PART 19

883 15 0
                                    


_______
_______
_______

Pagkauwi ko sa bahay ay   nagkulong agad ako dito sa kuwarto na siguro'y mga tatlong oras na ang nakakalipas . Baka mapapagalitan ako pag umuwi si Tita/Ate Kim. Wala pa kasi akong niluto o naghaing man lang ng kanin.

Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako eh. Sa isip at sa puso.

... Tang*na!! Ang corny ko na.. sarap murain..

Haaay!!!

"Cylin!", kita mo?

Oras nga naman ,wring timing.. Wala pang isang linggo na close na kami ni Ate o Tita Kim pero sumigaw na agad sa akin. Wala na akong nagawa kundi lumabas sa kuwarto at pinuntahan siya sa baba.

Marami siyang dalanh supot na pumunta sa maliit naming kusina.

"Paki-sara ang pintuan at kung may naghahanap sa akin , sabihin mong hindi pa ako umuwi.... sige na.. punta na.. ", halatang natataranta si Ate/ Tita Cory dahil muntikan na niyang mahulog ang mga binili niya.

Ano bang problem nito?

"Mamaya na tayo kakain.. Basta abangan mo lang diyan", huling bilin nito bago pumunta sa taas.

Ilang minuto na akong nakaupo dito pero walang dumadating na taong naghahanap kay Tita.

//knock knock//

Tumayo ako agad para pagbuksan ng pintuan itong kumakatok.

"BLAKE!", sa pagkabigla ay sinara ko uliy ang pinto at hinahabol ang hininga.

What the heck!

Napahawak ako sa dibdib.

"Cylin.. open this up", napalunok pa ako dahil sa maawturidad na boses nito. Bakit seryoso siya? He should be shouting right now like what I used to expect.
Huminga muna ako ng malalim bago ulit siya pagbuksan.

"How rude", sabi niya. Susuntukin ko sana siya dahil kung maka-pagsalita para siyang perfectionist pero... hinawakan niya ang kamao ko.

Mahigpit... pero hindi ako nagreklamo na nasasaktan na ako lalo na sa pagbitiw niya ng marahas.
Naninibago na sa kanya. Hindi ko na nga alam kung paano siya haharapin. Nagtitigan kami lang at wala ni isanh kumibo ma lang. After a minute ,tumalikod siya. Akala ko hindi siya aalis pero tuloy tuloy ang lakad niya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Nag-iimagine lang ba ako?

Tanong ko sa aking sarili. Aaminin ko, nasaktan ako sa pagtalikod niya na wala man lang sinabing katuturan o kahit man lang hinintay niya ang mga simpleng tanong ko kung Bakit siya nandito?.

Anong nangyayari sayo Blake? Ikaw ba yan?

"Cylin, umalis na ba siya?", magpasalamat na lang ako kay Tita Cory na nagsalita sa likod kaya umalis na ako sa may pinto. 

Bakit ganito? Masakit na naman siya oh.... Bwisiy na puso. Anong nangyayari?

"Hay salamat", pagsinghap ni Tita Cory ng tumango ako. Bagsak ang mga balikat ko na pumunta ulit sa kuwarto.
Hindi ko tuloy tinanong si Ate Kim kung si Blake ang naghahanap sa kaniya.

"KIM!", rinig kong pagtawag ng isang baritonong boses ng isang lalaki sa baba. Wala ako sa sarili na alamin kung sino yun dahil mahamog ang isip ko.

Siguro siya talaga ang naghahanap kay Ate Kim/Tita Cory..
Bahala na siya diyan...
Humiga ako sa kama at hindi naalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Blake..", bulong ko at sakto namang naramdaman ko ang malamig na bagay sa tabi ko. Anh cellphone ko. Binuksan ko ito at ang masayang araw ko na asar na asar naman si Blake ang bumungad sa screen nito. Pumunta ako sa gallery ng phone at doon ko pa nakita ang mga litrato ni Blake ,kami at mga stolen shots ko na ang papangit.

Nakakalungkot isipin na tila ibang iba na ang nangyayari ngayon.

Nong isang araw ko lang siya ulit nakita pero bakit nag-iba na ang pagkakilala ko sa kaniya. Bakit parang mas seryoso siya ngayon hindi dati na may pagka-isip bata? Bakit blanko lahat ang ekspresyong nakikita ko sa kaniya tuwing nagsasalubong kami?  Bakit nawawala na ang dati kung ugali pagkaharap ko siya? Bakit parang hindi ko siya kayang harapin dati noon? Bakit .....
Bakit nakakalungkot? Bakit ako nasasaktan tuwing tinatalikuran niya ako na walang iniiwang salita? Ano bang nangyayari ngayon?

Huwag naman niyang sabihin na naiwan niya sa Amerika ang dati niyang sarili.. kasi....

Kasi....













Yun ang hinahanap ko eh. Kailangan ko yun.. Blake? Nasaan ka ba? Tinalikuran mo na ba ako ng tuluyan?

"Bla... ke.. aah.. ano ba 'to?? Bakit ako umiiyak?... ka... kaini- inis na ah..", sinakop na ng pagsisinghot ko ang mga salitang gusto kong ilabas.

"Pls.. Tyler, huwag mo pang gawing komplikado ang lahat"
Hayan, pati si Tita Cory sa baba parang naiiyak..

Ano to?? Night Cry? Bwisit naman..

Habang nagkukulong ako dito sa taas at hinahayaan bumagsak ang mga luha..  sinasamahan naman ito ng dalawang taong nasa baba na tila nag-iiyakan rin.

"Mahal kita Kim.. Bakit ayaw mo akong pakinggan? Ano bang gusto mong gawin ko??.. Kim nasasaktan rin naman ako eh.", mas malaki ang problema nga dalawang tao sa baba kesa sa akin ngunit nadadala ako ng mga 'to para umiyak pa lalo.

Ano ba kasi 'tong nature of human? Masakit na ngang masaktan sa katawan at sa isip.. pati pa ang puso na wala namang nerves na dahilan kung bakit natin nararamdaman ang sakit sa pisikal at wala rin namang isip na magpaparealize sa atin na  masasakit ang bagay bagay na mga hinaharap. God is really creative. Nakakamangha.

Wala naman tayong magagawa dahil tao lang tayo maliban lang sa pagtanggap ng bawat pangyayari sa kabanata ng ating buhay.

This day s*cks..

_____
_____
_____

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon