Nagising ako dahil may nagsusuklay ng buhok ko. Minulat ko ang mata ko at kinuha yung eyeglasses ko.
"Okay ka na ba?" Tanong sakin ni mama.
"Opo. Ti-mama kanino po itong kwarto?" Kulay violet kasi yung makikita mo sa kwarto.
"Sa anak ko." Sabi nya.
"P-po bakla po s-sila?" Sayang naman ang kagwapuhan ng kambal.
"Hehe. Hindi sila yung babaeng anak ko."
"Asan po siya?" Curious kaya ako. Nakita kong nagluluha yung mata niya. Ano ba tong ginawa mo thiana?
"Ah. Eh. Baba na po tayo." Tumayo sya pati ako.
"Thiana." Tawag sakin ni mama.
"San mo nakuha yung kwintas mo?" Hinawakan ko yung kwintas ko. May nakaukit dun na 'Thiana'. Sa bracelet ko naman 'princess'.
"Bigay po sakin ng nanay ko. Pero po hindi ko alam kung sino yung nanay ko dahil iniwan lang daw nya ako kay manang bebang nung sanggol pa lamang ako. Alam nyo po mama ang laking pasalamat ko dahil nandyan po kayo. Tinanggap nyo po ako ng buong buo." Paliwanag ko.
"Anak, pwedeng payakap." Ang sarap pakinggan pag tinatawag kang anak. Niyakap ko siya.
"Sali kami." Sigaw ng kambal. Kaya nakiyakap na din sila.
"Mama, kukunin ko pa po yung mga gamit ko kay manang bebang."
"Sige. Mag ingat kayo ah." Paalam niya sakin. Sumama sakin si luke at mag cocommute kami. Ako ang boss eh.
"Paabot po." Sabi ng katabi ni luke. Nasa likod kami ng driver. Tinignan lang ni luke yun pera.
"Pogi, paabot po." Ulit ng babae. Ako na ang nag abot dahil hindi sya pinansin ni luke.
"Luke da-"
"Dapat may kuya na." Sabi niya.
"Kuya luke dapat kunin mo yung pera tapos iaabot mo nasa driver." Paliwanag ko.
"May kamay na naman sila eh."
"Hindi nga nila abot." Sabi kong malapit na kami kaya pumara na ako.
"Manong sa sta. Rosa nga po." Sabi ko sa tricycle driver.
"Princess ano yan?" Turo nya sa tricycle.
"Kuya, tricycle yan' dyan tayo sasakay papunta sa apartment." Paliwanag ko. Sumakay na kami.
"Pero diba princess sumakay na tayo ng beep. Beep ba yun?" Haha.
"Jeep yun. Sumakay tayo ng jeep kasi malayo kunti yung byahe. Tricycle naman para sa mga barangay o iisang lugar." Paliwanag ko.
"Kuya bayad po." Inabot ko sakanya yung pera. At pumasok na kami sa apartment.
"Hi manang bebang!" Bati ko sakanya. Nagwawalis kasi sya.
"Ikaw talagang bata ka! Bat ngayon ka lang?"
"Eh manang naabutan po kasi ako ng curfew. Saka po pala manang aalis na po ako."
"San ka pupunta?"
"Sa classmate ko po." Sabay tingin kay luke.
"L-luke?" Gulat na sabi ni manang.
"Hi manang." Nagyakapan sila saglit.
"Ang laki mo na ah. Saka hindi ka na mataba. Kamusta kakambal mo? At mama mo? Pakamusta mo ko sakanila ah."
"Ah opo, makakarating po sakanila."
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
TeenfikceSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?