Dedicated to @doramei ayan na po! yun lang ayaw ma tag haha, enjoy reading! xD
Naomi's POV
Maaga akong nagising, third day na namin dito sa resort nakalipas na din ang araw kung saan todo iwas ako kay Kyle. Ewan ko ba kung bakit ko siya iniiwasan. Maya maya pa hindi ko napigilan na tumingin sa kanya at yun ang pinag sisisihan ko dahil nahuli niya akong nakatingin.
"Naomi maki join ka sa mga pinsan mo, sulitin mo na yung araw dahil aalis na din sila at matagal tagal mo din sila hindi ulit makikita." Utos sakin ng Lolo ko pagkatapos ay pumunta siya sa loob ng hotel dahil andun ang mga kumpare niya.
"Are you avoiding me?" Tanong saken ni Kyle, pero hindi ko sinagot bagkus ay tumayo ako at iniwasan siya. Basta diko feel siya kausapin e, paki niya ba.
"Are you mad at me? May nagawa ba ako?" Tanong niya muli ngunit binalewala ko parin ang presensya niya.
Pero hinabol niya parin ako.
"Naomi wait lang kinakausap kita!" sabi niya pero mas binilisan ko parin ang lakad ko.
Pero naabutan niya parin ako.
"Ano ba?! bitawan moko" Walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa kawalan.
"Bakit mo'ko iniiwasan? hindi kita maintindihan Naomi. Ano bang problema?" tanong niya sakin, tiningnan ko ang mga mata niya na halo halong emosyon ngayon ang nakikita.
"Wala lang." sambit ko sa kanya.
"Yun naman pala tara na?" Pag-aaya niya saken papunta sa loob ng hotel kung saan mayroong nagaganap na party doon.
"Kyle please no." mariing sambit ko sa kanya.
"Ano bang pinag sasasabi mo? Tara na hinahanap ka na dun Naomi." hinila niya ako pero tumigil ako.
"What's wrong??" tanong niya.
"Kyle please, gusto kong mapag isa." inalis ko yung hawak niya sa pulso ko.
"Huh?"
"Kyle hindi mo ba naiintindihan? Nagpapanggap lang tayo, pero bakit parang tinototoo mo?" galit na sambit ko sa kanya. Nang marinig niya yun parang nag iba ang expression niya.
"Ano bang pinag sasasabi mo Naomi? Nag aalala lang ako sayo, masama ba kung nag aalala ako sa girlfriend ko?" Pag eexplain niya sakin, pero hindi parin sapat ang sinabi niya, ayoko lang naman na masaktan siya.
"Fake girlfriend Kyle." mariin kong sambit sa kanya.
"Fine fake girlfriend." sabi naman niya.
"Kung pwede Kyle wag ka muna lalapit sakin, kung pwede kapag nasa tabi lang si Lolo tsaka tayo mag act? pwede ba yun?" paki-usap ko sa kanya
"Yes, but why?" Taka niyang tanong sakin, inirapan ako bago tumingin sa kanya.
"Umiiwas ako hanggat kaya ko dahil sa huli masasaktan lang ako tayo, ayoko na masaktan kita, ayoko rin na masaktan ang sarili ko kaya please for the sake of my Lolo not for our sake." Paliwanag ko sa kanya.
"Ah, okay. I'm sorry tinutulungan lang naman kita para makalimutan mo ang ex mo akala ko kasi makakatulong ako." magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na niya ako.
"I'm sorry, Kyle.. I'm sorry."
***
"Naomi punta ka dito gusto ka makita ng Ninang mo tsaka gusto niya din makita ang boyfriend mo" Utos sakin ni Lolo ko. Jusko saan ko naman hahanapin si Kyle? e pinalayo ko nga siya.
"Ah, ano Lolo kasi si Kyle hindi ko mahanap baka pwede next time ko—
"Lolo!" Boses ni Kyle yun.
"Kumare ito nga pala ang boyfriend ng apo ko. May ari siya ng Bar ng mga De Vera, siya din ang nag papatakbo ng mga Kumpanya ng Daddy niya kaya naman alam ko na mabibigyan niya ng magandang buhay ang apo ko" Bigla naman akong nasamid sa sinabi ng Lolo ko jusme hindi nga kami officially in a relationship tapos usapang kasal na agad? I can't!
"Ah, Lolo aalis na po ako emergency po kasi kailangan po ako sa trabaho."
Pag papaalam ni Kyle sa Lolo ko.Wag sana wag san—
"Naomi ihatid mo muna si Kyle papunta sa sasakyan niya" Wait lang ha pansin ko kay Lolo puro utos siya ngayon. tsk.
So yun nga nakasunod ako kay Kyle patungo sa sasakyan niya dahil utos yon ng Lolo ko dahil kung hindi naman ito sinabi ng Lolo ko ay wala naman talaga akong balak na gawin to psh.
"Goodbye.. Naomi" *grin*
"Wait lang Kyle ano kasi, Ahhmm. Wag ka mag alala dahil bago pa matapos ang contract sasabihin ko agad kay Lolo yung totoo, hindi ko papa abutin sa kasal itong kalokohang ito. Pramis." pagpapaliwanag ko sa sinabi ni Lolo kanina.
"Ah, I see.." pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar na ito.
Hayssss juskooo ano ba itong pinasok kong ka lokohannnn!!!!
****
Huhuhu Sorry ngayon lang ulit ako nakapag update dadalasan ko na pag uupdate ko hehe Vote and Comment Please be a fan po :)
YOU ARE READING
My Boyfriend for Rent
Fiksi RemajaSiya si Naomi isang babaeng.. Sawa na maging single, Lagi na lang siya napapaligiran ng mga sweet couple kasama ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay taken at in a relationship na, paano nga ba siya magkakaroon ng lalaki sa buha...