Chapter 13.2

233 5 0
                                    

Naomi's POV

"Ano ba yan ang bagal" reklamo ko kaya binilisan niya ang paglilinis. Sa pag mamadali niya nahulog siya sa pool "Ano ba yan ang bagal na nga ang lampa pa" pag paparinig ko sa kanya.

umahon naman siya at inayos ang sarili "Pakilinis ng sasakyan may pupuntahan tayo bukas" pag papa-alala ko sa kanya.

*dinner*

"Hmmm ang sarap naman ng luto niyo manang" puna ko sa luto ni Manang, amoy palang mukang masarap na.

"Ah, Naomi hindi ako ang nag luto ng hapunan si Kyle ang nagluto" sabi naman ni Manang.

magaling nga pala magluto ang mokong "Ah manang hindi ako kakain busog nga pala ako" pinigilan naman ako ni Manang.

"Nagpasama pa si Kyle sakin sa palengke, bilib nga ako sa batang 'yon anak mayaman pero walang arte sa katawan, alam mo ba Naomi sa kamamadali niya nataga siya ng kutsilyo, ayaw niya kasi na malipasan ka raw ng gutom." pagkkwento sakin ni Manang. Psh masyado siyang OA.

"Sige po manang aakyat na po ako sa taas." pagpapa-alam ko kay manang.
Nakokonsensya ba ako? hindi!

*Kinabukasan*

Tinawagan ko na si Kash, nagseselfie pa ata jusq "Kash nasan kana ba?" irita kong tanong, naiirita kasi ako kay Kyle.

"Kasi may sumamang asungot!" irita niya ding sabi, bigla ko namang narinig sa kabilang linya si Jairus "Gwapo ko namang asungot be" nagsalita naman si Kash. "Che! ewan ko sayo asan ba kasi ang kotse mo at sa akin ka pa sumabay?"

sumagot naman si Jairus "Na flat ayaw gumana nasira" kinausap naman ako ni Kash "Hays talk to you later were on our way na bye." frustrated niya sabi. Natatawa na lang ako sa kanilang dalwa, pakipot pa kasi si Kash.

"Were here!" sigaw ni Kash pagkapasok niya sa bahay nakakairita ang tinis pa naman ng boses.

napansin naman ni Kash si Kyle "Oh? bakit nandito ang boyfriend mo, okay na ba kayo?" tanong sakin ni Kash, inirapan ko naman siya. "Slave ko yan, basta ayoko mag kwento long story let's go na kanina pa ako dito ghad! nag selfie ka pa no?"

"Ano ka ba syempre para remembrance hihi" pagpapalusot sakin ni Kash.

"Teka may sasakyan ako, tsaka may kasama akong asungot paano ka?" tanong sakin ni Kash.

"Kaya nga may slave ako e" nakangiti ko namang sagot

*Mall*

Kararating lang namin sa Mall, at may naisip nanaman akong idea. *Evil Grin*

"Ah, Kashmhir madami akong bibilhin ngayon samahan mo ako ha?" paki-usap ko kay Kash na busy na busy sa pag seselfie with Jairus. Close sila ngayon ewan ko kung bakit tanong niyo nalang.

"Ah, sige ba go ako diyan. Wait Jairus isa pa blurred yung isa e" pag pigil naman ni Kash kay Jai na paalis na.

"Ano ba naman Be 100 shots na yan" reklamo naman ni Jai kay Kashmhir.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Kash "So ayaw mo? Sige di kita sasagutin diyan!" pagnanakot ni Kash kay Jai, isip bata kahit kelan.

"Asan phone mo akina ikaw naman hindi mabiro ako na mag hahawak say cheeeseee" takot nalang ni Jairus na hindi siya sagutin ni Kash, saludo ako sa mga lalaking under haha.

nabored na ako kaya nag aya ako na mamili "Kash mamili na tayo excited na ako" Its showtime *evil grin*

Namili na ako, nilibot ko ang buong mall almost 20 na paper bags ang na kay Kyle ngayon. Masama ba ako? Well he deserves that.

bigla naman lumapit sa akin si Kash "Uy bes hindi ka ba na aawa kay Kyle?" tanong sakin ni Kash.

iniba ko naman yung topic "Nagugutom kana ba Bes? tara kain tayo" aya ko sa kanila ni Jairus.

Nasa kalagitnaan ng paghahanap namin ng Kainan ng malaglag ang ilang paperbags "Oh? kaya mo pa ba? kung suko kana okay lang naman madali akong kausap." tanong ko kay Kyle habang pinupulot niya ang ilang paper bags.

tumingin naman siya sakin at ang smirk "Kelan man hindi ako sumusuko." nginitian ko naman siya ng matamis "Okay."

Nakahanap naman kami ng makakainan sa chineese food restaurant. As far as I know allergy siya sa Shrimp. Goodluck nalang Kyle.

Iniintay na namin yung katabi ko si Kyle ngayon, mukang pagod na pagod siya sa dinala niya kanina.

"Gusto mo ba talaga na patawarin kita?" bulong ko sa kanya na sapat lang para marinig niya.

"How?" seryoso naman niyang tanong

"Here's your order Ma'am Sir enjoy."

tiningnan ko yung order "Kainin mo yung shrimp" utos ko.

Kinain naman niya agad yun. Natapos na ang pag kain namin pumunta na kami sa parking at dumiretso na pauwi na bahay nag paalam na din sakin sina Kash at Jairus through phone.

Tahimik lang na nag drive si Kyle hanggang makadating kami sa bahay.

"Paki lagay nalang sa kwarto ko" pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya.

Maya-maya pa ay pumasok na siya sa kwarto ko at inilagay ang mga pinamili doon. Narinig ko na lumalakas ang pag hinga niya parang hindi siya makahinga.

"Kyle okay ka lang ba?" tanong ko pero hindi siya sumasagot kaya linapitan ko na siya.

bigla nalang natumba si Kyle "Kyle! manang tulong! manang!"

****

Please vote and comment :)

My Boyfriend for RentWhere stories live. Discover now