Naomi's POV
Ilang buwan na
ang lumipas matapos ang sagutan namin ni Kyle. Tatapusin ko lang ang limang buwan pang natitira malaya na siya pwede na niyang gawin lahat ng gusto niya.Binuksan ako ang Facebook account ko maraming notifications random messages, puro selfie ni Kash sa newsfeed ko hayss The selfie Queen.
Scroll lang ako ng scroll then Kyle's status caught my attention
I'm sorry I didn't mean to hurt you.
Sorry? nasaktan na niya ako, at hindi sorry ang magpapagaan ng loob ko.nasakalagitnaan ako ng pag dadrama ng tumawag si Kash. "Hello?"
parang alam ko na kung bakit tumawag 'to "Omyghad bes! nakita mo ba yung status ni Kyle? Bes nag sorry siya. Andami ngang assumera mga nagsasabi na 'pinapatawad na kita babe' like the eff! nakaka init ng dugo" Maarte niyang sabi sa akin
napangiti na lang ako naiimagine ko ang itsura niya ngayon. "Pabayaan mo na sila, kung sincere talaga siya sa pag sosorry niya sa akin hindi ko siya papatawarin through facebook, ang jeje nun bes." diring diri kong pahayag.
"First time niya kaya mag status! like duh bes ikaw ang tinutukoy niya sa status mo gagi!" tinawanan niya pa ako.
"Wala akong pakielam kung first time niya mag post ng status!" naiirita kong saad.
tumatawa lang siya sa kabilang linya "Ano tapos mo na ba akong tawanan?"
"Alam mo bes, pupuntahan kita diyan ibibili kita ng icecream anong gusto mong flavor?" pag iiba niya ng topic."Ikaw na bahala basta chocolate, thank you talaga bes dahil hindi mo ako pinababayaan."
"Sus wala yun ano ka ba kapatid na ang turing natin sa isa't isa. Sige na I'll hang up byee!"
Nag log out na ako sa facebook, minsan lang naman akong mag facebook. Sa instagram lang ako active.
Pumunta ako sa kwarto ko para mag relax nag basa ako ng mga libro, tiningnan ko yung mga picture ko nung bata I miss daddy so much. Namatay siya sa airplane crash sa mismong birthday ko. Nakita ko yung picture ni Mommy pinunit ko iyon at itinapon ko iyon sa basurahan. I"ll never accept her as my Mom, iniwan niya na ako nung baby palang ako. Seventh birthday ko nung namatay si Daddy. Nakipag break naman sakin yung ex ko nung 17 birthday ko.
Umupo ako sa kama at kinuha sa side table ko yung picture ng Ex ko.
I miss you so much Bry..habang yakap-yakap ko yung picture niya bigla namang tumawag si Manang "Ma'am may bisita po kayo" agad naman akong nag ayos at nagpunas ng luha ng sagutin ko si manang "Sige po susunod na ako Manang salamat po"
pag dating ko sa baba "Ikaw? anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Kyle.
binigay niya sakin ang chocolates at flowers "I'm sorry Naomi" tinaasan ko naman siya ng kilay "Pwede bang pabayaan mo muna ako? masyadong masakit yung ginawa mo sakin Kyle." paliwanag ko naman sa kanya.
binigay sakin ni manang ang telepono "Naomi hanap ka ni Kashmhir." tinanggap ko naman yung tawag ni Kash. "Hello? akala ko ba pupunta ka rito?" tanong ko sakanya.
"Sorry bes something came up, I promise on Sunday mag bobonding tayo libre ko" pag-aaya naman niya sakin.
"Okay fine basta libre mo game ako diyan" Pag sang-ayon ko naman. "Really? Thank you talaga bes ha? Sige I'll hang up bye! see you on Sunday mwahhh" napapa-iling na lang ako sa bestfriend ko "Okay bye Kash!"
"Ehem.. Ehem." pag kuha naman ng atensyon ni Kyle sakin
umirap ako sa kawalan bago siya harapin "Oh? ano pang ginagawa mo diba sabi ko pabayaan mo muna ako?"
"Sorry? I can't leave you like this. Dito muna ako sa ayaw at sa gusto mo, habang nasa ibang bansa ang Lolo mo. Manang pakilagay nalang dito yung maleta, thank you po" sabay ngiti niya saken na mapang-asar umirap nalang ako sa kanya.
Nag walk out ako at pumunta sa sala para mag basa ng magazine, bigla naman siyang umepal "Saan nga pala kwarto ko?" tanong niya.
ibinaba ko ang binabasa kong magazine "Can you please get out of my sight?" irita kong tanong sa kanya.
bigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti "Okay? pero saan nga?"
hindi na ako nakapag pigil at binato ko na sakanya ang magazine pero nakailag siya "Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit?" sigaw ko sa kanya pero tawa lang siya ng tawa.
Nakaka-asar talaga siya!
Pumunta ako sa kwarto ko pagkatapos mag basa ng magazine,nagulat ko nang bigla siyang sumulpot "Hi Naomi" parang gagu siya. "Pag may kailangan ka katok ka lang sa kabilang kwarto andun ako" kinindatan pa ako. As if madadala niya ako sa pakindat kindat niya!
Nag stay lang ako sa kwarto hanggang dinner.
"Naomi dinner is ready" tawag sakin ni Kyle.
Agad ko naman binuksan ang pinto "Pwede ba wag mo akong kulitin kasi hindi ako kakain!" sasaraduhan ko sana yung pinto pero pinigilan niya
"Kakain ka, iyon ang bilin ng Lolo mo"
hinila niya ako pababa ng dinning roomSeryoso lang siya habang nag lalagay ng pagkain sa plato ko "Eat." mariin niyang sabi.
inaamin ko natatakot sa kanya kasi ang seryoso niya masyado nakakatakot siya pag seryoso.
"Hindi ako baby, kakain naman ako di mo ako kailangan subuan." sabi ko sa kanya habang diretsong naka tingin sa mata niya. Huh kala niya di ako papatalo.
bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko "Pero baby kita Naomi " pang-aasar niya sakin.
Tinitigan ko siya ng masamang masama "CHE!" humagalpak naman siya ng tawa at umupo sa tabi ko "Close ba tayo?" naiiritang tanong ko.
"Oo close na close" lumabas ang mapang asar niyang ngiti.
Nawalan na ako ng gana kumain
*kinaumagahan*
"Goodmorning Rise and Shine bebe!"
umagang-umaga boses niya agad naririnig ko."Bebe your face, umalis ka nga sa kwarto ko!" pagtataboy ko sa kanya.
lumungkot naman ang mukha niya "Di mo ba talaga ako mapapatawad? kahit anong ipagawa mo gagawin ko mapatawad mo lang ako" seryoso at sincere niyang sabi.
"Sige papatawarin kita" bigla namang nag kabuhay ang mukha niya "Sa isang kondisyon magiging slave kita. Taga luto, taga laba, driver, guard, lahat. Okay na? umalis kana marami ka pang gagawin ngayon dali!"
pumunta ako sa pool area para maglangoy tinawag ko si Kyle "Slavee! pakilinis nga ng pool ang dumi kasi" sabi ko habang nakatingin parin ako sa pool.
"Yes Ma'am"

YOU ARE READING
My Boyfriend for Rent
Teen FictionSiya si Naomi isang babaeng.. Sawa na maging single, Lagi na lang siya napapaligiran ng mga sweet couple kasama ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga kaibigan niya ay taken at in a relationship na, paano nga ba siya magkakaroon ng lalaki sa buha...