_______
_______
_______"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha"
Baliw na ata kami ni Ate/Tita Kim dahil pinagtatawanan namin amg mga sarili namin.
Si Tita hindi papasok sa trabaho ngayon likewise with mine. Hindi muna ako papasok sa school. Ang sama ng pakiramdam ko eh."Aning ginawa mo kagabi? Ba't ganyan ang mga mata mo?", natatawang sabi ni Tita.. haist.. hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Ate.
Hindi pa ako nanalamin dahil kakagising ko lang at nagkataong sabay kamk ni Tita na lumabas ng mga sari-sariling kuwarto.
"Hahahahahahahahahahahahaha", pero hindi ko na siguro kailangang manalamin dahil halata naman na ang nakikita ko ngayon kay Tita ay magkahawig rin ang nakikita niya sa akin. Pula ang mga mata niya, namumugto na tila kinagat ng bubuyog at malaki ang eyebags at nagmumukha pang panda dahil maitim ang ibabaw nito...
Napuyat siya panigurado, ganun rin naman ako. Umiyak siya, alam ko yun dahil narinig ko pero ganon rin ako. Hind siya kumain dahil hindi ako nagluto.. este..hindi kami kumain kagabi dahil may bisita kaming dalawang gagong walang dinalang pasalubong kundi nagdala ng sakit sa sulok ng mga puso namin at pinuyat pa kami dahil sa kakaisip sa kanila at kakaiyak dahil RIN sa KANILA.
Pwedeng magmura ng imported?
F*CK!!
ang korning dahilan.
Umiling na lang kaming dalawa bago maisipang bumababa para makapaghanda ng pagkain..
Grrr
Tiningnan ko si Tita. Hindi niya naman siguro narinig ang tonog ng bakante kong bituka.. ehhh..nakakahiya.
Tahimik ang bahay at hindi namin pinag-usapan kung ba't kami tumatawa kanina o kung ano ang nangyari sa mga mata namin. Nakafocus lang kami sa screen ng laptop habang pinapanood ang Trip To Busan. Naiiyak ako ulit dahil sa huling bahagi ng pelikula. Ayaw ko na itong panoorin kung wala pang part 2. Nakaka-badtrip pero si Tita Cory ,kalmado lang..
"Bwisit siya", napatingin ako kay Tita Cory.
Anong pinagsasabi nito?
Hindi na lang ako umimik dahil baka tinutukoy lang nito ang ama ng bata/bida sa pelikula na namatay naman sa end part.
"Huwag mo sanang sasabihin kay Mama mo... or sa ate ko ang nangyari kagabi ha", sabi ni Tita ngunit hindi nakatingin sa akin.
Tumango na lang ako. Hindi naman ako sumbungera at saka its no big deal naman kung hindi ko sasabih kay Mama na ang bunso nilang kapatid ay hinahabol ng isang lalaki.."Gusto mong magshopping?", awtomatik na napangisi ako sa narinig. Nang-aaya ba siya na para akong bata para hindi ako magsumbong? Hahahahahaha... natawa ako sa naisip kong dahilan kung bakit nag-aaya si Tita Cory... anyway, this will be the 2nd time mall shopping for my 16 years of existence..
Ang saya..
"9:30 aalis na tayo", saad ni Tita at nauna ng pumunta sa taas.
Kinuha ko ang tuwalyang naka-bilad sa may sampayan sa labas ng bahay at nagmadaling pumasok ng banyo.
_____
_____
_____"3500 ang budget natin. Siguro naman tama lang yun sa ating dalawa", sabi ni tita ng natapos siyang magwithdraw. Sino ba naman ako para sabihing kulang...
"Okay na yan Tita... ", tugon ko. Iniabot ni Tita ang 1500 sa akin. Hindi fair pero okay na 'to, libre na nga diba.
"Tara na"
Pumunta si Tita sa may dress section at hindi niya sinabing susunod ako kaya naghanap na lang ako ng makakain..
Alam niyo kasi, pagkain ang pinakaunang kailangan natin. As long as may damit pa akong disente, okay na yun. Basta makakain lang ako ng masasarap na pagkain dito sa mundo bago mamatay...
Sa totoo lang wala pa akong naiisip na bagay na gusto kung bilhin kaya foods na lang muna."Cylin?", lumingon ako agad sa taong tumawag sa akin sa likuran...
At
Blake?
"Anong ginagawa mo dito?", halatang gulat na gulat si Patricia ng matantong ako nga ang tinatawag.
Nakakagulat ba ako ,Patricia? O hindibmo gusto ang pagkaharap natin na kasama pa si Blake?
Magkaibigan kami ni Patricia pero bakit itong nararamdaman ko sa tuwing magkasama sila ni Blake ay hindi tama para sa isang kaibigan. I can't be jealous to a friend, right?
Hindi ako makatingin kay Blake kaya hindi ko alam kung anong ekspresyon nito sa muling pagkikita namin. Halata namang wala rin siyang pakialam kaya as soon as possible ganun rin dapat ako. Ano pa nga ba ang silbi ng sabi-sabing 'Past is Past', diba?
"Ah wala, napadaan lang. Uhm ,bye may gagawin ako sa bahay eh"
Umalis na agad ako sa harapan nila at nagdiretso sa labas.
Calling.... Ate Kim
"Hello?", bungad ko.
"Nasaan ka ba?"
"Tita, pauwi na kasi ako eh.. Masama ang pakiramdam ko", pagsinungaling ko sa kaniya na sinang ayunan naman nito.
Total naman na nandito na ako sa labas ,linga linga nalang muna bago umuwi.
Bakit maraming lovers sa mga parke? Ano 'to? Public Dating Place? Haist..
Miss ko ang street foods.
Nilapitan ko si Aleng Tindera ng mga fishball. Dito rin lang sa parke. May siomai rin siyang paninda pero hindi ako sure pag malinis yun kaya bagong lutong mga kikiam at fishball ang binili ko. Mas masarap talaga ang street foods kesa pagkain sa mga fancy restaurants, well, para sa akin lang naman yun.
Nagliban ba sina Blake at Patricia para makapagmall?
. Maybe? Ano ba kasing ginagawa nilang dalawa kanina doon samantalang Lunes na Lunes pa naman ngayon."Kainis naman oh", bulong ko. Bwisit talaga, paano ko mapapaniguradong stable ang grades ko as a scholar kung napapadalas na ang pag-iisip ko sa mga ibanag bagay lalo na si Blake? Paano na?
Buwist talaga..."Hindi... okay.. I, Cylin Gonaya, nangangakong hindi makakaapekto ang ano mang emosyon sa pagiging scholar ko sa I.U.", I oath with my right hand.
"Anonh ginagawa niya, Mommy?", nagitla ako ng bahagya ng marinig ang bata sa kabilang bench habang turo-turo niya ako kaya tumayo na agad ako at lumayo sa kanila.
_______
_______
_______
BINABASA MO ANG
ProvincialGirl and CityBoy(editing)
Teen FictionIkaw! Ang aga-aga, nang-aasar ka naman!", sigaw ko kay Blake ng nilingon ko siya habang inaalalayan ng kanilang yaya sa paglagay ng bagpack sa kaniyang likuran. "Nope.. I just miss you", he said. AAAAAH!! Mapapatay ko talaga tong Blake na 'to!! Sina...