______
______
______I cannot sleep well because of the noises coming from the neighborhood, it was Blake's house. His father and some kin just came by from abroad and now celebrating their niece/son gold medal of the school year. My mom, dad and Kim were also there ,joining the foreigners culture... oh not literally, cause it was just a formal party. Kakagaling ko lang dun and I found myself in the other side of the world, or O.P. So, umuwi na lang ako. Patricia was also there with her sophisticated Mom and they were happily talking with the Bleverin family.
One reason why i left the party is that, palaging naririnig ko ang mga plano nila kina Patricia and Blake ONLY. Saan daw sila mag-aaral sa Senior High, kailan ikakasal, basta about sa mga future nilang dalawa. Parang family talk, di sana hindi nalang kami inimbitahan o ako. Atleast pa nga sina Mama at Papa masaya silang nakikipag-kuwentuhan sa ibang mga bisita ng Bleverin. Eh ako, iniwan lang dito sa veranda at hayaang lamigin.. at dahil common sense naman at sadyang magaling akong makaintindi sa bagay na usapang-hindi-ka-kasali.. Umalis ako. Si Kim naman,nakita ko maraming kalaro doon. Hindi man lang nahiya. Anyways, bata nga naman.
Hindi ko rin akalaing totoo pala ang fiancee thing na yun.. Pero wala akong paki dun, ang sa akin lang naman ay: sana pinansin lang man ako ni Blake sa kabila ng mga bisita nila o hindi iniwan dito at hayaang daanan ng hangin at tanungin ng mga bisita kong stranger daw ako. And to be honest, im hurt, im sad, im very sad.
"Hay!!", bumuntong hininga ako.
"Sana na lang ako sumama. Sana hindi ko siya nakilala, o kapitbahay. I hate you Blake", mahina kong sambit.
"Hindi ka man lang pumansin at binati kahit na bilang classmate na kasama mong tumapos sa junior highschool. Napaka... haay", napasinghap ulit ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin at iisipin.
"Ang sakit naman. Arghh.. ano ba yan ... hmm", I groaned. Ang sikip ng puso ko, ang sakit nga eh.... emotionally?
At sa hinaba haba ng pag-eemote ko sa hindi ko matukoy na dahilan mismo ng sarili ko. Hindi ko na alam kong anong oras ngayon dahil umuwi na si Kim at nakatulog na dito sa tabi ko.Hindi ko alam kong tulog ba ako o gising pa lang. Pakiramdam ko kasi wala akong kabuhay buhay.
Pero,
maraming pumapasok sa isipan ko na hindi ko naman maintindihan, hindi ko nga alam kung anong iniisip ko eh kaya hindi ko masabi sa inyo kong anong iniisip ko.
Hay naku, Basta!
Nakadilat pa ako, nakahiga ng patihaya at malungkot ang damdamin. Pinikit ko ang mga mata ko pero parang napipilitan lang itong magsara dahil dinidiin ko pa upang hindi magbukas ang mga talukap. I roll over the side sakaling doon ko mahahanap ang antok. And then,
I roll over the side....
And again roll...
And roll.....
and roll..
and roll....
and roll....
"HAY NAKU!!!!!", bigla akong sumigaw at bumangon sa pagkakahiga.
"Kainis!! Matulog ka Cylin, matulog KA!!!", gigil na sabi ko sa sarili ko at kinuha ang unan saka pinagpopokpok sa ulunan ko at tinaklob sa mukha .
"KAINIS!!", gigil na saad ko at yinakap ang unan.
Para talaga akong BALIW!!!
Ano ba yan!!!
Napalingon ako sa bintana na saktong tumatama ang liwanag ng bilog na buwan sa akin.
Aaaaah...
"Kabilugan pala ng buwan?", wala sa sarili kong bulong. Sinuri ko ang paligid at ang buwan.
Biglang lumabas ang iba't ibang imahe sa isipan ko na napapanood ko sa mga horror films...
Eeeehhh...
"Mommy!!", bigla akong nanginig sa takot at dali-daling kinuha ang kumot at nagtaklob.
Mabibigat ang bawat hininga ko.
Tinitiis ang init ng pagkalukob ko sa kumot kesa alisin ito at makikita talaga ang paglitaw ng isang patay na tao na umiiyak ng dugo o walang mata o putol ang ulo o may lumalabas na ahas sa tiyan at bituka o isang demonyong may sungay at mapupulang mata...
Napapunas ako sa noo dahil sa pawis.
Nanginginig ang mga paa at natatakot na hihilain ka.
Nanalangin na sana makatulog na ako at bantayan ng Panginoon.
"Kim?", buong lakas kung usal sakaling mababawasan ang takot ko.
Walang tumugon na siyang nagbigay sa akin ng matinding takot na baka isang patay ang katabi ko ngayon. Biglang napiga ang puso ko at nahirapana na akong makahinga dahil sa imahinasyon na yun. Lumunok ako at sinubukang pumikit.
Nang may maramadaman akong dumantay sa hita ko..
HINDI!!!!
Bago nagdilim ang paningin ko.
________
________
________
BINABASA MO ANG
ProvincialGirl and CityBoy(editing)
Teen FictionIkaw! Ang aga-aga, nang-aasar ka naman!", sigaw ko kay Blake ng nilingon ko siya habang inaalalayan ng kanilang yaya sa paglagay ng bagpack sa kaniyang likuran. "Nope.. I just miss you", he said. AAAAAH!! Mapapatay ko talaga tong Blake na 'to!! Sina...