CHAPTER 6

13 1 0
                                    

"Ugh!" Sakit ng ulo ko. Minulat ko yung mata ko. Asan na ba yung eyeglasses ko? Kinakapa ko yung gilid ng kama. Pero wala eh!

May bumukas ng pinto pero malabo yung mukha.
"Nerd." Boses pa lang kilala ko na.

"San mo ba nilalagay yung ey--"

"Eto na po oh!" Binigay  niya sa kamay ko yung eyeglass. At sinuot ko.

"Nasan ba ako? Anong ginawa mo sakin?!" Napansin ko kasing nasa isa akong kwarto tapos nasa kama. Tinakpan ko yung katawan ko. Virgin pa ba ako?

Pinitik niya yung ilong ko. "Nerd. Never kitang pagnanasaan. Wala ka namang laman eh." Sabay tingin niya sa...

"Pervert!" Binato ko siya ng unan.

"Aray! Ano ba! Tumigil ka nga!" Kinuha niya yung dalawa kong kamay. Nakatingin sya sa mata ko. As in!

"Dinala kita sa condo ko dahil nakatulog ka sa kakaiyak." Paliwanag nya. Umayos ako ng upo ako.

"Thanks?"

"Tss." Tumayo siya. Nagtatampo ba sya? Assumera ka talaga thiana.

"Oy monster! Thank you okay?!" Sabi ko. Humarap siya sakin na nakangiti. Tumayo ako at lumabas sa kwarto niya. Ang ganda ng condo nya. Black and white ang theme.

Umupo ako sa sofa at binuksan yung tv. "Aba!"

"Nerd! Gusto mong kumain?" Tumango ako, at lumapit saknya.

"Ikaw ang nagluto nyan?!" Pano ba naman kasi ang dami.

"Oo namn." Umupo ako. Kumuha ako ng kanin at ulam.

"Hmm. Sarap hah!" Sabi ko. Sarap naman kasi talaga.

"Ako pa." Pagmamayabang niya. Pansin ko nakauniform pa pala ako.

"Yabang."

Naalala ko yung nangyare kanina. Tumulo yung luha ko. Ang sakit! Anong klaseng lalaki sya?! Kala ko mabait sya? Yun pala hindi! Manloloko sya.

"Alam mo. Ang panget mo kapag umiiyak." Sabi namn ng asungot na to'.

Pinunasan ko yung luha ko.

"Uyy monster, ihatid mo nga ako samin." Sabi ko at sumubo.

"Ayoko nga. May gagawin ako eh." Hmp! Napakaungentleman nya!

"Che! Bahala ka." Tumayo ako. At kinuha ko yung gamit at lumabas.

Naramdaman kong may humila sakin. Sumakay kami sa elevator. Pang 12 floor pala kami.

"Kala ko ba may gagawin ka?" Sabi ko sakanya.

"Wag na wag mo kong iiwan ng ganun. Ulit hah!" Nagulat ako dahil naging ganun yung akto nya.

"At bakit namn?" Hindi ako nagpatinag, ayoko ng kinakawawa ako. Sawa na ako.
Tumingin sya sakin at naglakad palapit. At eto naman ako. Umaatras hanggang pader nalang yung nasandalan ko.

Oh no! Yung dalawang kamay nya nilagay nya sa gilid. Parang kinulong niya sa kamay nya. Ganun!

"Kasi..." Nilapit niya yung mukha niya sakin. Ikikiss nya ba ako? Pinikit ko yung mata ko at hinihintay siya. Narinig kong tumatawa sya. Kaya minulat ko yung mata ko. Ano ba tong ginawa ko?! Pagmulat ko saktong nagbukas na yung elevator kaya lumabas na ako.

Nakakahiyaahh!! Ano kayang itsura ko nun? My ghad!

"Strict ang parents ko eh. Halika na nga." Hinila nya ako papuntang kotse nya. Sumakay sya sa front seat. At ako? Nakatayo pa rin. Tsk napaka ungentleman naman nya!!

Im Not. (ON-GOING)Where stories live. Discover now