Chapter 4

427 15 1
                                    

Kyle's POV

Saktong 10:00 nang makarating kami sa Hacienda, sanay naman akong mag isang na byahe nakalimutan ko nga pala may kasama ako tch. Mukang mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko na siya ginising, binuhat ko lang siya papunta sa kwarto ko.

Ewan ko ba sa babaeng to kung bakit niya pa ako hinire bilang boyfriend niya, kahit sinong lalaki pwede niyang bingwitin sa ganda palang niya pila na lahat siguro sobrang taray nito? di siguro ngumingiti? snob?

Lumabas ako ng kwarto at nag pahanda na rin ng tanghalian, maya maya pa ay lumabas na si Faith ng kwarto ko.

"Gising kana pala, tara naghanda na si manang ng tanghalian ikaw na lang ang iniintay ko."

"Ah, sige."

****

Naomi's POV

Na-alimpungatan ako dahil sa konting araw sikat ng araw na tumama sa mukha ko.

Shet! nasan ako? nakatulog ako sa sasakyan ni Kyle tapos.. Omaygahd di kaya kinidnap niya ako, huhu di ko keri baka mamatay ako sa takot kesa sa pag kikidnap niya. Pero di naman bodega tong tinutulugan ko ang linis tskaa amoy lalaki yung kwarto tanga ko talaga napaka daming nalalaman kapapanood ng mga action movie.

Dali-dali akong nagayos at lumabas ng kwarto.

"Gising kana pala, tara naghanda si manang ng tanghalian ikaw nalang ang iniintay ko."

diko alam pero parang.. Ay ewan ko ba nahihibang lang siguro ako.

"Ah, sige."

Pwede na ako mabingi sa katahimikan promise ang naririnig ko lang yung tunog ng kutsara at tinidor.

"Ehem. May pupuntahan ba tayo?"
Pambasag ko ng katahimikan.

"Ah, oo mamaya."

"Ahh.." Awkward.

"Teka, asan si Manang bakit di siya nasabay satin? andaming pagkain o? mauubos ba natin yan?"

"Ha? Gusto mo makasavay si Manang??"

"Oo naman ano ka ba, kahit gano kapa kayaman o madaming kwarta kailangan nana-naig patin yung kabutihan ng puso mo."

"Oo na daming pang satsat, d-di lang talaga ako sanay kasi kung sa ibang babae ayaw na ayaw nila na may kasabay kumbaga tinuturing nila na mababang uri lang ang mga katulong."

"Pwes. Ibahin moko sa kanila. Ano bang akala mo sakin? Maarte?"

"Ah.."

"Wag mo na sagutin yung tanong ko totoo naman e." Tapos na akong kumain at tinulungan ko na din magligpit si manang ng kinainan. Habang nag huhugas bigla nalang nag salita si Kyle.

"Oo maarte ka, pero sa ibang bagay. Tss. halika na nga pabayaan mo na muna si manang diyan dami pa kasing arte e." Hinawakan niya ako sa kamay, at hinila.

"Ano ba! bitawan mo nga ako kaya kong maglakad may paa ako."

Galit ba ako? Diba hindi naman?!

"Okay sorry na. Ano bang pwede kong gawin para naman mabawasan yung inis mo sakin??"

"Talaga?? gagawin mo kahit ano?"

"Oo kahit ano." ano nga ba? hmm..

"Okay alam ko na *smirk* babahin mo ko hanggang makapunta tayo sa pupuntahan natin"

"Are you nuts?! ang layo nun e."

" *pout* Akala ko ba gagawin mo lahat para mawala yung inis ko sayo? sige na nga wag na lang."

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now