Part 1

2.3K 37 0
                                    

_______
_______
_______

"Ooooy...", lalo akong kinabahan at pakiramdam ko'y napakainit ng bigla kaming tuksuhin ng mga kasamahan naming nandito sa loob ng bus.

Hihilahin ko sana ang kamay ko ng bigla itong hinigpitan ni Blake.

"Yeah.. morning everyone.. may extra seats ba kaming dalawa ni mahal?"

HALA!!! Mahal? Kailan pa?

Makikilig na ba ako? Maiinis or what! ANO NA!

Nabibingi ako sa mga tili ng mga kasamahan namin at sinamahan pa ng paghuhuramentado ng puso ko.. Gosh, ba't di na ata ako marunong magsalita?

"Dito... couples", basta na lang ako sumunod sa upuang tinuro ni Joeryle kay Blake.

The whole trip was not GOOD. Hindi ako komportable lalo na ng muntikan kong mahalikan si Blake kanina. Paghinto kasi ng bus ay tumayo ako para iwan sana si Blake ng biglang umandar ang sasakyan at napaupo ako sa hita niya pero

Aaah!!!

Kainis, ba't ba hindi mawala sa isipan ko yun? Muntikan na kasing maglapat ang labi namin sa nangyaring pagbagsak ko sa kaniya eh..

Kaya heto ako ngayon nakalimutan ko ang subject ng
kukuhanan naming litrato at ni isang sinabi ng instructor namin wala akong maalala.

"Hai,, uhm... ano nga pala ang subject nating mga photojournalist?", tanong ko sa nakasabay kong may hawak ng camera. Hoping na isa rin itong photojournalist at kung hindi, mapahiya na kung mapahiya ako.

"Crowd daw", simpleng saad nito sa akin at naunang naglakad.

"Masasakal kita pag nagsisinungaling ka. We'll see each other again", bulong ko.

"BALIW"

"AAAAAAAAHHH!---- walang hiya ka!", napahawak ako sa dibdib ko ng gulatin ako ni Blake mula sa likuran.

"Easy haha... ", tumawa siya ng mahina at saka dinaanan lang ako..

Walang hiya!

"Oy di pa ako bumabawi sa'yo!", sigaw ko sa kanya making everyone in the stage look at me.

Eeh.. kainis

Pero seriously? Muntik na akong maheart attack kanina.

Umalis na ko sa paaralan at naglibot libot.

Mainit ang panahon at nahihilo na ako. Wala pa akong dalang payong, shades o sombrero. Feeling ko nga naiihaw na ako dahil masakit sa balat ang sinag ng araw.
Naglalakad ako, tumitingin saan saan ng mahagip ng mga mata ko ang mga naglalaro ng soccer. Umupo ako sa bench sa pinakahulihan para may shade at nag-isip isip ng kukuhanan ng litrato.

Minutes had pass pero wala pa rin akong naiisip .

RING RING RING

Calling... BB

Nanlaki agad ang mata ko ng iba ang pagkabasa ko sa pangalan ni Blake.

Bakit baby agad ang pumasok sa isip ko? Yikes, kailan ko pa yun tinawag na baby? Don't get me wrong BB ang contact name stands for his full name : Blake Bleverin .

"Ano?", bungad ko sa kabilang linya.

(You have my bag)

"Oo"

(Naubos ang lapis na extra dito. Nandiyan lahat ng mga gamit ko.)

"So?"

(Cylin! 20 minutes lang ang natitirang oras namin so come here immediately)

"Humiram ka na lang sa iba , nandito ako sa oval eh. Malayo--- toot toot toot" , tiningnan ko ang cellphone ko at binabaan talaga ako ng loko.

"Nangongonsenya ba yun?", bulong ko sa hangin. Wala naman akong magawa kundi bumalik na sa school. Baka mamaya, ako pa ang sisihin niya sa kaniyang pagkatalo .

On my way down to the central school, I capture some photos that i know na related ito sa main subject naming crowd.

3

5

12

13

20 shots i guess. Kaya naisipan ko ng dalian upang puntahan si Blake. Not knowing the time.

Nakapasok na ako sa main gate ng paaralang pinagdausan ng D.J.C at bumungad agad sa akin ang Gago sa hindi kalayuan stage.

What the...

Linapitan ko si Blake na may kausap na isang babae.

Ba't na naman ako kinabahan? Pero ang kabang 'to ang nagpasyang lapitan ko ang dalawa.

"Isod", agad kung saad kay Blake. Pinandilatan naman niya ako at tiningnan ang espasyo ng kausap niyang babae.

Well yun naman talaga ang plano ko , ang hulugin ang babae sa kinauupuan niya dahil wala ng espasyo para sa kaniya kung iisod si Blake.

"What are you doing here?", sabi niya sa akin. Di ko na itinuloy ang pakikiupo dahil walang balak umisod si  Blake.

"Sinabi mong pupunta ako dito", saad ko.

I feel like im going to break some skulls right now.. Kainis ang babae ,nakatitig sa akin. Well, hindi naman ako mahilig magbuhat ng sariling bangko kaya aaminin ko na maganda ang babae kesa sa akin. Pero care ko ba, nakakainis siya eh. Idagdag mo pa ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko kasi feel na matitigan ng mga matatanda o bata man.

"Uhm hehe, anong tinititigan mo Miss", pranka kong sabi sa babae. Tumingin naman agad siya sa ibang direksyon bago ako tingnan ulit.

"Wala", she said innocently.

Err... I really hate those girls who plays innocent with me. Babae rin naman ako at alam ko na ang pagiging inosente ay isang gusto ng mga lalaki pero heck!!! I play no-innosence.. wala ng inosente sa paningin ko kung alam kung may karelasyon ang tao. You know, gf-bf relationship? Sinong bobong magsasabi na inosente sa mga bagay bagay kung meron naman siyang jowa. Edi talo pa akong walang kasintahan.
Para sa akin, I do believe that all of us teens with different emotions ay hindi na inosente. Bakit? Hindi na tayo batang walang kamuwang muwang dahil kusa nating naririnig, nadidiskubre, nakikita ang mga bagay bagay na sinasabi nilang beyond inocent. Halimbawa, sex and love.. yan ang pinaka...

If you start to be curious about something ,your innocence just break out.

Kaya ngayon, ang babaeng katabi lang ni Blake na mukhang inosente ay isang plastic. Maybe hindi, pero ang babaeng marunong magpaganda upang makabingwit ng binata ay hindi inosente. Like her, nakalipstick pero kung makatingin sa akin daig pa ang batang naguguluhan sa naririnig na English words.

"Excuse us", saad ni Blake at kinuha ang kaniyang metal na walking stick.

Sinundan ko siya papunta sa may mini park ng paaralan.

"Ba't ka bastos sa kausap ko?", inis niyang turan. Nainis naman ako sa sinabi niya at sa kanya.

"Anong bastos? I was just questioning ", tugon ko naman.

"Alam mo namang wala ng espasyo para sa kaniya kung iisod ako ,sinabi mo pa. You just showed her you hate her",  inis niya na namang turan. Oh, ganun ba yun? Maybe?

"Oo na, sorry", mahinahon kong paumanhin. I think mali rin naman ako.

"And Cylin, stop acting something i really hate to doubt"

_______
_______
_______



ProvincialGirl and CityBoy(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon