Chapter 3
Magjojogging muna ako, maaga pa naman eh. Pumunta muna ako kila ate cha.
"Goodmorning ate cha!" Masigla kong sabi.
"Goodmorning thiana. Magjojogging ka?"
"Opo, sama kayo?" Tumango si ate cha.
"Aba! San kayo pupunta?" Sulpot ni kuya mon.
"Godmorning kuya mon. Magjojogging lang po kami ni ate cha. Bye p-"
"Sama ako. Hali-" sabi ni kuya mon pero pinutol ni manang cheng.
"Mon! Dito ka lang. Tatakas ka nanaman hah! O thiana kamusta ka na? San ka nanaman pupunta hah? Ikaw talagang bata ka, pagala gala. Alis! Magaral ka! Asan si chacha?"
Si manang cheng talaga oh, kakamustahin na nga lang ako may kasama pang sermon. Di naman ako lagi lumabas eh. Tumakbo na kami ni ate cha, kasi baka hindi sya payagan ni manang.
"Kamusta pag aaral mo?" Tanong ni ate cha.
"Okay lang naman ate. Valedictorian parin."
"Yabang ah!" Tumawa ako sa sinabi nya. Madaling araw pa lang kaya hindi pa masyadong maliwanag.
"Thiana sandali lang ah. Sasagutin ko lamg to." Tumango ako. May tumatawag kasi.
Lumapit ako sa batang lalaki.
"Hi!"
"Hi po ate ganda."
"Ikaw talaga. Anong name mo?"
"Clarence po."
"Clarence gusto mo laro tayo ng bola?" May hawak kasi siyang bola.
"Sige po." Binigay nya sakin yung bola. Kahit hindi ko alam maglaro. Drinible ko parin.
"Ate ganda, hindi po ganyan. Ganto po." Turo nya sakin. Mas magaling pa sya sakin.
"Ahy! Ate ganda pakuha nga po." Napunta kasi yung bola sa kalsada. Kinuha ko yung bola.
"Thiana!" Tumingin ako sa sumigaw pero huli na ata. May truck na papunta sakin at bumubusina. Eto na ba ang katapusan ko? Mamamatay na ba ako? Pinikit ko ang mga mata. Na may humila sakin. Minulat ko yung mga mata ko at nakita ko yung lalaking sumagip sakin. Yung mga mata nya, ang gaganda.
"Ate ganda!" Nagising ako sa katotohanan na nakapatong pa ako sa lalaki. Tumayo ako.
"Thiana. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Hindi ko nasagot yung mga tanong niya dahil nakatingin ako sa lalaki na paalis, kasama si clarence. Bat ba hindi ko makita yung mukha nya?
Hinawakan ko yung dibdib ko. Bat ganto ang bilis? Na love at first sight ba ako? Eh mata lang naman na kita ko ah. Ugh! Basta hahanapin ko si unknown guy.
"Thiana! Huy."
"Unknown guy!" Bat ba nanggugulat si ate cha.
"Unknown guy? Thiana halika ka na nga, hinahanap na ko at galit na galit sakin si manang." Sabi nya at hinila ako.
***
Naglalakad ako sa school. Nakatingin sila sakin kaya napayuko ako. Ano bang meron sa mukha ko?
Binilisan ko na mag lakad para makapunta ako sa classroom.Nakita ko ang kambal nag lalaro ng bato bato pick. Dumeretso ako sa upuan ko.
"Bato bato pick"
"O talo ka. Gunting ako papel ka."
"Bato yan. Inunat ko lang."
"Hindi, papel yan luke. Nakita ko pa nga eh."
"Lucas hindi nga papel yan eh."
"Papel yan. Nakita ko. Bat ba ang kulit mo?"
"Suntukan nalang oh."
Tsk. Tumayo ako at pumunta sa gitna nila. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa bewang.
"Maglalaro na nga lang kayo may away pa. Kayo talaga."
"Sorry po mama." Sabi ni luke. Binatukan ko sya.
"Hindi ako matanda okay?! Ang bata bata ko pa eh."
"Aww! Sorry na po." Binelatan ko sila at umupo sa upuan ko. May bakante pa sa tabi ko ewan ko kung bakit ayaw nilang umupo dun.
Tumingin ako sa labas. Nakita ko si jake at kaye, nagaaway. Ewan ko kung nag aaway ba sila. Sinampal kasi ni kaye si jake tapos nag walk out si jake. Diba. Away yun.
May naramdaman akong may tumabi sakin. Sino kayang taong nag karoon ng interest na tumabi sakin?
Tumingin ako sa gilid at nakita ko si"Ikaw?!" Sigaw ko.
"May problema ka ba Ms. Cruz?" Nandito na pala si mam. Di ko namamalayan.
"Ano ba yan si nerd! Ang ingay ingay."
"Tsk. Kababaing tao."
"Nakakahiya sya."
Magbubulungan sila rinig rinig ko naman. Nag sorry ako kay mam at umupo na. Tss. Ng dahil sa lalaki na yan napahamak ako. Ano bang ginagawa nyan dito?
Mamaya ko na nga lang itanong. Makikinig muna ako. Argh!! Bat walang pumapasok sa isip ko.
"Ms. Cruz. Ano ang salitang veda?" Veda..veda..veda.. ah!
"Ang veda po ay mga aklat ng sagradong kaalaman. Ito ay mga koleksiyon ng mga ritwal at himnong panrelihiyon. Ang apat na koleksiyon ay rig veda, ang himno ng papuri; sama veda, mga awit at papuri; yajur veda, mga ritwal na sakripisyo. At ang huli ay athar vaveda ang mga mahika. Kasalakuy-"
"Okay na ms. Cruz makakaupo ka na." Huh? May nasabi ba akong mali? Bahala na.
"Tulad ng sabi ni ms. Cruz na ang veda ay blah..blah..blah" Sabi ni mam. History kami ngayon. Ewan ko kung bakit na punta kami sa veda. Eh pang grade 8 yan eh.
"Thiana. Uy gising."
"Wohoo~ thiana~"
Minulat ko yung mata ko dahil sa narinig ko. Nakatulog pala ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kain na tayo." Sabi ni luke.
"Tara." Hinila ko si luke papuntang caf. Pero pag malapit na kami sa caf binagalan ko na yung takbo ko. Nakakahiya kaya.
"Dito tayo." Hinila nya ako sa pwesto namin lagi. Nakita ko si lucas at si...sya!!
"Thiana ang bunganga isara." Nakanganga ba ako? Umupo ako sa tabi ni luke at kaharap ko sya.
"Thiana, si clark pala. Clark si thiana." Sabi ni lucas. Dumating na yung pagkain dala nung babae. Mah waiter na dito? Bakit hindi ko alam.
"H-hi?" Ewan ko kung patanong ba yung sinabi ko. Nakakailang naman kasi eh.
"Tss." Sabi nya.
"Puro 'tss' na lang lagi ang sinasabi mo. Ahas ka ba?" Tanong ko sakanya. Ewan ko ba. Pag kasama ko yung kambal hindi na ako nahihiya.
Tinignan lang nya ako. Yung mga mata niya. Iniwas ko yung tingin ko sakanya nya at inumpisahan ko ng kumain.
Siya yung lalaking nasa restau dati. Naaalala niyo? Yung lalaking hindi kinain yung order at umalis nalang bigla.
Siya yun!!"Panget mo." Nagulat ako ng nag salita sya.
"Huh?"
"Sabi ko panget ka tapos binge ka pa." Sumosobra na sya ah.
"Ang lupit mo rin no'. Alam kong panget ako pero wag naman yung binge!!" Napatayo ako at sinabi ko yan.
"Ano ba yan nerd!! Ang ingay mo."
"Buti alam yang panget sya."
"Hindi lang panget. Malandi pa! Kasama nya yung kambal tapos yung transferee."
Umalis ako dahil ayoko ng marinig yung pinagsasabi nila. Nang may nakabunggo ako.
###
Sino yung nakabunggo sakanya? Alamin sa pagbabalik ng...
Alam nyo na readers kung ano yung veda. Haha.
Don't forget to votes guys. :D
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
Teen FictionSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?