May naramdaman akong mabigat sa ulo ko. Huhu! Yung leeg ko. Ngalay na ngalay. Ginalaw ko kunti yung ulo ko. At buti nalang tinanggal na niya. Ang cute nya! Kinusot kusot nya pa yung mata nya. Why so gwapo? Char!
"Goodmorning monster." Sabi ko.
"Morning." Bati niya. Nakakasilaw yung liwanag kaya inayos ko yung kurtina. Malayo pa ba kami?
Kinuha ko yung mga junkfoods na binili namin kahapon, nagugutom na kasi ako.
>_<
"Don't eat that. Kaaga aga kakain ka nyan." Sermon ni monster. Grabe siya!
"Kaagaga sesermon ka." Paggaya ko nang boses nya. Pano ako kakain? Aha! Tumayo ako at hinanap sila luke. At yun nakita kong naglalaro ng pitik bulag.
(A/N: Pitik bulag ba yun? Sorry di ko po alam.)
Buti nalang at nasalikod lang namin sila.
"Kuya, yung pandesal na pinadala ni mommy?" Tanong ko sakanya.
"Nasa paper bag na dala mo." Sabi niya habang nakatakip ang mata nya gamit ang kamay.
"Ah sakit naman ng pitik mo." Narinig kong sabi ni luke.
"Bakla ka lang." Asar naman ni mika. Cute nilang tignan. Umayos ako ng upo at kinuha yung pandesal, buti nalang at may nutella. Kumuha ako nun at kinain.
Yum! Yum! Sharap! Naalala kong may katabi pa ako. Kumuha ulit ako."Monster, ahh." Sabi ko sa nilalang na to. Ang aga aga naglalaro agad sa cellphone. Sinubuan ko naman sya ng tinapay. Mukha ba akong nanay? O boyfriend? Pero mas mukha akong asawa diba?
Shatap thiana! Yung utak ko talaga kung ano na ang pinagsasabi.
Bibigyan ko din sana sila lucas kaso nakatulog yung dalawa at bagay sila. Kung ikokompara ko sila kela luke. Mas mature sila lucas. Ang pagkakaalam ko kay myka eh, mas matino kaysa kay mika. Si mika kasi parang...childlish ang dating. Bagay na bagay sila ni kuya luke.
"Wake upclassmates. Breakfast muna tayo." Nag stop over kami sa isang restaurant na coffee shop. Syempre barkada ang magkakasama. Umorder ako ng mocha at isang cake. Gusto ko eh!
"Malapit na kaya tayo?" Tanong ni myka. At uminom ng inorder nya.
"Siguro." Sambit ko. Busy sila eh.
"May nakita ako kanina sis. Ang sweet nilang matulog." Sabi ni mika. Kinakabahan ako kasi nakita nila kung pano kami natulog ni monster.
"Tumigil ka nga, may nakita nga rin akong nakaholding hands habang natutulog eh." Bawi naman ni myka. Parehas silang namumula yung pisngi. Ako naman pula pula rin, kasi baka kami yun. Nakaakbay kasi sakin si monster tapos pagkagising ko kanina hawak hawak niya kamay ko, baka kami yun.
"Mag bukingan pa kayo." Sabi naman ni monster. Yung dalawang lalaki naman namumula yung tenga. Cute nila!
"Oy monster! Sinong katext mo?" Busy kasi siya sa cellphone nya.
"Wala ka na dun." Ouch. Ganon ganon na lang ba yun? Pagkatapos kitang pakainin ng pandesal?
"Hard mo hah!" Tumawa lang sya ng mahina. Hmp!
***
Wow! Ang ganda dito! Nasa resthouse kami kasi! Saka bandang bundok sya kaya malamig. May swimming pool rin at garden. At kung ano ano pa. Basta ang ganda!
"Guys, hindi pwedeng boys at girls ang magkasama sa isang kwarto. Okay?!" Umangal naman yung mga magkakasyota. Sus! May gagawin lang silang kakabalaghan eh.
"3 girls for one room, dapat talaga apat pero may hindi sumama kaya tatlo lang. Ganun rin sa boys. Mag pahinga muna kayo dahil mamaya ay magswiswimming tayo!!" Sigaw ni gabby. Mukhang excited ang mga students ah.
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
Teen FictionSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?