Dedication to: @Dorameii :') Thank you at binabasa mo to Sorry di kita ma tag or ma follow. Enjoy reading! :*
Naomi's POV
Seryoso, siya ba talaga to?? O nananaginip lang ako??
Sinampal sampal ko yung sarili ko baka nananaginip lang ako. Diba nananaginip lang ako?!
Hindi ko alam na hinihila na pala ako ng lalaking to.
"A-ano ba! bitawan mo nga ako!" bulyaw ko sa kanya.
"Tss." Binitawa niya ako at nagkakad ng diretso habang suot ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Psh edi siya na ang cool. MUKA NAMANG TIMANG
"Bakit mo ko iniwan?!"
"Hindi ba sinabi mo na bitawan kita? Edi binitawan kita. Kaya mo na maglakad diba?"
"Bakit ba ang sungit mo? Nakakainis ka alam mo yun?!" pinipilit ko pa rin siyang habulin.
"Tss. Ganyan pala ginagawa mo pag wala ako, nakikipag usap ka nalang basta sa lalaki." sinasabi niya habang nauuna parin siya mag lakad sakin
"Ano bang pinag sasasabi mo FYI na ngungulit lang siya, tinatanong niya ako kung gusto ko sumama.. pero tumanggi ako!" Pag eexplain ko sa kanya, pero di parin siya naniniwala sakin.
"Pero pinapansin mo parin.." Tumigil siya at tumingin sakin pero saglit lang at nag lakad siya ulit.
"Hindi nga.. oo na! wala kasi akong kausap" Pag eexplain ko parin sa kanya.
"Nawala lang ako kung sino sino na yung kausap mo.."
"Teka.. nag seselos ka ba??" Hindi siya makatingin sakin.
*Silence*
"Hindi. Bakit naman ako mag seselos?"
Dire-diretso na siyang nag lakad. Hayss! ang gulo niyaaaaaaaaa
"Wait Kyle!"
tumigil siya sa wakas..
"Bakit ka sumunod? Akala ko ba may AASIKASUHIN ka sa BAR MO?" Ngumisi muna siya saken bago sumagot. pshh.
"Isusurprise sana kita KAYA LANG nakita ko na MAY KAUSAP kang IBA." pag eexplain niya na parang bata. Psh.
"Ang sabihin mo na guguilty ka lang! Siguro kina usap ka ni lolo kaya ka napilitan! Diyan ka na nga.. WAG KANG SUSUNOD!" Sigaw ko sa kanya, then nag walk out na ako.
"Naomi!" Habol niya sakin. Err ano ba bingi ata siya e
Then the next thing I know hinila na niya pala yung braso ko. Aish.
"I-isuot mo nga to! lalamigin ka niyan sa suot mo e! tingnan mo naman yang suot mo halos makita na kaluluwa mo e!" Pag sesermon niya saken habang binibigay yung jacket niya saken.
"Che! wag na wag kang lalapit saken!"
untag ko sa kanya.****
Siya susunod? malabo! If I know napilitan lang siya na sumunod, si Lolo lang naman ang nakakapag pilit sa kanya e.
Dumaan ang ilang oras naka kulong lang ako sa kwarto. Ayoko lumabas. Ayoko makita pag mumuka nun.
*tok*tok*
"Naomi??"
*tok*tok*
"Naomi Apo, si Lolo to buksan mo ang pinto"
Si Lolo naman eee gusto kong mapag isa.
Edi no choice binuksan ko na yung pinto baka mawalan ako ng mana ng di oras, joke lab na lab ko si Lolo siya na lang yung meron ako hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala siya
"Naomi.. apo ko bakit hindi ka sumasama sa mga pinsan mo?" Tanong sakin ni Lolo.
"Lo.. masama po ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko kay Lolo, Ayaw ko talaga makita si Kyle.
"Siya sige.. basta kung maayos na ang pakiramdam mo bumaba ka at makipag bonding sa mga pinsan." Nag paalam na sakin si Lolo pagkatapos nun.
*kru-kru*kru-kru*
Ano ba yan! Wrong timming naman ang tiyan kooo bakit ngayon pa!?
***
Nag intay ako ng ilang oras para bumaba. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, mga tulugan na kasi yung mga tao dito.. shet bakit hindi ko man lang naisip na baka may mumu dito. Tip Toe parin ako habang nag lalakad. Nang maka rating na ako sa kitchen dali dali akong kumuha ng pagkain.
*Scretchhh*
OMY may nag bukas ng pinto, shet baka may mag nanakaw or worst multo. Binuhay ko yung flashlight at..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"BOOOO" gulat sakin ni Kyle."AAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!" sigaw ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAH!!" tawa niya habang hawak ang tiyan na.
"ANO BA! BAKIT KA BA NANG GUGULAT! NAKAKA INIS KA TALAGAAAA!!!" pinag hahampas ko siya ng flashlight at di pa ako kanunteto dun binato ko siya ng mga chips!
"HAHAHA! THAT WAS EPIC!" patuloy parin siya sa pagtawa at pang aasar sakin.
"Ano ba tigilan mo nga akoo!" binato ko sa kanya yung flashlight pero nakailag siya.
"Uy, masakit yan! paano kung tumama yan sakin ha? tss." Ayan po balik sa dati na siya serious mode nanaman siya.
"Che! diyan ka na nga! I hate you!" Sigaw ko sa kanya.
"Pffftt— wait sumama ka sakin Naomi." pigil niya sakin.
"Ano ba wag mo ko'ng mahawak hawakan!" untag ko.
"Sige ka may multo dito, diba tinapon mo yung flashlight? Sige ikaw rin.." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"W-wait sasama ako sayo, w-wag mo kong iwan.!"
Sinusundan ko lang siya hanggang mapunta kami sa garden.
"Pwede bang ihatid mo nalang ako sa kwarto ko, pleasee.." pag mamaka awa ko sa kanya.
"Ano ka ba wala namang multo e, kaya mo na yan mag isa" Sabi niya.
"Ihhh! Ikaw kasi tinatakot mo ko e!"
"Hayss. Oh?" Binigay niya sakin yung chip na pinag babato ko sa kanya.
"Anong gagawin ko diyan?" patay malisya kong tanong.
"Alam kong nagugutom kana, kumain ka. Ayan na gutom ka tuloy, kung ayaw mo ko makita edi sana pina alis mo na lang ako. tsk tsk.." sabi niya saken.
Pag katapos kong kumain inaya na niya ako, ihahatid niya daw ako sa tapat ng kwarto ko.
Nang nasa tapat na kami ng kwarto ko.
"Ahh, salamat sa paghatid.." sabi ko sa kanya.
"Sige, una na ako." paalam niya.
"Ah, Kyle.. ano sorry, sorry sa inasal ko kanina, pero kung napipilitan ka lang kay Lolo wag mo na lang siyang sundin kung ano.. kung busy ka talaga Okay lang naman sakin."
"Wala yun, tska hindi naman talaga Lolo mo yung nag sabi na sumunod ako sayo. Tska isa sa responsibility ko sayo ay ang bantayan at alagaan ka, kaya hindi ako mag sasawang umattend ng mga ganitong party basta kasama ka at basta ako lang ang kausap mo." Sabi niya sabay kindat sakin. Psh. pa cute.
"Goodnight Naomi" Ngumiti siya saken at hinalikan niya ako sa noo.
****
Ayoko. Ayoko. Ayokong mahulog, natuto na ako. Hindi ako dapat na dadala sa mga salita or sa mga ginagawa niyang ka sweetan. Hindi ako papayag na mahulog nanaman ako at masaktan. Natatakot ako..
*******
Vote and comment. Be a fan HAHA :)
YOU ARE READING
My Boyfriend for Rent
Teen FictionSiya si Naomi isang babaeng.. Sawa na maging single, Lagi na lang siya napapaligiran ng mga sweet couple kasama ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay taken at in a relationship na, paano nga ba siya magkakaroon ng lalaki sa buha...