-sino na kinakausap mo.."

Me:    0_______________0

*******

SORRY talaga, sana naintindihan niyo yung sitwasyon ng pagiging isang author, kailangan ko talagang ipasa ang mga exams ko.. kasi kung mas uunahin ko ito wala namang mangyayari e. Ginawa ko lang ito kasi trip ko kaya diko akalain na dadami ang mag babasa. KAYA THANK YOU SA PATULOY NA MAGBABASA NITO :*

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now