Nakalipas na ang isang araw mula nung nangyari kay Kyle. Ako ang nag babantay sa kanya ngayon, pauwi na si Lolo at tiyak na malalagot ako dahil kinausap niya sina Kash at Jai. Pero mabuti na rin yon ang mahalaga ligtas si Kyle.
Pinag masdan ko si Kyle, nakaka awa siya puro pantal ang mukha at mga braso. May naka kabit din sakanyang swero. Paano pag nagising siya? Anong mukha ang ihaharap ko? Nakakahiya.
biglang may nag bukas ng pinto "Naomi I'm sorry, alam mo naman ang Lolo mo nakakatakot pag galit." bakas sa mukha ng bestfriend ko ang lungkot, wala naman akong dapat ikagalit dahil kasalanan ko kung bakit nandito sa Hospital si Kyle.
nginitian ko siya bago sumagot "Okay lang yun Kash, ako ang may kasalanan at hindi ikaw, ano ka ba" ngitian naman niya ako, pagkatapos ay tiningnan niya si Kyle.
"Nakaka awa yung boyfriend mo bes tingnan mo nilagyan mo ng pantal ang angelic face niya" Pagpapatawa naman ni Kash, kahit papaano nababawasanang lungkot ko dahil may dumadamay sa akin.
"Baliw, nasan nga pala si Jairus?" pag iiba ko naman ng topic.
"Nandun sa canteen ibibili niya daw ako ng makakain." sagot naman ni Kash habang nakatingin parin kay Kyle.
"Mukang pursigido talaga si Jairus sayo Kash, bakit hindi mo bigyan ng chance?" tanong ko naman sa kanya, napansin ko kasi na nababawasan na ang panlalalaki ni Kashmhir.
"Ha? hindi ko na alam Naomi, naguguluhan parin ako." bakas sa mukha niya ang lungkot, siguro sariwa parin sa kanya yung mga nagawang kasalanan ni Jairus sa kanya.
Maya-maya pa ay dumating na si Jairus na may dalang pag kain, binilhan niya rin ako dahil alam niya na hindi pa ako kumakain. Wala parin palang pinag bago ang dalwa nag aaway parin.
"Bakit mo kinain hotdog ko?" reklamo naman ni Jairus kay Kashmhir.
"Kulang pa yung binili mo, alam mo naman na gutom ako bakit isa lang binili mo sakin?" utas naman ni Kash, habang nilalantakan yung noodles.
"Kahit na, ang takaw mo talaga sa hotdog! Pati hotdog ko kinain mo!" para namang batang nag tantrums si Jairus.
"Sa susunod kasi damihan mo yung bili tsk!" sigaw naman ni Kash.
napa facepalm nalang ako " HEPP! please wag dito, natutulog si Kyle baka magising siya" pag aawat ko sa kanila, tiningnan ko naman si Kyle na mapayapang natutulog parin.
Maya-maya pa ay napag desisyunan naman naming manuod ng TV. So sino nga ulit kasama ko? Nag aaway nanaman sila.
"Sa channel ten nga sabi e!" pagpupumilit ni Kash kay Jai. Inilipat kasi ni Jairus sa channel sixteen.
"Ano bang sine? Puro chukchakan naman pinapanuod mo" pag dadahilan naman ni Jairus. Hindi naman talaga chukchenes ang pinapanuod ni Kash dahil gusto lang talaga ni Jai makapanuod.
"Excuse me?" inis na sagot ni Kash.
Nakatutok lang naman si Jai na nunuod sa TV " Ano ba ang lawak lawak ng daan oh! kahit mag pagulong gulong ka pa!" iritan naman na sagot ni Jai. Ayaw na ayaw niya talaga na naabala siya pag mag ginagawa siya.
"Excuse me! hindi ako dadaan, ano sinasabi mong chukchanak? Duh! Hindi ako nanunuod ng mga horror!"
Natatawa naman ako kay Kash.inis naman na tiningnan ni Jai si Kash "Ang sabi ko chukchakan! hindi chukchanak! tss." untag naman ni Jairus.
"Eww! baka kayong mga lalaki!" nandidiring pahayag ni Kashmhir na ikinasura naman lalo ni Jairus.
"Hindi ka pa ba sanay? Araw araw na naman nating ginagawa yun sus!" pang iinis naman ni Jairus na ikinapula ni Kashmhir.
"What the! mangilabot ka nga sa sinasabi mo! never as in never! ikaw magagawa mo yun? bakla ka nga e" natatawa namang tukso ni Kashmhir na mas lalong ikinapula ni Jairus, hindi sa kilig kundi sa galit.
"Ako bakla? HA! gusto mo patunayan ko?" bigla namang lumabas ang pilyong ngiti ni Jairus na siya namang ikinakaba ni Kashmhir.
"Pero gagawin ko yun kapag kasal na tayo." bumalik naman si Jairus sa panonood ng TV. Si Kash naman ay nakatingin lang kay Jairus habang na ngingilid ang luha.
Nanahimik ang paligid simula nung sinabi ni Jairus iyon. Heto ako ngayon at binabantayan si Kyle. Pinapahid ko sa mga pantal niya ang bigay na gamot sakin ng Doktor para gumaling na agad si Kyle. Ang sabi ng Doktor sa akin ay mabuti nalang at na agapan siya na dalhin agad sa hospital dahil maaaring ikamatay niya ang paninikip ng dibdib.
habang abala ako sa pag lalagay ng gamot sa mukha ni Kyle hindi ko na malayan na nasa likod ko na pala si Kashmhir "Bes aalis na kami may pupuntahan pa si Jairus." pag papa alam ni Kash sakin.
sunod namang nag pa alam si Jairus "Naomi uuna na kami bibisitahin nalang ulit namin si Kyle bukas" paalam naman ni Jairus.
Ngumiti naman ako sa kanila "Sige mag-ingat kayo ha, salamat sa pag punta." paalam ko naman.
"Hoy! gumising kana nga diyan, isang araw ka nang tulog ang panget mo na! Sige ka pag dika pa gumising hahalikan kita" pananakot ko sa tulog na si Kyle.
bigla naman siyang gumalaw at mumulat "Kaya mo?" lumabas ang mapang asar niyang ngiti na ikinapula ng mukha ko.
"G-gising ka?" namumutla kong tanong.
"Actually kanina pa simula nung nag bangayan sina Kashmhir." pahayag ni habang pinipilit niya bumangon sa pag kakahiga.
"A-ahhh.. ganun ba."
"Ang sabi mo i-kikiss mo ko? Kaya mo?" binalik naman niya yung topic kaya umiwas ako ng tingin
"Ah, ano gusto mo ba kumain teka lang ipaghahanda kita." tatayo na sana ako pero na higit niya ang braso ko.
Nagkatitigan kami ng sandaling iyon pero naputol iyon nang dumating ang Lolo ko.
"Naomi, ano naman ang pumasok sa isip mo at pinakain mo si Kyle ng makakasama sa kanya!" sigaw ni Lolo na ikinagulat ko, hindi ako maka imik kinakabahan ako at na ngangatal.
"A-ah, ano so-sorry po Lolo.." mahina kong sambit.
"Alam mo bang muntik mo nang mapatay si Kyle?!" tila para akong nabibingi sa lahat ng sinabi ni Lolo.
"Alam mo kung may problema ka wag mong idadamay ang mga nakapaligid sayo, ganyan ka ba talaga Naomi? Kung may problema kayo wag mong paabutin sa ganitong sitwasyon! Para kang bata isang pagkakamali lang hindi mo pa magawang patawarin" sambit naman ni Lolo na lalong nag pahina ng tuhod ko.
"I-i'm sorry.." nag walk-out na ako hindi dahil galit ako kundi dahil sa labis akong nasasaktan sa bawat salitang binibintawan ni Lolo
Magpatawad? nagawa ko na noon pa..
Dahil sa sobrang stress ko tinawagan ko si Kashmhir.
"Kash? pwede mo ba akong damayan? Dating gawi?" tanong ko sa kanysa sa kabilang linya.
"Hindi ka pa ba nakaka move on? na alala mo nanaman siya?" tanong niya sa akin na mas lalong nag patulo ng luha ko.
Hindi pa..
***
Vote and comment guys :)
YOU ARE READING
My Boyfriend for Rent
Novela JuvenilSiya si Naomi isang babaeng.. Sawa na maging single, Lagi na lang siya napapaligiran ng mga sweet couple kasama ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay taken at in a relationship na, paano nga ba siya magkakaroon ng lalaki sa buha...