CHAPTER 12

8 1 0
                                    

"Thiana labas ka na!" Sabay katok ni mika. Okay lang kaya tong suot ko? Baka pagtawanan ako. Sinuot ko na kasi yung two piece na binigay saakin ni mika.

"Pag hindi ka lumabas, iiwanan ka namin dito."

"Ayaw kong lumabas." Sabi ko.

"Sige. Alam mo sis, sabi sabi daw nila namatay daw dito at nagbigti sya. Pero hayaan mo na. Thiana, mauna na kami." Kwento ni mika.
Dali dali kong binuksan yung pinto baka kasi may multo dito eh.

"Wahhh!! Ang sexy mo." Sigaw ni myka.

"Ikaw na!" Sabi naman ni mika.

"Hindi ba ako mataba? Bagay ba sakin?" Tanong ko.

"Ang sexy mo kaya! talo mo pa si marian rivera. Pag Miss Universe ang sexy mo!" Sabi ni mika. Kulay blue yung suot ni mika. Red naman kay myka.

"Tara na!" Sabay hila ng kamay ko.

"Wait." Tumugil kami. May naalala kasi ako.

"Susunod ako, promise. May kukunin lang ako sa bag."

"Promise mo yan ah." Tumango ako. Nag lakas na sila palayo. Dali dali kong binuksan yung phone ko at nagselfie. Pang profile ko kaya to.

Pumunta na ako sa swimming area at baka magpakita pa saakin yung multo. Lahat na madadaan ko dito, nakanganga. Sabi ko na nga ba! Mataba ako!

"Bestyy!! Dito. Bilis." Sigaw ni myka. Nasa isang lugar sila. Asan si monster? Bat ko ba siya iniisip?

"Nagmana ka talaga samin. Sexy! " sabi ni luke. Tumawa ako. galing magbiro.

"Iba ka bunso!" Sabi naman ni lucas at nag apir kami.

"Dun tayo kay clark." sabi ni myka sabay turo kay clark na nag swiswimming na may kasamang babae. At nagtatawan sila. Edi sila happy.

"Mauna na kayo. Kakain muna ako." aba't gutom na rin ako no'.

"sige, pero hinay hinay lang ah baka tumaba ka." pag asar ni kuya lucas.

"Che!" Kahit naman kumain ako ng sadamakmak na pagkain hindi pa rin ako tataba. Pumunta na sila sa pwesto ni clark. Eh ako? Kumakain ng fried chicken. Sarap!

"Hi miss thiana." Napatalon ako sa gulat, pati nga yung chicken na hawak ko lumipad.

"Baklangkabayo!! Ginugulat mo naman ako eh." Angal ko. Tapos nag pout pa. Haha.

"Hahaha sorry. Di ko alam na magugulatin ka." Ang gwapo niya.

"Haha okay lang. Mr..."

"Im Thunder." Sabay lahad ng kamay. Syempre aabutin ko yun.

"Thiana." At nagbitaw na kami ng kamay. Grabe crush ko na ata siya.

"Hindi ka ba mag swi-swimming?" Tanong niya at nakatingin sa mata ko.

"Mag swiswimming na." Sabi ko. Tumayo na ako at lalakad na sana nang hilahin niya ako.

"Sabay na tayo." Tumango ako. Pumunta kami sa konting tao pero katapat lang namin sila myka. Gets?

"Hoo! Lamig." So coldd. Nilubog ko yung katawan ko para hindi ako malamigan. Si thunder naman nasa harapan ko at tumatawa.

"Wag mo nga akong tawanan." Sabay hampas ko sakanya ng tubig. Bumawi naman siya.

"Ta-tama na o-oy." Tumatakbo kasi ako. Ang hirap tumakbo sa tubig.

Sino bang tanga ang tatakbo sa tubig thiana?

Eto namang utak ko.

"Gotcha." Sabay niyakap niya ako sa likod.

"Hahaha. Bwesit ka."

"1,2,3" sabay kaming hindi huminga sa ilalim ng tubig. Hindi naman kami sirena para makahinga sa tubig no'.

"Sakit sa ilong" sabi ko ng pagkaahon namin. Tinignan niya ako ng seryoso at lumapit sakin. Palapit na palapit yung mukha nya. Hahalikan ba niya ako?

"O yan. Hindi na sasakit ang ilong mo." Kiniss lang naman niya yung tip ng nose ko. Namula tuloy ako.

"Dun tayo." Turo ko sa hagdan. Tumungo na kami doon.

"Saang section ka?" Hindi ko kasi siya nakikita eh.

"Classmate kita."

"Wehh. Hindi nga kita nakikita."

"Kilala mo si Mr. Dy?" Tanong niya. Nilalaro ko lang yung tubig.

"Ah oo. Yung lalaking may salamin na may brace."

"Uhuh! At ako yun." Napauno ako sa sinabi niya. Siya si Mr. Dy!!

"Galing mo mag joke."

"Ako nga yun eh. Diba tinulungan mo pa akong ligpitin yung sadamakmak na libro sa library."

"Ah! Oo, tapos namatay yung ilaw" Nakakatawa nga sya eh.

"Haha. Namatay yung ilaw tapos niyakap kita."

"Hahahaha. Yung mukha mo dun talaga." Pinisil nya yung dalawa kong pisngi.

"aww! shakit ah!" tumawa sya. Cute ko kaya.

"Thiana!" Tumingin ako sa tumawag sakin.

"Halika dito" si mika pala yung tumatawa kaya pala masakit sa tenga haha.

Tumingin ako sa katabi ko at binatukan. "oy kidlat! Mauna na ko ah." Tumango siya at pumunta na ko kela mika.

"Bakit?" Tanong ko. Umupo ako sa tabi niya. Sila myka nag lalaro sila kasama si luke. Eh si monster naman...

"Nasa likod mo. Sino ba yung kasama mo hah?" Tumingin ako sa likod at nakatingin siya sakin ng masama kaya na paiwas ako nang tingin. bat naman?

"Si thunder, classmate natin. At saka kaibigan ko lang yun." Paliwanag ko.

"Sabi mo eh." May hawak siyang parang juice at ininom.

"Laro tayo ng spin the bottle. Mag ayos na kayo sa living room tayo ah!!" Sigaw ni gabby. Ano ba yan kakaswimming lang eh. Tumayo na sila pero ako nakaupo parin sinabihan ko sila na susunod na ako.

Bakit kaya ang sama ng tingin ni monster sakin?

Tumayo ako. Tinitignan ko yung swimming pool. Ang gulo hahaha. Nagulat ako ng may naglagay ng damit? O jacket? sa likod ko. Mas kinagulat ko pa ng may yumakap sakin patalikod. Napapikit nalang ako dahil naamoy ko ang pabango niya na may halong alak.

"Sa susunod wag ka nang magsusuot ng ganyan ah." Sabi niya.

"Wag ka naring lumapit sa kahit sinong lalaki. Nagseselos ako e." Nilagay niya yung noo niya sa balikat ko parang masakit ang ulo niya.

"Monster..." sabi ko.

"Hmm."

"Aakyat na ko." Tinanggal niya yung pagkayakap niya sakin at inakbayan ako. Hinatid niya ako sa kwarto.

"Sabay na tayong pumunta sa living room. Hintayin kita dito." Tumango ako at pumasok sa loob

Pumasok agad ako sa banyo para makaligo agad ako. Sinuot ko nalang yung jogging pants at malaking shirt.

"Sino yung kasama mo kanina?" Sabi ni mika. Ako naman nagsusuklay ng buhok.

"Si thunder." Sabi ko.

"Ahhh. Sis mauna na ako ah. Thiana." paalam ni mika. Tumango naman si myka.

"By the way, pwede mo bang idescribe si Lucas?" Smell something fishy. hahah

"Si kuya lucas seryoso yan sa buhay, minsan malambing, minsan may topak. Yung minsan na pumasok ako sa kwarto niya eh mahilig siya sa mga sapatos. Alagang alaga sya dun kala mo girlfriend na nya."

Seryosong nakikinig sakin si myka.

"Pero ang pinaka ayaw ko sakanya ay...may nabuntis siya." Yung mukha ni myka parang binagsakan ng langit at lupa.

"De joke. Eto naman! Mabait si kuya lucas at loyal yan." Sabay kindat ko sakanya.

Im Not. (ON-GOING)Where stories live. Discover now