Sana po magustuhan ninyo.
------------------
Ano ba yan. Wala ng laman yung ref. Ugh! Bibili nalang ako kay ate chacha.
"Hi po. Ate! Anong ulam?" Masasarap ang luto ni ate chacha. Specialty niya yung chicken curry, may anghang.
"Thiana. Namiss kita. Di bale! May adobo, dinakdakan, minudo at ang paborito mong chicken curry."
"Namiss rin kita te. Chicken curry lang po." Sabay bigay sakanya ng bayad.
"Sayo na yan. Namiss kita e." Binalik niya sakin yung pera. Nag thank you ako sakanya. Hihintayin ko nalang yung pagkain ko.
Umupo ako sa favorite place ko, sa harap ng electricfan. Karenderya lang naman to e hindi restaurant. Dumating na yung pagkain ko.
"Oh! Thiana nandito ka pala."
"Hi. Kuya mon. Namiss ko po kasi yung luto ni ate cha." Si kuya mon, malapit ako dyan. Siya yung parang kuya ko.
"Kamusta pala po kayo ni ate cha? Kayo na po ba?"
"Malapit na thiana. Mahuhulog rin sakin si cha."
"Oy! Mon! Ang assumero mo hah. Thiana wag kang maniniwala diyan."
"Hahaha. Wala ka pala kuya mon e."
"Thiana pakipot lang yan si cha. Sige maiwan na kita sumisigaw na si manang cheng." Tumango ako at umalis na siya.
Kumain na ko. Para matapos na.
***
Ayun! Nakita rin kita.
Tagal kitang hinintay. Sabi ng isip ko.
Nasa national bookstore kasi ako at hinahanap ko yung libro. Kinuha ko na ito.
Buti nalang talaga at pumunta ako dito. Puro out of order na kasi yun. Bumili na rin ako ng notebook at ballpen. Bukas na kasi yung pasukan.
Umuwi na ko. May curfew kasi yung apartment na tinitirihan ko. Sungit pa naman ni manang beba.
Kung tatanungin ninyo. Simple lang yung loob, di naman sya kalakihan dahil iisa lang naman ako. Kinuhan ko yung diary ko at sinulat ang nangyare ngayon. Hindi na rin ako kakain dahil kumain na ko sa jollibee.
Naghugas lang ako ng katawan at natulog na.
***
Pag kagising ko niligpit ko na yung pinaghigaan ko. Naligo na rin ako para magising yung diwa ko. Magsusuot lang ako ng pantalon at shirt. Syempre naka eyeglass ako. Malabo kasi yung paningin ko.
Magluluto na ko ng hotdog, nakabili na kasi ako ng pagkain kahapon. Kumain na ko dahil baka malate pa ako. Ka first day of school malalate.
Sinuot ko na yung bag ko at gora na.
Saint John University.
Hoo! Yaman ko no'. Haha! Joke lang po. Scholar lang kasi ako.
Highschool palang ako nandito na ko nag aaral. Kaya kilala nila ako bilang nerd dito kahit hindi naman. Matagal na rin akong nabubully dito. Sanay naman ako e.
"Hi manong!" Bati ko sa guard namin sa school.
"Hi thiana! Hindi ka parin nagbabago ah. Makulit ka pa rin na bata."
"Hahaha. Mauna na ho ako." Umalis na ako dun.
Binilisan ko yung lakad ko at baka makita na nama ako n--
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
Teen FictionSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?