PART 8

1K 20 0
                                    


______
______
______

"Umamin ka nga bakla, mag-asawa ba kayo ni Blake?", bigla akong kinabahan sa tanong ni Carlito.

"Ha? ... hin.hindi ,bakit?" Simpleng sagot ko, narinig ko pa nga ang pagka-utal ko.

"Really, baka naman may ginawa kayong kababalaghan kaya pinaisa kayo?", hindi makapaniwalang sabi ni Zoey.

"ANO!! Oy, may pagkamalandi man ako, wala pa sa isip ko ang maki-pag-ah ah", saway ko sa dalawa.

Grabe ganun na ba agad ang hinala sa aming dalawa ng Baklang yun?

"Sa lahat ng estudyante ng Sitio NHS, kayo lang ang may ganitong relasyon. Mas masasabing magjowa nga kayo sa school kesa sa mga normal na magkasintahan na nahihiyang magkalapit sa kanilang classroom eh", sabi ni Zoey

"Wow ha, porke ganito kami ni Blake, may relasyon na agad? Eh sa school nga palagi niya ko tinitripan", sabi ko sa kanila. Mukhang hindi pa makapaniwala ang dalawa s sinabi ko dahil nagroll eyes pa sila.

"Eh, bakit nga kasi pwede kayong magsama sa iisang bubon. Gaya right now, bakit nandito si Blake? And ba't pinapayagan kayo ng mga magulang niyong magsama?" , si Zoey.

Ang daldal ng dalawa. Di ko pa alam kung anong exact word para mapatahimik ko sila.

"Kasi may tiwala sila sa amin. Tsaka Blake needa a help. Kasi alam naman natin ang kalagayan niya diba", saad ko pero kulang pa ata yun dahil nakunot ang mga noo nila.

"Yeah whatever, just get to the point. Mahal mo ba siya?", gosh... kinakabahan ako. Ano ba 'to? Presentation, recitation?

Mahal ko ba si Blake?

"...", tiningnan ko lang silang dalawa na titig na titig sa akin.

Lalo lang nila akong pinapakaba.

"Cylin", daglian ang paghuramentado ng pulso ko. Hindi ko alam kung bakit pero lumalala lang ito ng marinig ko ang boses ng lalaking dahilan nito. Tila nagslow mo ang pandinig ko sa tungkod niyang tumatama sa sahig. Kasabay nito ang paglalim ng hininga ko.

"Oy!", bumalik ako sa sarili ng sundutin ni Carlito ang tagiliran ko.

"Hello", simpleng saad ni Blake sa mga kaibigan ko ng makaupo na siya sa tabi ko.

Hindi pa rin nababawasan ang malalang pulse rate ko dahil sa lalaking katabi ko ngayon.

"Hi", malanding pagtugon ni Zoey.

"Anong pinag-uusapan niyo dito? Mind to share?", simpleng saad ulit ni Blake na siyang pagtili ng eyeballs ni Zoey.

"Oo naman, may ibabalita pala ako sa 'yo Blake", nakaramdam ako ng inis sa paraan ng pagsabi ni Zoey sa pangalan ni Blake. Para niya itong inaakit.

Ang landi talaga!!

"Ahm", hinintay ni Blake ang sasabihin ni Zoey na nag-extend pa ng sampung segundo sa pagtitig sa katabi ko.
Kinalabit siya ni Carlito para magising sa katotohanang BAKLA SIYA hindi DIYOSA na gugustuhin ng isang BLAKE BLEVERIN!!

Aba talaga ang Zoey a.k.a Joe, kilala kitang bruhilda ka. Ang pagnanasa mong halata hindi makakatakas sa malalaki kong mata!

Galit na saad ng inner mind ko.

"Bad news 'to dahil hindi mo ako makakasama", malungkot na pahayag ni Zoey.
Parang gusto ko tuloy siyang sabunutin.

"Ha-ha.. not funny", prankang saad ni Blake na siya ring tinawanan ni Carlito.

"Ahm... top 1 ka pala sa computer lay outing", malungkot ulit na saad ni Zoey. Parang hindi nadala lang eh no?
Buti pa 'tong ai Carlito immune sa kalandiang virus ng kasama niyang bakla.

"Whay about Cylin?", nagising ulit si KABA dahil sa pagbigkas ni Blake sa aking pangalan.

Grabe, ang weird ko ngayon.

"Top 2", simpleng saad ni Zoey at ngumiti pa siya..

Baklang 'to oh!

"Ah..", utal ni Blake at tiningnan ako.

"You should did your best to not be away from me", nanlaki ang mata ko sa hindi ko inaasahang katagang lalabas sa bibig ni Blake.

"Ayyy!!", gulat na gulat na saad ni Zoey.

"Eeehhh.. hay naku naman.. Imba!", tili naman ni Carlito . Hindi sila pinansin ni Blake dahil nakatuon pa rin ang mga mata sa akin. Yumuko ako dahil nakaramdam ulit ako ng hiya.

"Don't worry boy, makakasama mo pa naman si girl hehe", masayang tugon ni Carlito na tila nagising ang kaniyang baklita hormones.

Nakita ko ang pagpikit ni Blake. Bumuntong hininga siya bago tumayo at umalis.

"Aaaaahhhh!!! Yan ang love team, walang iwanan... diba ZOEY!! EEEEHHHH, nakakakilig talaga kayo..", pagtili ni Carlito ng makalabas na si Blake dito sa bahay. Nakasimangot naman si Zoey at palaging nang-aasar na wala daw forever.

"Whatever, di naman kami", sarkastiko kong sabi na siyang ikinatuwa naman niya at sinimulang magtatalon.

Si Carlito naman hindi pa rin tapos sa sinasabing best love team daw kami ni Blake, nahawaan tuloy ako at nakikilig rin ..

Ang weird ko talaga...

"EEEEEEHHHH!!!" tili ko at nagtaklob ako sa sofa.

Kinikilig ba talaga ako?

"EEEEEEHHHH!!!" Tili ko ulit.

Hindi ako makapaniwala.....

Anong nangyayari sa akin??

Gusto ko ba si Blake?
Ay!!!

Mababaliw ako nito....

"Bakla umamin ka na, magjowa ba kayo?", pagsisiguro ni Carlito na siya namang bomumba sa paraisong pinuntahan ng kagalakan ko kanina lang. Natigil nga ang kasiyahang dinadamdam ko ngayon dahil sa hindi maipaliwanag na paraan kasi bigla kong narealize ang katotohanan.
Na walang namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kong anong tingin ni Blake sa akin.

"Hindi ko alam", mahina kong sambit.

Tumahimik ang dalawa...

Hindi ko talaga alam, ano ba kami?
______
______
______

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon