_______
_______
_______Natapos ko na ang pag ten times check ng aking uniporme pero hindi ko pa feel na pumasok sa loob ng malaking tarangkahan ng International University. Kinakabahan ako kaya nanatili akong nakatayo dito sa hindi kalayuang tawirang tapat ng mismong paaralan habang pinapanood ang mga estudyante at mga propesor na sakay sa kani-kanilang kotse, motor at bisekleta. Hindi ko masasabing lahat ng iyun ay magagara o matataas ang presyo dahil hindi ko naman talaga alam. Basta ang alam ko lang mukha silang mayayaman.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatayo dito sa labas. Nanginig ako ng hinakbang ko ang mga paa ko hanggang sa mas lumalala na ito ng nakapasok na ako sa tarangkahan at inaabangan ng guard.
"I.D", seryosong saad ni manong guard na nagpakaba pa lalo sa akin. Pakiramdam ko'y magnanakaw ako na nahuli ng isang pulis.
"Ito po", I said calmly para hindi ako halatang napipigilan ng hininga.
Nang tumango ang guard ay tumuloy ako sa paglakad at napabuntong hininga. Sa totoo lang ay sobra ang kaba ko. This is my first time to enter a private school... a university to be exact. And not just a private but a very prestigious one na hindi ko alam kung ako lang ang tumatanggap ng scholarship dito. Pero impossible namang wala diba?
Marami na akong nakakasalubong na estudyanteng may iba't ibang uniporme. Kabilang na rin ang mga propesor na strikto ang dating sa suot nilang formal and classy uniform.
"Goodmorning sir", bati ko ng muntikan kong mabangga ang isang propesor. Tumango naman ito at naunang naglakad.
Naks! Mukha talaga silang strikto. Paano ako makakapasa niyan kung may bagsak ako na hindi nila ipaparetake?
Like highschool lang?
Wait...
Ay!! Senior highschool pa pala ako diba, hindi pa college.. pero ang college building nasa kabila lang.
Tiningnan ko ang hawak kong guideline ng mga bawat silid ng rooms at ang subject sched ko.Huminga ako ng malalim at sinabi sa sariling GO GO GO, FIGHT TIGHT AND DON't BITE.
Habang luminga linga ako dito sa malawak at maingay hallway, I tried my best para hindi pansinin ang ibang tao. Nag-alone mood ako kaya nabawasan ang nerbiyos ko.
"Patricia?", bulong ko sa ere ng mamukhaan si Patricia na nasa kabilang pasilyo.
Hindi siya naka-uniporme at tanging I.D na nakasabit sa kaniyang leeg ang magsasabi na isa pa siyang estudyante hindi modelo.Pwede pala yun?
Naka-knee length dress siya at hapit na hapit ang kurba niya. Expose ang ibang parte ng kaniyang flawless skin na halatang naalagaang maayos at ang mukha niyang maganda talaga.
Bigla ko tuloy naalala ang mga narinig ko na usapan ng pamilya nina Blake at Patricia sa celebration party mismo ni Blake noong Marso. Ang pinaplano ng mga pamilya nila kung saang paaralan sila mag-aaral dalawa.
Possible kayang nandito rin si Blake?
Biglang nabuhay ang kanina lang napanatag na tambol ng puso ko. Hindi ko mawari kung kinakabahan ulit ako o natutuwa na makita ulit siya.
Gusto kong makita siya....
Hindi!! HUWAG!! Hindi.. sinabi ko na sa kaniyang ayaw ko na siyang makita.
Pero pinagsisihan ko naman yun diba?
Nangako rin naman siya na babalikan niya ako.
Arghhh!!!! BUWISIT!!!
BWISIT ULIT!!!!!
Hayaan ko na nga lang. Bahala na kung magkru-krus ang landas namin. Bahala na kung magkikita kami o hindi. Basta!
Kailangan ko ng pumunta sa subject ko ngayong araw.
Blake....
Umiling ako ng dalawang beses bago hanapin ang dapat kong puntahan. Ang subject class ko.
Nang binuksan ko ang pinto bumungad agad sa akin ang
Isa
Dalawa
Tatlo
At apat na kataong may sari-sariling mundo, may nakatulog, may nagsosound trip ,may nagsusulat at nagcecelphone.
Wala pa ang iba at ang propesor, maaga pa ata ako.
Sa isip ko bago naghanap ng upuan.Kung sa dating publikong paaralan ko na arm chairs ang bawat upuan ng estudyante,well, ngayon nama'y nakakapanibago ulit dahil mahaba ang mga lamesa na dalawang upuan ang mag ookupa nito. . May kalawakan ang silid at talagang prestihiyosong prestihiyoso ang dating dahil na rin sa mga dekorasyon na paintings; old or not.
Pumunta ako sa may unahan. Siyempre para mas marinig ang sinasabi ng propesor.
Kalauna'y nagsidatingan ang ibang estudyante hanggang sa nakalahati ang espasyo sa loob nitong silid. Ginawa kung no-pansin-mood ang sarili ko ng may umupo sa tabi ko na isang lalaki base sa amoy nito.
Mabango siya....
"Newbie?", rinig kung saad nito kaya tumingin ako sa kaniya.
Ang gwapo....
"Yeah", simpleng saad ko at umiwas agad ng tingin. Sakto namang dumating ang propesor. Isang nasa fifties na babaeng may eyeglass at may dalang case, short hair na kulay brown. Seryoso ang mukha niya.
"Do you think this English Class is easy?", pambungad niya ng makatayo sa harapan.
Walang nagsasalita sa amin kaya naman nagraise ako ng hand. I need to fight this nervousness para maka-survive ako dito.
"What are you doing?", nakunot ang noo ko ng magtanong ang propesor sa ginawa kong pagtaas ng kamay.
"Raising my hand to volunteer in answering your question.. ah, first question", saad ko. Natawa ang buong klase habang 'tong katabi ko ay umiling. Binalik ko ang tingin sa aming propesor na mas seryoso na nakatuong na kaniyang mga mata sa akin. Bigla akong kinabahan ng todo.
"I did not tell you to raise hand", seryoso niyang sabi. Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Nakita ko siyang may tinurong babae sa sulok. Tumayo ito at nagbigay ng opinyon tungkol sa English.
Ganun pala yun?
Sa likod ng aking isipan ng pino point out niya ang mga estudyanteng sasagot sa kaniyang tanong. Hindi ako nakapagrecite pero okay lang yun...
Haaay... what a day
_______
_______
_______A/N's
----->
Para maklaro, ang ibig kong sabihin na FIGHT TIGHT AND DON't BITE means don't give up sa studies sa I.U and huwag makiki-pag-away o sumali sa mga gulo.
----->
BINABASA MO ANG
ProvincialGirl and CityBoy(editing)
Teen FictionIkaw! Ang aga-aga, nang-aasar ka naman!", sigaw ko kay Blake ng nilingon ko siya habang inaalalayan ng kanilang yaya sa paglagay ng bagpack sa kaniyang likuran. "Nope.. I just miss you", he said. AAAAAH!! Mapapatay ko talaga tong Blake na 'to!! Sina...