Chapter 2

520 11 5
                                    

Naomi's POV

Nandito kami ngayon sa hospital kung saan naka admit ang lolo ko, ewan ko ba naman kasi kay lolo at atat na atat siyang makita si Kyle.

Binuksan ko na ang pintuan

"Lolo??" nakita ko si lolo naka tayo sa di kalayuan at tila may kausap.

"Ehem, Lolo??" pagtawag ko ng atensyon sa kanya.

"Oh, Naomi. Sige mamaya nalang ulit tayo mag usap."

"Pasensya kana Lolo naka abala po ba ako?" tanong ko.

"Hindi naman, ano bang pinunta mo dito apo?"

"Diba po..  ang sabi niyo ipapakilala ko po sainyo yung, ano yung boyfriend ko po"

"Ohh, ay oo nga pala.. pasensya kana medyo nagiging ulyanin na ang lolo mo, nasaan ba siya?" Tinawag ko si Kyle? Lucas? Kyle nalang.

"Ah, ehem.. Lolo Boyfriend ko po Si Kyle. Kyle si Lolo Alfredo"

"Nice meeting you po Sir Alfred" Magalang na bati ni Kyle kay Lolo.

"Nice meeting you din Hijo, Tara dito sa kusina nag pa order nga pala ako ng pagkain."

Nakikita ko na kinikilatis ni Lolo yung bawat galaw ni Kyle, katakot naman tong si Lolo e.

"Anong pinagkaka-abalahan mo ngayon hijo?" tanong ni Lolo kay Kyle

"Sa akin po ngayon pinamamana ang hacienda namin, meron din po akong Mina-manage na Bar dito sa Manila at nag bebenta po kami ng mamahaling alak dito sa Pilipinas." Kita ko sa mukha ni Lolo ang pag ka mangha niya kay Kyle.

"Ganoon ba, ilang taon na ba kayong magkasintahan ng Apo ko?"

"Ah, 2 years na po Sir.."

"Talaga? matindi din pala mag lihim ang apo ko, diko akalain na may boyfriend yan.. inaalagaan mo ba ng mabuti ang apo ko? Alam mo ba ang mga ayaw at gusto niyan? at kung saan allergy? baka saktan mo lang yang si Naomi."

"Ah, Opo gusto niya lagi ng mga chocolates, pati rin po mga junkfoods, pero di ko po masyadong ini- spoil si Naomi masama po sa kalusugan ang mga gusto niya, kaya po sabay kami niyang nag wowork-out. Allergy po siya sa shrimp namamantal ang mukha niya pati na ang ang buong katawan niya. About you ask Sir earlier, Hinding hindi ko po magagawa sa nag iisa niyong Prinsesa ang saktan at iwan siya. Mahal na mahal ko po itong babaeng ito kahit na may pag-ka childish at moody to. Hinding hindi po ako magsasawang mahalin siya."

SPELL NGANGA?! N-A-O-M-I
paanong...??

Aww, kinilig naman ako dun. No Hindi wala akong sinabi!

Maya-maya pa ay nag paalam si Lolo para kausapin ako.

"Ang galing mo pumili Naomi yan ang gusto ko sayo, ang bait ng boyfriend mo kumpara dati."

"Ahh, hehe.."

***

"Sige po lolo aalis na po kami may pupuntahan pa po kami eh, hehe.."

"Sige ingat kayo, Kyle. alagaan mo si Naomi."

"I will Sir.." nagmano na ako kay Lolo pati na rin si Kyle.

"Wait lang.." tumigil ako sa paglalakad

"Bakit?" May pag tataka naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Stalker ka no?! bakit mo alam lahat ng gusto ko pati allergy ko?" Nag hihysterical na ako sa tapat niya

"Excuse me Miss, Ako ang may ari ng Hacienda Luicito, Pati yung Bar na kung saan dun mo nakilala ang magaling mong Ex. and for your information sa amin ka nabili ng mga mahahaling alak."

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now