CHAPTER 14

7 1 0
                                    

Ugh! Sakit sa ulo. Inamoy ko yung sarili ko at ang bahoo. Hindi lang pala ako ang mabaho buong kwarto na pala. Sila kambal bagsak sa higaan nila. Tumayo ako. Dahan dahan ako lumakad sa cr dahil pagewang gewang parin ako dahil sa alak na ininom ko.

*5 mins*

Lumabas ako ng dahan dahan sa kwarto dahil baka magising ko sila. Pumunta ako sa living room at...my ghaadd. Ano bang nangyare kagabi? Nakahiga sila sa sahig at tabi tabi sila. hmp! Pumunta ako sa kitchen dahil mag titimpla ako ng kape, para naman magising ako no'.

"Nerd anong ginagawa mo?" Ang gwapo talaga ni monster pag bagong gising.

"Nagtitimpla. Gusto mo rin ba?" Tumango siya. Nagtimpla ako ng kape.

"O yan." Umupo ako sa harap niya.

"Gusto mo ng cupcake?" Lumiwanag yung paligid ko sa narinig ko.

"Kiss muna." Sabi niya at nakanguso.

"Ikisskiss kita sa pader eh." Hindi ko kaya ipapamigay ang second kiss ko sakanya no'. Iiyak na ko nun.

Tumawa siya at kumuha ng cupcake sa ref.

"Waahhh!! Akin naa" kinuha ko yung cupcake at kinain lahat. Grabe ang sweet. Kung magkakaroon lang ako ng boyfriend na sobrang sweet eh.

"Uy bunso. Ano yan?"

"Alam mo kuya para kang kabute. At saka nakikita mo na ngang cupcake mag tatanong ka pa."

"Sungit mo naman. Pagkatapos kita payagan kagabi."

"Kagabi?" Tanong ko.

"Sakit sa ulo. Oh goodmorning thiana." Sulpot niya.

"Hi thiana." Sabi naman ni sandra. Tumango ako sakanila at tumingin ulit kay luke.

"Anong nangyare kagabi?"

"Nag spin the bottle tayo kagabi." Sabi ni sandra. Kaya napatingin ako sakanya. Alam kong naglaro kami. Pero pano ako napunta sa kwarto?

"At hinalikan mo s--" pag tuloy ni trisha pero pinutol yun ni zack.

"Babe halika na nga." At lumabas na sila kasama si sandra.

Ako may hinalikan? Weh?

Pero swerte siya no'. Pero yung second kiss ko. Huhu. Pero ulit, sino kaya yun?

"Kuya sino yung sinasabi ni trisha?"

"Hah? Ahh ano...call of nature kasi." Sabi niya at derederetsong lumabas.

"Princess. Goodmorning." Bati ni kuya lucas. Siya nalang tanungin ko.

"Morning kuya. Tungkol po pala kagabi." Tumingin siya kay monster.

"Sino pala yung hin--"

"Call of nature princess." Tumakbo paalis.

"Hi ate thiana" Bati ni Leena. Siya yung pinaka bata sa section namin.

"Pwedeng mag tanong?"

"Opo naman po."

"Anong ginawa ko pala kagabi?"

"Ay ate ano pala..kasi..ano.."

"Call of nature?" Yan naman kasi lagi eh.

"Hah? Hindi po. Text of nature. Bye!" Sabay alis.

"Ano ba yan?! Sino ba yung hinalikan ko kagabi at ang swerte niya!" Sigaw ko dito.

"Gusto mo ba talaga malaman." May kasama pala ako.

Im Not. (ON-GOING)Where stories live. Discover now